ALEXIS "Ano 'to? Nasaan yung pirma ng boss mo?" tanong ko sa secretary ni Angela nang iniabot nya sa akin yung documents na hinihingi ko. Kinakabahan naman itong sumagot. "E-eh ma'am, a-ayaw po kasing pirmahan ni Ms. Lopez." nanginginig ang boses na sabi nya. Tumaas naman yung kilay ko dahil sa sinabi nya kaya mas lalo kong nahalata yung kaba nya. Parang nakonsensya naman ako kaya ngumiti ako sa kanya. Bwisit kasing Angela 'yon! Eto tuloy secretary nya yung napapagbuntunan ko ng inis. "Nasabi ba nya sa'yo kung bakit ayaw nyang pirmahan?" kalmadong tanong ko. "Eh Ms. Fernandez, ano po kasi sabi po nya--uhm." parang nagdadalawang isip sya kung sasabihin nya sa akin yung kung ano mang pinasasabi ng boss nya. "Anong sabi ng boss mo?" tanong ko pa sa kanya. "B-baka po kasi magalit kayo.