ALEXIS "Hey, remind lang kita about sa dinner natin mamaya. Daanan kita sa office mo after an hour." nakangiting sabi sa akin ni Gelo pagkatapos na pagkatapos ng meeting namin dito sa conference room. "Sure." pilit ang ngiting sabi ko naman sa kanya bago sya tuluyang makalabas. Fudge, oo nga pala. Si Gelo pala. Last week nga pala, napag-usapan na namin na magdidinner kami ngayon. Meron lang daw syang importanteng sasabihin sa akin. Hindi ko na rin naman macacancel yung dinner kasi nga matagal na naming napag-usapan yon. "So, may date ka pala mamaya." bigla naman akong natigilan nang marinig yung boses nung nagsalita. Ang lamig kasi, mas malamig pa sa aircon dito yung pagkakasabi nya non. Gustuhin ko mang magsmile dahil kinikilig ako na 'nagseselos' sya kay Gelo, pinilit ko pa ring pig