Lea Adino Maghahating-gabi na, pero para pa rin akong nangangarap nang gising. Hindi maalis-alis sa isip ko ang mga nangyari sa buong maghapon, lalo na ang unang training ko sa self-defense—at si Professor Drake Jr. mismo ang trainer ko. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko kung paano niya ako niyakap nang mahigpit, kung paano ko naramdaman ang tibay ng kanyang mga bisig, ang matigas niyang dibdib na halos nakasandal na sa akin, ang init ng kanyang balat na dumadampi sa akin, at ang kanyang hininga—napakabango, mainit, at masyadong malapit sa mukha ko, na halos mahalikan na niya ako. Paano kung hinalikan nga niya ako noong sandaling 'yon? Naupo ako sa kandungan niya, at sa paraan ng pag-corner niya sa akin, alam kong kung gugustuhin niya, wala akong kawala. Pwede niyang gawin ang anum