CHAPTER 66: Safe with You

2286 Words

THIRD PERSON POV Narinig ni Drake Jr. ang papalapit na boses ng ina ni Lea, kasabay ng mabibigat nitong mga hakbang sa hagdan. Para bang tumigil ang oras sa kaba niyang mahuli sa ganoong sitwasyon. Mabilis siyang umalis mula sa ibabaw ng dalaga, hinila ang kumot at maingat na itinakip sa buo nitong katawan. Dinampot niya rin ang mga nakakalat na damit ni Lea sa sahig at isiniksik sa ilalim ng kumot, saka nagmamadaling nagbihis. "Lea! Nasaan ka bang bata ka?! Kaninong kotse 'yong nasa labas?! Nakaharang sa gate natin!" Mas lumakas ang tunog ng bawat yapak sa kahoy na hagdan, senyales na ilang hakbang na lang ay nasa pinto na ito ng kwarto. Napatitig si Drake sa dalagang mahimbing pa ring natutulog, na tila walang kamalay-malay sa kaguluhang maaaring sumabog anumang segundo. Paulit-uli

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD