CHAPTER 07: Secrets and Lies

2067 Words
"Mom!" Biglang napabangon si Drake. Inalalayan niya rin akong makatayo. Naging maingat siya. "Why are you here?" Kaagad kong inayos ang sarili ko sa harapan ng kanyang ina. Ramdam kong basang-basa na ng tubig ang likod ko. Ganun din ang pajama pants ni Drake. "I just wanted to see how beautiful your house really is and check how you're doing here. You’ve never brought me here before. Ipina-bless mo na ba ito sa priest bago niyo tinirhan?" Nagpalakad-lakad at nagpalinga-linga sa buong paligid si Mommy Juliet. "I'm just about to set an appointment for that. Hindi ba it's best na magpa-bless nitong bahay kung kasama ko na ang wife ko?" Napahinto ako sa sinabi ni Drake. Pero alam ko namang acting niya lang 'yan. Napangiti si Mommy Juliet. "You're right, son. It's a wonderful idea. Ibig sabihin ay gusto mong naririyan ang presence ng asawa mo sa lahat ng event sa buhay mo." Patuloy sa pag-ikot ang paningin ni Mommy Juliet sa buong paligid. Ininpeksyon niya ang mga cabinet at binuksan ang mga nakasaradong pinto. Lumingon sa akin si Drake, at binigyan ako ng makahulugang tingin. Bigla din siyang bumulong sa akin, "Transfer all your things from your closet to my room." Napatingin din ako sa isang susi na pasimple niyang iniabot sa kamay ko. "H-Ha?" Nagtataka naman akong napatitig sa kanya. Masyado siyang matangkad kaya palagi din akong nakatingala sa kanya. "Stop asking questions. Mom will be upstairs any minute now. Just do it." Binigyan niya ako ng mariing tingin. "At pwede ba, mag-bra ka. Iniladlad mo pa talaga 'yang mga n****e mo sa mga tao ko." Napahinto naman ako sa sinabi niya, at napayuko sa katawan ko. Doon ko napansing bakat na bakat nga ang mga n****e ko sa manipis at silk na tela ng robe ko. Nararamdaman ko na rin na nakakapit na ang basang telang bahagi din nito sa mga pisngi ng puwit ko, kaya kaagad ko silang hinawakan at ikinawang. Ang isa ko namang braso ay itinakip ko sa dibdib ko. "O-Okay," sagot ko sa kanya. "Drake, anak, napansin kong medyo kulang pa ang mga dekorasyon niyo dito sa sala. It might be nice to add some portraits of you and Nikki—perhaps your wedding picture. Napakaganda no'n," mungkahi ni Mommy Juliet, na ngayo'y naglalakad na patungo sa sala. Sumunod naman kami sa kanila ni Drake, pero itinulak na ako ni Drake patungo sa hagdan. Binigyan pa niya ako ng maawtoridad na tingin. Inismiran ko na lamang siya at nagmadaling umakyat. "At anak, wala akong nakikitang altar o kahit maliit na display ng mga religious items. You know how important that is, especially now that you're just starting your married life," dagdag pa ni Mommy Juliet. "My wife will take care of that, Mom," sagot naman ni Drake. Sinusulyap-sulyapan ko sila sa baba habang patuloy akong umaakyat dito sa taas. Siya naman ay nakatitig pa rin sa akin. "Your indoor garden looks great, son. It's perfect. Maybe add a few more flowering plants. Ang kitchen niyo ... parang kulang sa mga gamit. Siguraduhin mong may sapat kayong mga kasangkapan para sa pagluluto. Baka kailangan niyo ng mas malaking refrigerator o oven." "Malaki na 'yon, Mom, at dalawa lang naman kami dito. Plus, we received plenty of wedding gifts, and I'm arranging for them to be delivered here. Baka may mga appliances doon na kasama. I'll check everything before making a list of any other items we need," sagot muli ni Drake. Sandali akong napahinto at napatitig sa kanya. Matalino naman pala siya, at naisip niya 'yon. "That's right, son. You're impressing me now." Maging ang kanyang ina ay napahanga din sa kanya. "As for the dining area, it might be a good idea to get a bigger table. Para kung sakaling magkaroon kayo ng mga bisita o lumaki na ang pamilya niyo, hindi kayo mahihirapan sa espasyo," patuloy ni Mommy Juliet. Nagpatuloy na rin ako sa pag-akyat ng hagdan dahil sinisenyasan na naman ako ni Drake, at sinasamaan ng tingin. Nagmadali na rin ako dahil mukhang tama nga siya, susuyurin ng kanyang ina ang buong bahay niyang