PAGKAGALING sa laboratory ay dumeretso na si Katrina sa inuukupang kuwarto nila ni Jero. Naligo siya. Nang hindi pa rin nagpapakita sa kanya si Jero ay lumabas ulit siya at hinanap si Erman. Natagpuan niya ito sa pad ng mga babae at kausap si Natassa. Pagpasok niya’y siya namang alis ni Natassa. “Maiwan ko muna kayo, may klase pa ako,” paalam ni Natassa. Mabuti wala na roon ang mga babaeng may galit sa mundo. Ngayong silang dalawa na lang doon ni Erman ay hanaklit niya ang balikat nito saka ito hinila patayo. “Oh bakit?” angal nito. “Bakit marami ang nakakaalam sa private life namin ni Jero?” kastigo niya rito. “Hey! Hindi ko kasalanan ‘yon. Ang ginamit ninyong kuwarto ay for boys only at may iniwang CCTV camera roon sina Rafael, Marcus at Dereck dahil doon madalas tumambay ang mga es

