RED CHAPTER 2

1273 Words
Halos hindi magkanda ugaga ang mga student ngayong week at mahahalata na nag aaral at nag aral talaga sila ng maayos. Preliminary examination namin ngayon at buong week yun. Since five hundred items per day kaya nakakaloko. "Ano ready ka na ba, Kesh?" "Ako pa ba Hen? Look matataasan din kita. " "Hahaha. That's what I like." And he smirk "Kung kaya mo." "Syempre kakayanin!" Napansin naman namin ni Henry na umiiling ang mga kaibigan namin. "Alam nyo kayo pwede ba tigilan nyo yan?" Saka naman napabuntong hininga si Yana. "Right. Since pwede magbago ang ranking natin." Sumimangot naman si Min. "Don't be nervous guys." Natawa naman kami kay Kass. "Don't be nervous but look at yourself." Natatawa namang sabi ni Jullia. "Basta walang samaan ng loob kapag nagkapalit palit tayo ng rank." Dagdag nya pa. "Given na yan." Sabi ko naman at winagayway ang kamay ko. "Oo nga pala Julls di ba last week ange exam ng mga senior? Nakita mo na ba ang result?" "Sus tatanungin mo lang naman ang rank ni kuya eh." "Sort of. Wala kasi akong time para tingnan ang board." "Hahaha." Umirap naman ako. "He's still the number one as usual. Pinakain nya nga ng alikabok mga kasama nya sa Verdant since perfect nya ang exam." Hindi lang ako ang napanganga pati na rin ang mga friends ko. "What? As in?" Gulat na tanong ni Min at nag nod naman si Jullia. "Para namang si Senior lang ang may kaya nun. Kaya mo rin yun Ney di ba?" At natawa naman kami kay Yana. Hindi ko talaga alam kung anong mangyayari sa akin if ever na hindi ko nakilala ang mga loko lokong to. Thankful ako na sila ang mga naging kaibigan ko at hindi nila ako iniwan noong mga panahong kailangan ko ng karamay. Ang swerte ko. Habang nag aasaran ang mga kaibigan ko napansin ko naman na nakatingin ang mga tao sa paligid namin. Of course, bukod sa Verdant kami eh wala pa kaming mga hawak na hands out. May nararamdaman akong naiinggit dahil sa kaya naming ngumiti, magtawanan at hindi alalahanin ang exam. Hindi naman kasi namin kailangan i-stress ang sarili namin sa exam lang. Kung sabagay iba ang mindset nila sa amin. May iilan din naman na namamangha dahil sa nagagawa nga namin ngayon. Hindi pa ba sila nakakakita ng Verdant na hindi nagrereview? Hindi kami nag rereview ngayon dahil sa dorm or sa laboratory kami nag rereview. After a half hour ay agad na rin naman kaming pinapunta sa gym na kung saan kami mag-eexam. This preliminary exam is one of the most tiring one. Ikaw ba naman magsagot ng five hundred questions eh! Since malaki ang buong gym at kaya kaming i-occupy kaya naman napansin kaagad namin ang layo ng bawat upuan. "Sa dati kong school isang upuan lang ang pagitan pero dito? Heck! Three?" Gulat na sabi ni Yana. "Ganito daw talaga pagtungtong ng sophomore sabi ni kuya. Sa freshmen daw ay sa room lang pero ang sophomore at ang, junior at senior sa gym." "Para saan Julls?" Tanong naman ni Min. "Para mabantayan ang lahat. Labanan ng utak kasi to." Sagot naman ni Jullia. Hindi na kami nagsalita at hinintay na ang mga teacher ba magbabantay sa amin. Sampu lahat sila at nang nasa harapan na sila ay agad na rin naman nila kaming tinawag. "Ellipse Verdant. First row." Napatingin kami sa pinaka unahan. May sampung upuan doon at tatlo din ang agwat sa bawat isa pero sa susunod na row lima ang agwat. Naupo si Henry sa pinaka una at sumunod naman ako. Sinunod na lang namin ang rank namin para hindi hassle. "Next row. Class A. Occupy the seats." Tumingin kami sa likod at nakita namin ang mga classmates namin at nagbigay kami ng 'kaya natin to sign'. May chance silang makapasok