ito at inaalam kung ano-ano pa ang mga kulang. Pagdating sa taas ay nagmadali na akong magtungo sa room ko. Kaagad akong pumasok sa loob, ngunit bigla rin akong napahinto. "Mga damit sa closet ko? Ibig sabihin ay pag-aari ko pa lang lahat ang mga bagay na 'yon, na kay mamahal at lahat ay mga bago?" Napatanga ako sa gulat. "What the hell?" Kaagad ko na ring nilapitan ang closet at binuksan. Tumambad muli sa akin ang mga mamahaling kagamitan na ito. "Siya kaya ang bumili ng mga 'to? Malamang siya, sino pa ba? Alangan namang ibang tao pa? Magaling naman siyang pumili ng gamit ng mga babae dahil bading siya." Napabuntong-hininga ako ng malalim. Marami sila at matatagalan bago ko sila mailipat lahat sa room niya. Eh, kung doon na ba niya ang mga ito inilagay dati pa at doon na ako natulog kagabi, hindi na sana ako mahihirapan pa ng ganito. Ang arte-arte kasi. Ano bang ikinakatakot niya? Hindi naman niya ako magagalaw dahil bakla nga siya. "Sa akin yata siya takot, eh. Baka nga naman ako ang mang-rape sa kanya. Kapal naman niya. Virgin pa 'to, no!" Napabuntong-hininga akong muli ng malalim at nag-isip. Bigla naman akong napatitig sa kumot sa kama. Kaagad ko itong nilapitan at ibinuka. "Pwede na dito, para mabilis." Muli kong nilapitan ang mga damit at kaagad silang inilabas sa closet nang bungkos-bungkos. Inipon ko sila sa gitna ng kumot. Inilagay ko na silang lahat. Nagsama na rin ako ng ilang piraso ng mga bag hangga't kasya pa, bago ko binungkos ang kumot at ibinuhol sa gitna. Maingat kong kinulong sa loob ang mga gamit bago ko ito binuhat at inilapag sa sahig. May kabigatan sila, pero kaya namang hilahin. Inilabas ko sila sa room ko at hinila patungo sa katabing pinto. Sinubukan ko muna itong susian dahil hindi pa ako sigurado kung ito ba talaga ang room niya. Pero namilog ang mga mata ko nang marinig ko ang click ng pag-unlock nito. Kaagad ko rin itong binuksan at bumungad sa akin ang napakalawak na kwarto. Kung ganun ay ito na nga ang room niya, ang master's bedroom. "Grabe, parang hotel suite sa ganda at laki." Kaagad kong hinila ang kumot papasok sa loob. May isang malaking kama dito sa gitna na may napakalinis at puting comforter. Pero hindi pa sila maayos at bakas pa ang pinagtulugan ni Drake. Sa gilid ng kama ay may dalawang bedside table na may mga eleganteng lampshade. Ang sahig ay natatakpan ng makapal na carpet at napakalambot nito sa paa. Sa kaliwang bahagi nitong kwarto ay may malawak na bintanang natatakpan ng makapal na kurtina. Sa tabi nito ay may isang pinto na mukhang balcony ang nasa likod. Sa isang sulok naman ay may isang maliit na seating area na may leather sofa at coffee table. Dahan-dahan kong inilagay ang mga gamit sa gilid ng kama, at tinungo ang isang pinto dito sa kaliwang bahagi. Binuksan ko ang sliding door nito at dito ko nalamang walk-in closet ang nasa loob na may access na patungo sa banyo. Tumambad sa akin ang maayos na hanay ng mga mamahaling mga damit at mga sapatos. Napailing na lang ako. "Walang itulak-kabigin sa mga gamit niya. Puro branded." Muli kong binalikan ang kumot at ipinasok dito sa loob. Minabuti kong iwan na muna sila dito at kaagad binalikan ang mga natitira pang mga gamit sa kabilang kwarto. Kinuha ko ang comforter ni Drake sa kama niya at siyang ginamit ko bilang panghakot. Pinagkasya ko na ditong lahat ang mga natitira pang mga gamit—bags, shoes, underwear, accesories at mga jewelries. "Pati ba naman ang mga ito? Malamang, kailangang walang matira dito na kahit anong gamit ko, dahil baka pati dito ay pumasok din si Mommy Juliet. Pinahirapan pa talaga ako ng anak niya!" Bigla akong napahinto nang makarinig na ako ng mga boses at mga taguktok ng takong sa sahig. s**t! Nandyan na nga! Kaagad na akong nagmadali sa paghila sa comforter at mabilis na inilipat muli sa silid ni Drake. "Wala ba kayong malaking chandelier dito sa hallway, anak? Maganda siguro kung meron, para mas elegant tingnan ang second floor. 