ANGELA "You like her." And it's not a question. Yung pagkakasabi nya, halatang alam nya kung ano yung nararamdaman ko. After ko kasi magwalkout dun sa table kanina dahil hindi ko na talaga ma-take yung ginagawa nung Angelo na yon kay Alexis, naglakad-lakad muna ako sa dito sa beach at dahil hindi ko naman talaga bet maglakad ng malayo, eto, umupo na lang muna ako sa may buhanginan. Akala ko naman kasi walang mapapadpad dito. Meron pala. At sa dinami-dami pa ng pwedeng makasama dito, sya pa talaga. Nakakatakot kaya sya kanina. "Who?" tanong ko sa kanya kahit alam ko na kung sino yung tinutukoy nya. Naramdaman ko naman na umupo sya sa tabi ko kaya napalingon ako sa kanya. In fairness, ang ganda nya talaga ha. "I know na kilala mo kung sino yung tinutukoy ko. So, gaano mo katagal itatago