NANG mawala ang pagkahilo ni Jero ay pinulot niya ang bola ng football saka ibinato sa walanghiyang si Nathan. Si Nathan ang anak ni Trivor na pangalawa sa panganay. Isa ito sa batang miyembro ng team nila sa organisasyon. Walang kahirap-hirap na nasalo nito ang bola. Pinagtawanan pa siya nito. Kasunod nito si Derek.
“Maglaro tayo, Kuya!” yaya pa ni Nathan.
“Wala akong panahon makipaglaro sa inyo,” aniya, trying to control his temper.
“Football naman ito,” sabad ni Derek.
“Kayo na lang. Marami akong gagawin.”
“Sus, seryoso. Nasaan ba si Kuya Erman?” si Nathan.
“Hindi ko alam.”
“Ah, nakita mo ba si Daddy Triv, kuya?” sapagkuwa’y tanong ni Nathan.
Saka lamang niya naalala na isang araw nang nakaalis ang tito Trivor niya papuntang London. May misyon si Trivor sa lugar tungkol sa virus na natuklasan. It’s now related to the virus that they are searching for, he guessed. Actually, they have an idea who is the carrier of the dangerous virus.
“Nakaalis na siya,” pagkuwa’y sagot niya.
“Saan ba siya pupunta?”
“Sa London. He conducted an investigation regarding the newly discovered virus to the country.”
“Kaya pala hindi niya ako binisita sa school kanina. Ang sabi ni mommy susunduin lang daw niya si Ate Natassa sa Maynila.”
“Huwag kang mag-alala, babalik ang daddy mo. Binata ka na, oy,” aniya. Ginulo niya ang buhok ni Nathan.
Magmula kasi noong bata ay nakabuntot na si Nathan sa daddy nito. Naaawa lang siya rito dahil kung saan na nakakatulog at hindi na naaatupag ng ama sa sobrang busy.
Ayaw pang bumaba ni Syn sa yate kaya inutusan niya si Derek na sunduin ito. Takot kasi ito kay Derek. Habang naghihintay ay pinagbigyan niya si Nathan sa larong football, one on one.
HINIHILA ni Syn si Katrina papasok ng bar pero naabutan sila ni Derek. Aywan niya bakit takot na takot itong si Syn kay Derek.
“Uuwi na nga, eh,” maktol ni Syn habang nagmamartsa pababa ng yate. Sumakay na sa bangka ang mga ito.
Binayaran naman ni Syn ang pag-stay niya roon sa resort. Matagal niyang inasam na si Jero naman ang magli-libre sa kanya. Mabuti pa si Erman, minsan na siyang nilibre. Kinuha na niya ang order niyang cocktail. Bumalik siya sa puwesto nila kanina at pinapanood ang mga binatang naglalaro ng football. Naroon pa rin si Jero. Mamaya’y tumingin ito sa kanya nang kawayan siya ni Syn na kasama nito. Papaalis na ang mga ito. Gumanti na lamang siya ng kaway.
Napalapit na rin ang loob niya kay Syn. Wala siyang nakababatang kapatid at ang kuya naman niya ay namatay kasama sa road accident lulan ng bus. Baby pa lang siya noon ayon sa kuwento ng kanyang ina. Kung wala lamang siyang libangan kagaya ng pagsusulat ng nobela ay baka matagal na siyang nasiraan ng bait. Sa mga nobela na lang niya nagagawang buuin ang pamilya niya.
Alas-otso nang naisipan ni Katrina na bumalik sa inukupa niyang hotel room. Dapat kasama niya roon si Syn. Naiwan pa sa kuwarto ang bag ng dalaga. Medyo tinamaan siya ng nainom niyang tatlong baso ng cocktail kaya parang ang gaan-gaan ng pakiramdam niya.
Inalis niya ang laso na itinali niya sa kanyang leeg. Pagkuwa’y hinubad niya ang kanyang damit. Binalot lamang niya ng tuwalya ang katawan niya dahil maliligo siya mayamaya lamang. Dadamputin sana niya ang kanyang cellphone nang biglang may kumatok sa pinto.
