February "May kasalanan din ako. Kundi ko siya tinanggap noon, hindi sana hahantong sa ganito ang lahat!" Hindi ko na napigilan pang humagulgol sa harapan nilang lahat. Naririto na kami sa loob ng mansyon. Binabagabag ako ng matinding awa at kunsensya para kay Renzo, lalo na't minahal ko din siya bilang kaibigan. 'Yong mga sinabi niya kanina, 'yong sakit na nakita ko sa mga mata niya, sa tingin ko ay katotohanan na ang lahat ng 'yon. Walang halong pagpapanggap. Hinawakan naman ni Nixon ang mga kamay ko. "Feb, please, don't blame yourself. Wala kang ginawang masama... You only wanted to help him. You cared—and that doesn't make you the villain. It's not your fault he got hurt, especially when you tried so hard to save him from himself." "Pero pinaasa ko siya, Nixon." Sunod-sunod na tumu