Lea Adino HUMINTO ang kotse ni Sir Drake sa tapat ng cafe dito sa harap ng park. Tinanaw namin ang loob nito, ngunit marami-rami ang tao sa loob. "Marami palang tao, Sir Drake. Hindi nila tayo pwedeng makita. Siguradong may mga estudyante dyan ng EMU," ani ko sa kanya. "Leisure hours kasi ngayon. Let's just find another place," mahinahon naman niyang sagot bago nagpatuloy sa pagmamaneho. "Saan naman kaya pwede?" tanong ko habang nag-iisip. Ilang sandaling nanahimik si professor, pero tila nag-iisip din. "I know a place," aniyang bigla. "It's quiet, far from the crowd, and I'm sure there won't be any students there." Ngumiti siya at saglit na sumulyap sa akin. Napakunot naman ang noo ko. "Saan naman po 'yon, Sir?" "Surprise." Kumindat siya bago muling ibinalik ang tingin sa daan.