NALIGO na ako nang mabilis dito sa shower room, gamit ang mga toiletries ni Drake. Sa kabila ng mga agam-agam ko ay kailangan kong kumalma.
Naaninag ko naman mula sa frosted glass ng shower enclosure ang pagbukas ng pinto sa labas. Tumambad sa akin sina Mommy Juliet at Drake at pareho silang napatingin sa direksyon ko. Agad kong tinakpan ang maseselang bahagi ng katawan ko, kahit alam kong malabo naman nila ang mga itong makita dito sa loob.
"I already told you, Mom, my wife is in the shower," ani Drake, na halatang naiinis na.
Ngumiti lang si Mommy Juliet, na parang walang pakialam sa tensiyon ng anak. Kumaway din siya sa akin. "Sorry, dear. You'll have to get used to me—lagi akong mausisa sa lahat ng bagay pagdating sa anak ko. I just wanted to check if your bathroom is tidy and clean. You know how important hygiene is." Nakita ko rin ang paglibot ng paningin niya sa buong paligid.
"Okay lang po, Mommy," sagot ko naman.
"Oa ka na, Mom. You could wait until my wife is done showering," muling sagot ni Drake sa kanya.
"So what? We're both women, okay?!" sagot ni Mommy Juliet, na halatang hindi natitinag. Muling umikot ang paningin niya sa buong paligid, na tila binubusisi ang lahat ng bagay dito sa loob. "Hmm, okay naman pala ang bathroom niyo, pero baka mas maganda kung magdagdag kayo ng mga scented candles o essential oils para mas relaxing. Iha anak, I saw a great idea in a magazine. Baka gusto niyong maglagay ng maliit na indoor plant dito sa banyo, pampabuhay ng ambiance," aniya naman sa akin.
"S-Sige po, Mommy," sagot ko na lang. Nakikita ko ang pagkamot sa ulo ni Drake na parang inis na inis na talaga sa kanyang ina. Naramdaman ko naman ang pagtibok ng puso ko sa kaba at kaunting pagkailang. Patuloy ang paliligo ko dito sa loob.
"Okay, that's all for now. We'll talk again later. Go ahead and finish your bath." Kumaway na siya sa akin. "Maglagay nga pala kayo ng mat dito. Kailangan may nakalagay para iwas dulas. Buntis 'yang asawa mo, Drake. Kailangan mo siyang ingatan," aniya kay Drake.
"Magpapabili ako mamaya din agad," sagot ni Drake, na parang gusto nang tapusin ang usapan.
"Bakit mamaya pa? Ngayon na agad!" bigla namang bulyaw sa kanya ng kanyang ina.
"Mommy naman." Mas lalo pang gumuhit ang hindi na maipintang mukha ni Drake.
"Kapag nadulas 'yang asawa mo dyan sa sahig, baka mabangasan ang mukha ng apo ko!"
"Oo na. Gagawin ko na," sagot muli ni Drake na parang suko na siya sa kanyang ina.
"I'll be keeping an eye on that," may halong babala na turan ni Mommy Juliet.
"Huwag niyong sabihing magtatagal pa kayo dito?" Lumabas na silang muli, at isinarang muli ni Drake ang pinto.
"What's wrong with that?! I'm your mother, Drake, and I just want to make sure you're ready to handle your family well. I want to be sure you can manage everything. Kung bakit naman kasi kay bata-bata mo pang lumandi? Hindi ka man lang muna nagpa-edad-edad muna ng 25 o 26 bago nagpakasal! Samantalang 'yang asawa mo ay 28 na."
"Mom, I don’t have to be 25 or 26 to be ready for marriage. Responsibility isn't measured by age... And besides, I love Nikki. I know I can take care of her and our future child. So please, give us some space. Not everything needs to be under your control."
Naririnig ko pa rin hanggang dito sa loob ang pagtatalo nilang dalawa sa labas.
"I know you want the best for me, but my wife and I can handle things here alone."
Napahinto naman ako sa mga narinig kong sinabi ni Drake sa kanyang ina. Nagpaikot-ikot silang lahat sa isipan ko... Hindi ko mapigilang magtaka. Bakit pakiramdam ko ay seryoso siya sa mga sinabi niyang 'yon, gayong alam ko namang pagpapanggap lang ang lahat ng ito?
