ANGELA "So, kayo na ulit nyan? Binigyan ka nya ulit ng pagkakataon after mong sabihin sa kanya lahat?" nakangiting tanong sa akin ni Miguel nung kinuwento ko sa kanya yung nangyaring confrontation namin ni Alexis kanina. Wala naman sana talaga akong planong sabihin sa kanya pero nagulat na lang ako nang bigla nya akong sunduin sa opisina kanina. Para daw kasing naramdaman nya na kailangan ko sya ngayon. Ay wow, may psychic ability ba sya at alam nya kung ano yung nararamdaman ng ibang tao? Pero tama naman sya, kailangan ko talaga ng makakausap ngayon. Sila Klarisse at Maybelle sana kaso male-late daw sila ng uwi, sinundan pa daw kasi nila si Pining. May nangyari daw kasi na hindi maganda. Di ko na rin muna itinanong kung ano yon dahil may sarili akong problema ngayon. Kailangan ko munan