"Goin home?". Isang lalaki na nakadungaw sa bintana ng sasakyan. Nahinto ako at ilang saglit at kumunot ang aking noo. Ang ganda ng mood ko kanina. Ngunit heto na naman siya. Tsk, tsk. Vince. Hindi ko siya sinagot bagkus ay nag patuloy ako sa paglalakad, patuloy din ang pag-andar ng marahan ang kanyang sasakyan, sumusunod sa aking pag lakad. "Hey! Are you going home?" sambit niya ulit. Ngunit ako walang balak na sagutin siya. "Hey Levi!.. I'm asking you!. Uuwi kana ba?!" muli niyang tanong na nag-paagaw ng atensyon ng mga tanong malapit sa amin. Nag-umpisang magbulungan at lumingon ang mga tao na pakiwari ko ay nakiki-usyoso na. Syempre bago pa man sila mag-isip ng kung ano pa man ay lumapit na ako sa kanya. Pairap ko siyang tinignan na siya naman may inihinto ang sasakyan. "Kung uuwi