Ganun ba talaga siya kagaling umarte? Kung hindi ko lang alam na bakla siya at isang kasunduan lang at kontrata ang namamagitan sa aming dalawa ngayon, baka maniwala na ako sa mga sinasabi niya.
Natawa na lamang ako at napailing.
Ang mga salita niya ay parang isang scripted na linya mula sa isang teleserye. Siyempre, arte lang ‘yon. Isang kasunduan, isang laro. Paano nga naman siya paniniwalaan ng pamilya niya kung hindi niya gagalingan? Hindi pwedeng mabuking nila ang tunay niyang pagkatao, kundi yari na.
"I know you think you can handle everything, but you’re still so young, Drake. You’re not even thinking about the challenges of having a family. You think love is enough, but you’ll see, it's not that simple... Hindi ko naman kayo pinakikialaman, gusto ko lang kayong i-guide," turan muli ng kanyang ina.
Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim. Ngayon, sa tingin ko ay alam ko na kung saan nagmana nang pagiging maingay si Drake. Pati na rin ang pagiging strong-willed niya, stubborn at kung ano-ano pa. Mukhang sa kanyang ina.
Sa kanilang magkakapatid kasi ay si Drake talaga ang sumusobra ang ugali. Though, si Mommy Juliet ay tatlong beses ko pa lamang namang nakakaharap. Ang una ay noong dalhin ako ni Drake sa lugar nila sa Batangas—lugar ng kanyang ina at mayroon sila doong private beach resort. Doon niya ako unang ipinakilala. Ang pangalawa ay noong mismong kasal na namin, at pangatlo ngayong araw na ito. At una pa lang ay kapansin-pansin na ang pagiging maingay talaga ni Mommy Juliet. Maingay na sosyal, dahil mayaman din naman sila.
Hindi ko naman siya nakitaan nang pagkadisgusto sa akin. Maayos niya akong tinanggap sa pamilya nila. Inaasikaso niya ako at ginagabayan sa tuwing nagkikita kami. Hindi lang ako sigurado kung ganun pa rin siya kapag hindi na niya ako kaharap. Katulad ngayon na sinisermunan na naman niya ang kanyang anak sa maaga nitong pag-aasawa.
Hay, nakakapagsisi, pero wala na akong magagawa. Naririto na kami sa sitwasyong ito, at ito lamang din ang paraan para hindi mawala sa amin ang lupang napaka-importante para sa aming magkakapatid.
"Go back to your wife in the bathroom! Alalayan mo siya para hindi madulas, dahil wala ka pa namang mat na mailalagay doon ngayon!"
Napahinto ako nang marinig ko na naman ang sigaw ni Mommy Juliet sa labas.
What?
"Huwag mo siyang iniiwan. I'll be waiting for you out here," dagdag pa niya.
Ilang segundo nga lamang ay muling bumukas ang pinto nitong banyo at pumasok si Drake na halos sabunutan na ang sarili. Ilang beses siyang humilamos sa kanyang mukha, bago lumingon sa direksyon ko. Kaagad din namang nagtama ang aming mga mata.
Bigla akong kinabahan.
"Are you not done yet?" tanong niya, bagama't mahina ay ramdam ko ang inis niya.
"M-Malapit na, magbabanlaw na lang ako." Kaagad na rin akong nagmadali sa pagbabanlaw ng aking katawan. Pero hindi ko rin napigilan ang palihim na ngumiti.
Huh! May katapat din naman pala siya. Talong-talo siya ng kanyang ina. Ano kaya kung magtagal na lang dito si Mommy Juliet? Siguradong wala din siyang magagawa at mapipilitan siyang patulugin ako sa kwarto niya.
Mas lalo pa akong napangiti. Baka doon ay matuloy na talaga ang honeymoon naming dalawa. Hindi sa gusto ko, pero gusto ko lang i-test kung talaga bang hindi niya kayang pumatol sa isang babae. Gusto kong makita kung paano siya mandiri sa katawan ko.
Nilingon ko siyang muli, at nakita kong naghihilamos na siya ng kanyang mukha sa sink. Pinatay ko na ang shower nang matapos na ako sa pagbabanlaw at kaagad na luminga sa paligid para hanapin ang gagamitin kong tuwalya.
Ngunit napahinto ako nang wala akong makita, na kahit ano dito. s**t. Sa pagmamadali ko kanina ay hindi ko na naisip pa 'yon!
