ANGELA "Parrot, pakibatukan mo nga yang katabi mo dahil mukha syang tanga kanina pa." narinig kong 'bulong' ni Klarisse kay Maybelle. At dahil masyadong masunurin yung isa, ayun nga, binatukan ako. Ibang klase din naman talaga yung bait ng mga pinsan ko diba? "Kailangan talaga nananakit ka, Klarisse?" inis na sabi ko sa bwisit kong pinsan. Eto nga't namomroblema na ako kung saan ko dadalhin si Alexis tapos mananakit pa sya. Hmp! "Ako ba yung nambatok sa'yo? Inutusan ko lang si parrot at nasa kanya yun kung susundin nya ako no!" aba at sya pa talaga yung galit. "Eh bakit ba kasi hindi ka na naman mapakali dyan, Jelai? Diba nag-yes na si Lexi dun sa date nyo? Ano pang pinoproblema mo?" singit naman ni Maybelle sa usapan. "Hulaan ko? Nagkakaganyan yang si Angela Marie dahil hindi nya al