Hindi naman siya nag-order ng pagkain. Pero lumapit siya sa pinto saka iyon binuksan. May kung anong humilagpos sa dibdib niya nang tumambad sa kanya ang bulto ni Jero. Nataranta ang isip niya. Hindi naman kaagad nasabi ng binata ang pakay dahil unang dumapo ang paningin nito sa kanyang katawan.
“Ahm…” panabay nilang ungol.
Natatakot siyang magsalita baka pareho ang masasabi nila. She’s always like that, feeling anxious when she caught Jero’s eyes. Hindi niya maikakailang lalo itong gumuwapo. With his clean-cut hair, lalo nitong pinatingkad ang kaguwapuhan ng binata. Simula kabataan nila ay gustong-gusto na niya ang light brown eyes nito, ang almond shaped eyes, perfect think eyebrows, pointed nose, and thin rosy lips. Ang mukhang iyon ang tila nakaukit sa kanyang puso. Pero hindi ang pisikal nitong katangian ang nagpaso sa puso niya rito, kundi ang katangian nito na hindi niya makita sa ibang lalaki. Maybe Jero was the reason why she can’t feel any attraction to other guys. That’s odd. Naisip niya ang bag ni Syn.
“Ang bag ni Syn,” muli’y panabay nilang sabi.
Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya umimik. Kinuha na lamang niya ang bag ni Syn saka ibinigay sa binata. Lalo siyang naging uneasy dahil sa hindi inaasahang mag-duet sila. Nagkataon lang ba talaga? O sadyang pareho sila ng nararamdaman nang mg sandaling iyon?
“Salamat,” anito pagkakuha ng bag.
Ngumiti lamang siya. Isasara na sana niya ang pinto.
“Wait,” pigil ni Jero.
“A-ano ‘yon?” kaswal niyang tanong.
“Puwede ko bang makuha ang phone number mo?”
“Ha?” nagimbal siya. Iba ang tumatakbo sa isip niya. Lumawak na kaagad iyon at nabigyan niya ng ibang kahulugan. Assuming din talaga siya minsan.
“Para tatawagan kita kapag hindi ko makita si Syn. Ikaw lang naman ang madalas niyang puntahan,” anito.
Kahit ganoon ay may kabog pa rin sa dibdib niya. Iba talaga ang impact sa kanya ng sinabi nito. And that was felt disgusting. Parang may sariling buhay ang puso’t utak niya.
“Bakit pa? Alam mo naman kung saan ako matatagpuan,” sabi niya.
“Hindi ba puwedeng makopya ang phone number mo?”
“W-why not?”
“That’s simple.” Inaabot nito sa kanya ang cellphone nito. “Paki-save rito ang number mo, please…”
Nawalan siya ng choice. Kinuha niya ang cellphone nito saka in-save roon ang cellphone number niya.
“Pero madalas hindi ko nasasagot ang tawag lalo na kapag busy ako,” aniya pagkatapos na maibalik dito ang cellphone nitong touch screen, it was not an ordinary cellular phone. After she saves her number, automatically, the phone scanned her identity including her fingerprint and latest photos. Kinabahan siya roon.
“Thanks,” sabi lang nito saka siya tinalikuran.
Wala na sa paningin ni Katrina si Jero pero nasa diwa pa rin niya ang imahe nito. Ipinilig niya ang kanyang ulo nang sa gayon ay mawaksi ang pagmumukha ng binata. Naiinis siya. Akala niya okay na siya noong matagal niyang hindi nakikita si Jero. Akala niya nakalimot na siya but here she is, suddenly confusing with her feelings.
Sa murang edad ay nakadanas siya ng heartbreak. Kensi anyos lamang siya noon at walong taon na ang nakakalipas ngunit tila sariwa pa rin ang lahat sa tuwing nakikita niya ang binata. Naroon pa rin ang kirot. Naiinis siya sa kanyang sarili bakit hindi maalis-alis ang sakit. Patunay iyon na talagang na-in love siya kay Jero.
