"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko kay Vic nang makita ko ang ginagawa niyang pagkain sa isang oval na platito sa island counter. Nakalatag sa harapan niya ang mga recipe nito, na mayroong banana, ice cream, mga bote ng chocolate syrup at strawberry syrup at kung ano-ano pa. "Baka po kasi parating na si Sir Drake, Ma'am Nikki. Alam niyo po ba na paborito niya ang banana split? Naaalala ko pa po noong high school pa kami, ito ang hilig niyang kainin sa cafeteria." Nagkatinginan kami ni Kayla. Nakikinood din siya sa ginagawa ni Vic, pero siya ang umako nang pagluluto ng hapunan namin ngayon. Pumayag kaagad ako dahil na-miss ko ang mga luto ng kapatid ko. Sila Norris at Nerissa naman ngayon ay nasa entertainment room at nanonood ng movie. "Baka nagbago na ang paborito niya ngayon. Alam mo