Lea Adino Ramdam ko ang matigas niyang dibdib sa likod ko, pati na rin ang mahigpit na pagkakahawak ng mga bisig niya sa katawan ko. Para akong nakuryente sa init ng balat niyang nakakulong ngayon sa akin, lalo na nang muli siyang bumulong sa tainga ko. "Don't let your opponent tame you, Lea," aniya sa tinig na may bahagyang tawa, ngunit dama ko rin ang seryosong tono sa ilalim nito. "In situations like this, you should know how to break free." Napalunok ako, at pilit na itinuon ang isip sa training at hindi sa init ng katawan niyang bumabalot sa akin. Sinubukan kong gumalaw, ngunit lalo lamang humigpit ang pagkakayakap niya, na parang sinasadya niyang iparamdam kung gaano ako kahina kumpara sa kanya. "Try to break free. Use your damn brain," hamon niya, kasabay nang bahagyang pagluwag