Kanina ay gustong-gusto na niyang matulog, ngunit nang nakahiga na siya sa kama ay hindi na siya madalaw-dalaw ng antok. Para makatulog ay napilitan siyang kunin ang red wine na nasa loob ng refrigerator saka ininom. Hindi na niya namalayan ang oras.
PAGKAGALING ni Katrina sa Harley’s resort ay dumiretso siya sa lumang bahay nila sa Lapu-lapu. Kalahating taon na rin siyang hindi nakakadalaw roon magmula noong namatay ang Tito Omel niya. Naglinis siya sa loob ng bahay. Napuno na ng agiw ang kisame at ibang gamit na natatakpan lang ng itim na tela.
Sa tuwing dumadalaw siya roon ay nabubuhay ang sakit sa puso niya. Pagkuwan ay dumalaw siya sa puntod ng kanyang mga magulang sa likurang bahagi ng bakuran. Nagtataka siya bakit may nagkalat na tipak ng pader sa paligid ng pansyon. Kinilabutan siya nang mapansin ang sementadong puntod na may butas sa itaas. Hindi pa naman iyon tuluyang nasira pero magkakasya na roon ang isang tao.
Natatakot siyang lumapit kaya nagtirik na lamang siya ng kandila sa paanan ng puntod. Magkatabi ang puntod ng kanyang mga magulang. Ang puntod ng kanyang ama ay may nasira. Iniisip niya baka may mga magnanakaw na pumasok doon. Tinakpan lamang niya ng plywood ang ibabaw ng puntod na may butas. Saka na niya iyon ipapaayos kapag hindi na siya busy.
Pagkatapos mag-alay ng taimtim na dasal ay nilisan niya ang lugar. Katulad ng bahay nila, abandonado na rin ang kapit-bahay nilang nag-iisa na ang nakatira noon ay isang matandang doktor. Namatay rin sa bahay na iyon ang doktor. Pagkatapos niyon ay wala nang kaanak na umuuwi. Ayaw niyang tumira sa bahay na iyon dahil malayo sa bayan at malalayo rin ang ibang residente.
Pagdating niya sa salon niya ay nasorpresa siya nang madatnan doon si Jero sa labas na nakaupo sa harapan ng kotse nito. Abala ito sa pagtipa sa cellphone nito. Sa tapat talaga ito ng salon niya nakatambay. Ibig sabihin siya ang pakay nito.
“Jero? Anong ginagawa mo rito? Hindi ko kasama si Syn,” sabi niya pagkalapit sa binata.
Bumaba ito at tumayo nang maayos. “Alam ko. May pasok ngayon si Syn,” anito.
“Pero bakit ka narito?”
“Matagal ko itong pinag-isipan, Kat. Gusto kitang makausap tungkol sa mga magulang mo. Matagal na kasi naming iniimbestigahan ang tungkol sa aso na naturukan ng virus na hinahanap ng team namin ilang taon na ang nakalilipas.”
Kinabahan na siya. “A-ano naman ang kinalaman ng mga magulang ko sa aso?” namumurong tanong niya.
“May mali sa pagkamatay ng parents mo, Kat. It’s not just about the car accident.”
Nawindang siya. “Paano mo nasabing may mali?” naguguluhang tanong niya.
“Na-trace namin ang record ng aso na infected ng virus. We’re not sure if the dog was dead. It was infected, so hindi siya basta namatay unless kung may nakagat na siyang tao.”
“Yes, I got you but why my parents are involved?”
“Dahil sa record na nakuha namin sa veterinary clinic, naka-rehistro ang pangalan ng papa mo as an owner of the dog.”
May kung anong sumalpok sa dibdib niya. Naalala niya ang aso nilang si Frank, na dinala noon ng papa niya sa veterinary clinic para ipagamot. Noong kinuha siya ng tito niya sa DSWD ay hinanap niya si Frank. Ang sabi ng tito niya, namatay si Frank sa clinic na iniwan doon ng papa niya. Ang veterinarian na ang naglibing sa aso.
