Darcy KINABUKASAN ay hindi dumalo sa virtual class si Zayden. Naging tahimik, seryoso at maayos ang pagtuturo ko ngayong wala siya. But despite that, I couldn't calm down. I can't even remember how many times I called out to him in my mind while speaking in front of the class. Paulit-ulit ko ring binalikan ang pinagmulan ng away namin kahapon bago kami naghiwalay. Totoong walang patutunguhan ang ugnayan naming ito kung hindi siya magbabago. Ano bang magiging buhay namin kapag patuloy siyang ganito? Paano ko siya ipaglalaban sa pamilya ko? Siguradong tututol lang sa amin sila Dad at Mommy, at baka maging ang mga kapatid ko. However, as his professor, I still need to find a way to help him with his studies and ensure he graduates. I need to set aside our personal matters for now. ***