NANLAKI ang mga mata niya na tila hindi agad makapaniwala sa narinig. Ilang saglit siyang nakahinto at nakatitig lamang sa akin. "R-Really?" bulong niya sa bahagyang paos na tinig. Tumango ako, at bago ko pa maituloy ang sasabihin ko ay bigla na lamang niya akong niyakap nang mahigpit. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya, at kahit hindi ko nakikita ay alam kong naiiyak na rin siya. "Wife... Oh, my God. I'm going to be a dad," ulit niya, na tila pinoproseso pa rin ang lahat. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tumitig sa aking mga mata. "Are you sure? Wala bang mali?" "Tatlong test na ang ginawa ko, lahat positive." Pumasok na rin siya sa loob ng banyo at tiningnan ang mga pregnancy test. Dinampot niya rin ang mga ito at sinuri isa-isa. "Oh, my God. It's true," aniya na ti