“Oh my God!” shocked na sambit niya. “You mean, si Frank ay infected ng virus?” pagkuwan ay tanong niya.
“According to the findings of the veterinary, he noticed some abnormalities to the dog’s cells. Nag-increase ang rabbis ng aso at pinag-aralan namin ang mga sentomas. He also detected the building of parasite. Since matagal na ang record, may ilang statement na nawala kaya hindi namin matiyak kung may kinagat na tao ang aso bago ito mamatay. Nakausap namin lately ang matandang veterinarian na nag-asikaso noon sa aso. Ang sabi niya, nagpaturok daw ng vaccine ang papa mo dahil nakagat ito ng aso ninyo,” kuwento nito.
Kumabog ang dibdib niya. Naalala na niya, nakagat ni Frank noon ang papa niya. Galit pa noon ang papa niya dahil nangagat pa si Frank kahit nanghihina na.
“Yes, nakagat ng aso namin si papa noong dadalhin na niya ito sa clinic. Pero ano ang koneksiyon niyon sa virus na hinahano ninyo?” aniya.
“To clarify if your father was infected, we need to check his body.”
“No!” asik niya.
Bumuntong-hininga si Jero at matamang tumitig sa kanya. “It’s for your safety and to the humanity, Kat,” giit nito.
“Matagal nang nakalibing sa lupa ang papa ko. Respeto naman sa kalansay niya.”
“You don’t understand me, Kat. We’re in danger.”
Natigilan siya nang hawakan ni Jero ang kanang kamay niya at bahagyang pinisil. As she look at his handsome face, her heart slowly melting. Lumambot kaagad siya. Kahit nahihirapan ay iniwaksi niya ang kamay ng binata.
“I won’t allow anyone of you to dig my father’s grave!” protesta niya.
“I’m not here to ruin you, Kat. I just want to help you,” giit nito.
“Help? Seryoso ka, Jero? Ikaw magmamagandang-loob sa akin?” Nabuhay ang hinanakit niya rito. She can’t afford to trust him again matapos siyang masaktan. Well, fault naman niya iyon dahil umasa siya at assuming na gusto siya nito kaya sobrang caring nito sa kanya. In the end, na-friend zone siya.
“Kung may kinalaman pa rin ang nakaraan, Kat, kalimutan na natin ‘yon. This time, we need to work together for your parents’ justice.”
“Bakit, alam mo ba kung ano ang nangyari sa parents ko?” namumuro nang sabi niya.
“I know my knowledge was not enough but if you would cooperate with us, we will find out what happened to your parents.”
“Salamat na lang, Jero,” aniya saka ito tinalikuran.
Binuksan na niya ang salon. Nang linugnin niya si Jero ay nakasakay na ito sa kotse nito. Nilamon naman siya ng inis. Hindi na talaga nagbago si Jero. Ito ang tipo ng lalaking hindi ipipilit ang ayaw. Umalis na ito.
Tumambay sa salon si Katrina kahit dalawa lang ang kliyente niya. Bago kumagat ang dilim ay nagsara na siya. Dalawang araw na rin siyang hindi nakakapagsulat nang maayos kaya nililibang muna niya ang sarili. Dumalaw na naman siya kay Ella. Maagang naging ina si Ella kaya malabong mahabol pa niya ito. Isang taon na ang bunso nitong anak.
Welcome siya sa bahay ng mga Rivas. Minsan nga ay doon na siya inaabutan ng gabi. Ayaw na siyang pauwiin ni Ella dahil kapag ganoong araw ng pasukan ay wala si Dominic at si Devey. Nag-aaral na kasi si Dominic sa academy kuno ng mga ito.
“Kat, hindi ka ba nababagot sa buhay mo? Isara mo na kaya ang salon mo?” sabi ni Ella, habang magkatuwang nilang binabalatan ang patatas na gagawin nilang potato fries. Paborito kasi iyon ni Dominic.
