ANGELA "Hoy Jelai! Kumalma ka nga dyan. Bakit ba kanina ka pa pabalik-pabalik? Aba, hilong-hilo na ako sa ginagawa mo ah!" reklamo ni Maybelle habang nakasunod yung tingin sa akin. Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ko sinagot yung tanong nya at ipinagpatuloy yung ginagawa ko. Kanina pa kasi ako hindi mapakali dahil kinakabahan ako. Ugh! At kelan ka pa nakaramdam ng ganito, Angela Marie? "HOY ANGELA MARIE LOPEZ! TINATANONG KITA DIBA?! HINDI KA BA MARUNONG SUMAGOT?! " inis na sabi nya matapos akong harangin. Natatawang tinaasan ko lang naman sya ng kilay. Akala naman nya matatakot ako kung sisigawan nya ako diba? "Sabi ko nga hindi naman ako si Klang para katakutan mo eh." frustrated na sabi nya bago umupo ulit. "Hindi kasi bagay sa'yo. Kay Klarisse lang talaga bagay yung pagtataray na