Minabuti kong buksan ng kaunti ang pinto. "D-Drake?" tawag ko sa bayot kong asawa.
Napalingon naman siya sa akin. Basang-basa na ang kanyang mukha at ilang bahagi ng kanyang buhok ng tubig. "What?" tanong niya na parang inis pa rin.
Pero alam kong hindi niya ako masisigawan ngayon dahil iniingatan niyang hindi kami marinig ng kanyang ina. Baka nasa labas lang ngayon—dito sa room niya si Mommy Juliet.
"Wala ka pala ditong tuwalya. Pwede mo ba akong bigyan?" sagot ko sa kanya.
Tumitig siya sa akin ng matalim. "Bakit hindi ka nagdala?"
"Eh, nakalimutan ko sa pagmamadali ko kanina, eh... Sige, di bale na lang. Ako na lang ang kukuha." Kaagad kong nilakihan ang pagkakabukas ng pinto at lumabas ng shower room ng hubo't hubad.
Kitang-kita ko naman mula sa gilid ng mga mata ko ang pagtulala niya sa akin. Ramdam ko ang paglibot ng mga mata niya sa kabuuan ko. Ako naman ay maingat na naglakad patungo sa bathroom organizer na malapit sa kanya. Basa ang mga paa ko at baka madulas na naman ako. Sinadya kong hindi takpan ng mga kamay ko ang mga maseselang parte ng katawan ko.
Binuksan ko ang mga compartment at naghanap ng mga tuwalya. Hindi ako sigurado kung dito ba talaga sila nakalagay, pero nakita ko rin naman kaagad sa may bandang ibaba. Maayos silang nakapatas kaya maingat din akong kumuha ng isa.
"What are you doing?"
Napalingon ako kay Drake dahil sa tanong niya. Sinadya ko ring iharap sa kanya ang katawan ko. Siguro ay nasa tatlong hand span lamang ang agwat naming dalawa. Abot na abot kamay niya lang talaga ako.
Seryoso siyang tumitig sa aking mga mata. "Nananadya ka ba talaga? You are deliberately showing me your body. Are you planning something again?"
"Huh? Ano'ng plano ang sinasabi mo? Eh, kumuha lang naman ako ng tuwalya dahil parang ayaw mong mautusan," painosente kong sagot sa mahina ring tinig. "Ano'ng gagawin ko? At saka, bakit ka ba nandito sa loob, eh alam mong naliligo nga ako?" Nagkunyari akong hindi ko narinig ang sinabi ng kanyang ina sa kanya kanina.
Hindi naman siya nakasagot, ngunit napansin ko ang mga pawis niyang nagpupulutong na ngayon sa noo niya at leeg. Maya't maya ring tumataas-baba ang adam's apple niya sa leeg, na parang uhaw na uhaw. Pansin ko rin ang mahigpit niyang pagpipigil, na hindi muling bumaba sa katawan ko ang mga mata niya.
Lihim na lamang akong napangiti. Siguro ay diring-diri talaga siya sa akin.
"Gusto mo ba akong punasan?" Iniabot ko sa kanya ang tuwalya. "Baka kasi bigla na namang pumasok dito sa loob ang Mommy mo. Para makita niya kung gaano tayo ka-sweet sa isa't isa." Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
"Wala na bang silbi 'yang mga kamay mo?" tanong naman niya kasabay nang pagtitig niya ng matalim.
"Anak, matagal pa ba kayo dyan?!" Narinig naming bigla ang sigaw ni Mommy Juliet sa labas, at sunod-sunod nitong pagkatok sa pinto.
Nagulat ako nang biglang agawin sa akin ni Drake ang tuwalya at agad na pinunasan ang leeg ko at dibdib. "We're almost done, Mom! Don't even try to come in!" sigaw niya sa kanyang ina.
Ako naman ay hindi nakakilos sa kinatatayuan ko habang nararamdaman ang ginagawa niya sa akin. Napatulala na lamang ako. Kamuntik pa akong mapaigtad nang bigla niyang sapuin ang isa kong s**o at pinunasan din ang ilalim nito. Naramdaman ko pa na parang pumisil ito doon ng bahagya.
Kakaibang init at sensasyon na hindi ko maipaliwanag ang inihatid nito sa akin. Sumabay rin ang biglaang pagbilis ng t***k ng puso ko.
Shit! Totoo ba 'to?