BUMALIK si Jero sa tapat ng kulungan ni Steven. Nagulat siya nang naroon ito at kumakain habang nakaluklok sa kama nito. Pero sigurado siya na hindi siya nagmalik-mata kanina. Wala siyang nakitang tao sa loob ng kulungang iyon. “What?” tanong nito. “Nothing,” aniya saka umalis. Pagdating niya sa laboratory ay nadatnan niya si Alessandro at Tito Zyrus niya na inaasikaso ang katawan ng batang si Kean. Pinagsuot siya ng mga ito ng laboratory gown, mask at gloves. Isasagawa na ng mga ito ang operasyon sa bata. Ikakabit na sa katawan nito ang mga organs na nakuha ng mga ito kung saan. Hindi siya sigurado kung magagawa ng mag-ama na bumuhay ng patay, pero may tiwala siya sa mga ito. Dugo ni Katrina ang masasakripisyo sa operasyong iyon kaya kailangan niyang makialam. Nasisiguro naman ng mga

