MABILIS NA LUMIPAS ang dalawang linggong pananatili namin sa Maldives. At sa loob ng isang linggong 'yon ay marami na rin kaming nagawa. Sa umaga ay madalas kaming magising sa tunog ng alon na banayad na humahampas sa pampang at sa mga villa. Nag-eenjoy kami sa almusal na inihahain sa veranda ng villa namin—mga tropikal na prutas, sariwang seafood, at mainit na kape habang pinagmamasdan ang mala-paraisong tanawin ng dagat. Hindi kami pinababayaan ni Meann sa lahat ng mga kailangan namin, lalong-lalo na sa mga pagkain. Sa araw ay naglilibot kami sa buong private island resort ni Drake. Sinubukan naming sumakay sa jet ski, mag-snorkeling sa malalim na bahagi ng dagat, at mamangka habang pinapanood ang paglubog ng araw. May mga araw ding naglalakad lang kami sa dalampasigan at hinahayaan