PAGDATING sa pabrika… Wala na si Steven doon. Hinalughog na nila ang buong paligid. Wala nang ni isang manggagawa ang naroon sa loob. Walang nakakasagap sa aura ni Steven kahit si Serron na may kakayang masagap ang nakatagong aura at hindi ito maramdaman. Hindi rin umubra ang radar ng ibang kasama nila. Sinubukan ni Jero na masagap ang aura ni Katrina pero blanko pa rin. Maaring nakatago rin iyon. Nakasunod kaagad sa kanila si Dario at Marco. “Nandito lang siya pero nagagawa niyang maging invisible. He can hide his aura,” sabi ni Dario. Inilapat ni Marco ang kamay nito sa sahig saka ito nagpakawala ng tubig kasabay ng yelo. Nagulat silang lahat nang mabilis na in-absorb ng sahig ang tubig. Itinigil ni Marco ang ginagawa. “Nasasabat niya ang tubig ko!” manghang sabi ni Marco. Mamaya a

