Darcy "Come on." He immediately pulled me toward the stairs. "W-Wait, my bag." Agad naman siyang lumingon sa sofa. Tinungo niya ang bag ko doon at kaagad na dinampot. Mabilis din niya akong binalikan at muling hinila paakyat ng hagdan. "Zayden!" Napalingon kaming muli sa baba nang marinig namin ang pagtawag ng kanyang ama. Nakapasok nang muli sa main door si Mr. Montclaire habang may napakalapad na ngiti. "Congratulations! I’m so proud of you, son!" he exclaimed excitedly. Naramdaman ko ang paghigpit nang pagkakahawak ni Zayden sa braso ko. Napalingon ako sa kanya at kitang-kita ko ang paggalaw ng panga niya habang nakatitig ng matalim sa kanyang ama. Nilingon kong muli si Mr. Montclaire, pero nakangisi naman ito habang nakatingala sa amin. Muli na akong hinila ni Zayden paakyat