“Gusto ko na ngang ibenta ang puwesto ko,” aniya.
“E saan ka naman titira? Uuwi ka sa Lapu-lapu? Hindi ba wala na roon ang mga magulang mo?”
Napaisip siya. Naibenta na niya ang house and lot na namana niya sa tito niya dahil natatakot siya na lamunin ng dagat ang lupain. Tabing dagat lang kasi iyon at dahil sa magkasunod na bagyo ay unti-unting kinakain ng karagatan ang lupain. Maliit lang naman ang bahay ng tito niya roon sa Talisay. Wala pang isang milyon ang halaga ng two hundred square meter lot at bahay. Naidagdag niya iyon sa puhunan niya at pinagbili sa puwesto ng salon. Doon na rin siya nakatira. May maliit siyang kuwarto sa salon.
Nitong nakaraang buwan lang ay nagsara ang radio station na pinagtatrabahuhan niya bilang news writer. Nahirapan na rin siyang mag-apply sa iba kaya pa-extra-extra na siya. Graduate siya ng Bachelor of Arts at major ng journalism. Pero nag-aral siya ng vocational course related sa naisip niyang business.
“Uupa na lang ako ng bahay,” aniya pagkuwan.
“Nako, aasahan mo ang bayad sa nobela mo? Mahina na nga rin ang bentahan ng libro. Sabi mo pa hindi na masyadong tumatanggap ng manuscript ang publishing house ninyo. Saan ka kukuha ng pera?”
“Magtatrabaho na lang ulit ako sa radio station para naman magamit ko ang pinag-aralan ko. ”
“Mag-apply ka na lang sa Harley’s resort. Hiring sila ngayon sa admin.”
“Ayaw ko sa ganoong trabho. Ang sabi ng radio station na pinapasukan ko bilang part-time, maari na rin akong maging regular next month kasi maraming nag-resign. Magiging reporter ako this time.”
“Ayan ka na naman. Minsan ka na ngang napahamak sa trabahong iyan, eh. Mas delikado na ngayon dahil pinupunterya ng mga masamang nilalang ang mga mamahayag na nagsisiwalat sa mga anumalya nila.” Tinapik ni Ella ang braso niya. Napatitig naman siya rito. “Ay, ito pala, mas maalarma tayo sa virus. Hay nako! Palagi na lang ako kinakabahan sa tuwing umuuwi si Devey. Palaging virus ang topic namin.”
Nabitawan ni Katrina ang hawak niyang kutsilyo nang mahiwa niyon ang hintuturo niya. Dumampot kaagad siya ng table napkin saka itinapal sa sugat niya. Hindi iyon napansin ni Ella dahil nakatingin ito sa anak nitong gumagapang na sahig at namumulot ng nahuhulog na balat ng patatas. Iniwan din nito ang ginagawa at kinarga ang anak.
May phobia sa dugo si Katrina kaya sa tuwing nasusugat siya ay hindi niya tinitingnan ang sugat hanggat hindi tumitigil sa pagdurugo. Naubos na niya ang napkin sa kakapahid sa daliri niya kahit hindi niya tinitingnan. Nanginginig ang katawan niya kaya tumakbo siya palabas ng bahay upang maghanap ng dahon ng malunggay. Ngunit pag-alpas niya sa bukana ng pinto ay bumalya siya sa malaking katawan ng isang lalaki.
Awtomatikong may pamilyar na senaryong sumadsad sa isipan niya…
“Katrina!” narinig niyang tawag ng mama niya. Nakita niya sa kanyang isip ang pangyayaring hinihila ng papa niya ang mama niya pababa ng hagdan, habang duguan ito.
Nataranta siya. Akmang tatakbo na naman siya ngunit may malakas na kamay na gumapos sa kanya. Nahimasmasan siya nang masilayan niya ang mukha ni Jero. Mabilis na bumalik sa kasalukuyan ang diwa niya. Unti-unti ring humuhupa ang kaba niya.