sa Verdant ngayon since dalawa ang kulang sa amin at parehas pa sa Mission team. Nagsimula nang makaupo muna B hanggang E kaya naman nagbigay na ang mga text booklets at answer sheets. Halos mapanganga ako sa nakita ko. Hindi lang naman... I raised my hand. May lumapit sa akin na teacher and nagtanong naman ako. "Miss as far as I know ang mga students ay may five hundred lang na items." "No, Kesia. A Verdant has a different number of item." Nag nod naman ako. "And lahat na ng subject?" "Yes. Bagsak na lahat ng subject dyan since kayo ang pinaka busy sa lahat ng Verdant kaya naman gumawa ng paraan si Sir Jared para masave ang time nyo." I smiled. "Thank you." Napansin ko naman na lumapit din ang ibang teacher sa mga kaibigan ko at naramdaman ko naman ang pagtataka ng mga students na nakakakita. "You may now start the examination." Dinig namin sa speaker and we all know na si Kuya Jared yun. Since I have no choice mag start ako sa Science 1. * Para kaming lantang gulay na nakaupo sa mesa ng cafeteria. Sa buong nag exam sa sophomore kami pa lang na verdant ang natatapos. "Akala ko ba Jullia five hundred lang?" Naiiyak na sabi ni Yana at pinat naman ni Henry ang ulo ni Yana. "Akala ko rin Yanyan." Naiiyak na sabi ni Jullia. "One thousand and two hundred item? Goodness sumuko ata utak ko. Nag shut down kanina. Feeling ko bababa rank ko." Nakasimangot na sabi ni Min.   May lumapit sa aming babae at nakangiti sa amin. "Hello po."  "Hello dear." Sagot ko naman.   First year sya and class C. Mukha namang mabait.   "Eto po." Sabi nya at may nagbigay sa amin ng sundae. "Ito lang po ang nakayanan namin. Pasensya na po. Napansin kasi namin na sobrang nalanta kayo sa exam nyo kaya eto po pangpagana." Nakangiti nyang sabi.   "How thoughtful of you girl." Nakangiti namang sabi ni Kass.   "Thank you." -Jullia.   "Welcome po. Nabalitaan kasi namin na mas mahirap ang exam ng Verdant at isa pa po idol din po namin kayo." Nakangiti nyang sabi.   "Thank you dear." I said and I smiled.   Nag bow sila and umalis na rin after nun at parang mga timang na kinikilig pagbalik nila sa upuan nila.   "Nakakatuwa may concern pa rin pala sa atin." Sabi ni Henry at siniko naman sya ni Yana.  "Meron naman talaga Ney hindi lang nila magawang iapproach tayo since nahihiya sila." "After ng exam pwede ba tayong mag shopping?" Napatingin naman kami kay Min.  "Hindi ko na kaya ang stress feeling ko need ko na magshopping, magpasalon, manicure and pedicure."   "Girl, Min, bawal may kulay ang kuko sa kamay marami pa tayong experiment na gagawin remember?." Paninira naman ni Kass.  "Pero gusto ko yung shopping at salon."  "Pwedeng dagdagan ng massage?" Tanong ni Jullia.   "Pwede din naman na gawin natin lahat ng gusto natin." Sabi ko at tumingin kay Henry. "Kaso baka mabored naman ang makakasama natin." At napatingin din sila kay Henry. He sigh.  "May lakad kami ni Senior Marvin, Mark at Joshua." Napataas naman ang kilay ko.   "Speaking of, where is Arlene? Kanina ko lang sya nakita sa exam!" Sabi ni Yana at nagtinginan naman kami.   "Ah Henry... " I said and they look at me. I have this feeling kasi eh.. "Di ba nakita mo future ni Arlene?"   "Yes, mabubuntis sya pag third year natin."   "I think nagkamali ka." I said at kumunot ang noo nya.   "Paano mo naman nasabi?"   "Look. Noong isang araw nang bumisita ako sa dorm nakaramdam ako ng kakaiba. Iba na hindi ko kilala. Nang makita ko si Arlene may something sa kanya na hindi ko kilala. May feeling pa sa loob ng feeling nya. Gets nyo ba ako?"   "Oh em Gy!"    To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD