"Ahm, dito ang magiging silid mo." Inihatid ko si Vic sa isang maluwang na silid malapit sa kusina. Sa loob ay may dalawang bunk bed na nakalaan talaga para sa mga kasambahay. May kanya-kanya silang cabinet para sa kanilang mga damit, isang sariling banyo, at tig-isang bedside table sa bawat kama. Mayroon ding apat na lampshade na nakakabit sa gilid ng bawat bunk bed para sa mas maaliwalas na ilaw nila sa gabi. Bagamat apat ang kama, tatlo pa lamang ang aming na-hire na kasambahay sa ngayon. Pumasok si Vic at iginala ang paningin sa buong silid, na waring iniinspeksyon ang magiging bagong kwarto niya. "Ikaw na ang bahala kung saang kama mo gustong matulog," sabi ko habang inaayos ang ilang gamit sa loob. "Sa ngayon ay ikaw pa lang ang nandito. Hihintayin pa natin ang dalawa pang kasamba