'Yung classy pero hindi masyadong overwhelming," suhestiyon na naman ni Mommy Juliet. Maingat kong isinara ang pinto, at ipinagpatuloy ang paghila ng kumot patungo sa walk-in closet. Huwag naman sanang pati dito ay papasok siya! Hindi ko na sila ngayon marinig sa labas. Minadali ko na lamang ang paglilipat ng mga damit sa mga bakanteng bahagi nitong closet. Hindi ko na gaano pang inayos para mabilis. "Mom, come on. This is our private room, Nikki and I." Bigla akong napahinto nang marinig ko na ang tinig ni Drake. Mukhang nakapasok na nga sila dito sa room! Ano ba naman 'yan?! Nataranta akong bigla. Hindi ko malaman kung saan ko ilalagay ang mga kumot na ginamit ko. Baka mapansin pa ni Mommy na wala kaming comforter sa kama. "I just want to see if you know how to organize things. Oh, look at your room, why do the curtains seem so simple? Subukan mong maglagay ng mas makapal at eleganteng drapes, para mas luxurious ang dating," turan na nga ni Mommy Juliet mula sa labas. "Mas maganda rin kung maglalagay kayo ng mini bar o coffee station dito sa second floor. Para kung gusto niyong mag-relax, may access na kayo agad sa refreshments. Hindi niyo na kailangan pang bumaba sa kitchen... Napansin ko rin, kulang sa decorative accents ang mga shelves niyo. Try niyong maglagay ng mga figurines, vases, o kahit mga books na pwedeng display, para hindi masyadong plain." "My wife will handle those, Mom. First day pa lang naman namin ngayon dito, at saka nagha-honeymoon pa kami. Bigyan niyo pa kami ng time," sagot naman ni Drake sa kanya, na parang frustrated na. Honeymoon, your face! Hayst. Hindi ko akalain na mai-stress din pala ako sa kanyang ina. Ang dami niyang suggestion. Pero kunsabagay, concern lang naman siya lalo't bata pa nga ang anak niya at baka wala pa siyang tiwala pagdating sa pag-aayos ng bahay. Pero kung ako ang tatanungin, napakaganda na nito, malinis at engrande lahat. Ibig sabihin ay marunong talaga si Drake. Pero ... bigla kong naalala ang bayot niyang jowa. Baka naman 'yong bayot na 'yon talaga ang nag-ayos nito at hindi siya. Tsk. "Nasaan nga ba ang asawa mo? Bakit bigla siyang nawala?" Namilog bigla ang mga mata ko sa tanong ni Mommy Juliet. "Maybe she's in the bathroom, taking a shower," dinig ko namang sagot ni Drake. "Let me see your walk-in closet." Nataranta akong bigla nang marinig kong muli ang mga taguktok ng heels sa sahig. Pero hindi na ito ganun kalakas dahil siguradong carpet na ang nilalakaran nila ngayon. Kaagad na akong tumakbo patungo sa banyo habang hila ang mga kumot. Inihulog ko sila sa laundry basket na naririto sa loob at mabilis na hinubad ang robe ko. "Mom, not there. Nikki's in there," babala ni Drake. "I just want to see if your closet is organized. Alam ko kung gaano ka kagulo pagdating sa mga gamit mo. Hindi ka marunong mag-ayos." Naku naman. Pumasok na rin ako sa loob ng shower room, at binuksan ng mahina ang tubig. Napansin ko na may malaking bathtub din pala sa gilid nito sa labas. "Maayos naman ang asawa ko at marunong," sagot muli ni Drake. "We'll see for ourselves, then, when I get to spend more time with her. Gusto ko rin siyang makausap." "Mom naman. She's just a little shy because we had a moment last night. Medyo ... marami pa siyang bahid ngayon ng ano ko." Bigla naman akong napanganga sa huling sinabi ni Drake. Moment last night? Bahid? Ano 'yon? "Baka naman, anak, hindi mo pinagpapahinga ang asawa mo. Remember, she's pregnant. Hinay-hinay na ngayon dahil may dinadala na siyang baby! Huwag masyadong bumayo. Pati sa kusina ay ginagawa niyo 'yan!" Oh, my God. Halos mawindang ako sa mga narinig kong 'yon mula kay Mommy Juliet. Oo nga pala, kamuntik ko nang makalimutan ang kabalbalang 'yon na ginawa ni Drake—ang kasinungalingan niya na buntis ako! Paano na 'to? Malaking problema 'to. Ang kapal pa ng mukha niyang sabihing nagha-honeymoon kami! Eh, diring-diri nga siya sa akin at pinatulog pa niya akong mag-isa sa ibang room! Napakasinungaling niya. Isumbong ko kaya siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD