Lea Adino "Noong bata pa po ako, madalas kaming magluto ng tatay ko tuwing umaga. Siya kasi ang nagturo sa akin kung paano magluto ng simpleng ulam, tulad ng adobong sitaw, adobong kangkong at kung ano-ano pa. Sabi niya, ang pagkain daw, hindi lang dapat nakakabusog, kundi dapat may halong pagmamahal," nakangiti kong kwento kay professor habang ini-enjoy namin ang pananghalian. Buong oras din naman siyang nakangiti at nakikinig sa mga kwento ko habang kumakain. "Mukhang marami kang natutunan sa kanya." Tumango ako. "Opo. Sobrang bait po ni Papa. Mahilig siyang magpatawa kahit pagod na siya sa trabaho. Minsan, pag wala kaming masyadong pera, ang ginagawa niya, ginagawang espesyal kahit 'yong simpleng pagkain lang. Sabi niya, ang tunay na sarap ng pagkain, nasa samahan ng mga taong kumaka