Chapter 20

2195 Words
ALEXIS "Friends daw pero grabe naman yung selos mo nung napatitig sya dun sa volleyball player." natatawang sabi sa akin ni Yna habang hinihintay namin sila Angela dito sa table. Nagpresinta kasi sila nung mga friends nya na sila na lang daw yung kukuha ng food kaya naiwan kami dito. "At sinong may sabing nagseselos ako?" sabi ko sabay irap sa kanya. "Hindi mo naman kailangang magsalita Ate, halatang-halata naman kasi sa mukha mo kanina. Never namin nakita na ganun yung itsura mo nung kayong dalawa ni Gino. Mukhang iba talaga yung tama mo kay Angela ha." sagot naman nya na parang siguradong-sigurado. "Hindi totoo yan!" syempre magdedeny ako. Ako pa ba? "Hoy Alexis Keyla, wag mo akong artehan ng ganyan dyan dahil kilalang-kilala na kita no! Alam ko yung itsura mo pag nagseselos ka." natatawang sabi naman nya sabay taas-baba pa ng kilay. Wala na lang akong nagawa kundi umamin. Nakakainis naman kasi, bakit kasi kailangan nyang titigan yung babaeng yon? Buti na lang talaga at lumapit din yung girlfriend nung Alyssa na yon dahil kung hindi, baka ako yung magtaray sa kanilang dalawa. Pag nagkataon, lagot talaga ako. Mahahalata talaga nilang lahat yung feelings ko para kay Angela. "Sino ba naman kasing hindi maiinis don? Aba, diba dapat tatarayan nya yung taong nakatama sa kanya nung bola pero nung malingunan nya, para syang nakakita ng Dyosa? Eh hello, di hamak na mas maganda naman ako kesa sa Alyssa na 'yon no! Duh!" inis na sabi ko pa. "Baka naman kasi humanga lang si Angela dun sa tao. In fairness naman kasi Ate, HOT naman talaga yung volleyball player na 'yon." komento naman ni Yna kaya mas lalo akong nainis. Aba, sino ba yung Ate nya dito? Sino ba yung dapat na mas kinakampihan nya? Ako diba? "Hindi porke may abs, HOT na! Sus, kaya ko rin naman magkaroon ng ganon." sabi ko pa sabay irap sa kanya. "Alam mo, nakakatawa ka talaga. Ngayon, naniniwala na ako na iba talaga yung tama mo kay Angela. Aba, ngayon lang talaga kita nakita na ganyan ah. Grabe, naiinsecure din pala ang isang Alexis Keyla Fernandez." komento pa nya. "Excuse me? Ako, insecure? No way! Asa ka naman 'no!" sabi ko pa sabay taas ng kilay. "Hindi daw pero sure ako na ikinukumpara mo yung itsura mo dun sa itsura ni Alyssa no!" Kontra naman ni Yna. "Dear sister, wala namang comparison dahil obvious naman na mas maganda ako sa babaeng yon no! Oo wala akong dimples and abs pero hello, kung sa face lang naman, higit na mas lamang ako ng sampung paligo sa kanya no!" sabi ko pa. Totoo naman eh, mas maganda ako sa kanya, period! At uulitin ko, hindi ko kinocompare yung sarili ko sa kanya! Magsasalita pa sana si Yna nang lumapit sa amin si Ate Nikki na may kasamang cute na guy. Ano 'to? Nagbago na agad yung preference nya? Ipinagpalit na nya agad si Ate Faye? "Hey couz. I want you to meet Angelo Ortega. Gelo, cousin ko, si Alexis, yung kanina mo pa gustong makilala and yung sister nya na si Yna." pakilala sa amin ni Ate Nikki kaya gulat na napatingin ako sa kanya. Ano na namang trip nitong pinsan ko. At sa dinami-dami talaga ng pwede nyang maging pangalan, Angelo talaga ha. Ano 'to, guy version ni Angela? Pero dahil ayoko naman na magmukhang bastos, ngumiti na lang ako sa Angelo na yon para matapos na agad yung corny na pagpapakilala na 'to. "Hi. Nice to meet you Yna." nakangiting sabi nito sa kapatid ko. "Hello AngeLO. Nice name." nakangiting sabi naman ng kapatid ko dito kaya palihim ko syang inirapan. Ang daming alam talaga ng babaeng 'to kahit kelan! "And hello to you Alexis. Finally, nakilala ko na rin yung babaeng kanina ko pa pinagmamasdan." nakangiting sabi naman nya. Eww, creepy, stalker lang ang peg ni Kuya? Pero dahil cute naman sya, sige, admirer na lang. "Uh, hello?" yun lang yung nasabi ko. Wala naman kasi akong gana na kausapin 'tong lalaking 'to eh. Feeling ko kasi, sya yung lalaki na ubod ng presko talaga. Yung bang parang kapag nagkkwentuhan kayo, sya na lang lagi yung magaling. Yung laging ibibida yung sarili nya. Ganun yung datingan nitong si Angelo eh. "So, nag-eenjoy naman dito party ng ninong ko?" nakangiting tanong nya sa amin kahit sa akin lang naman talaga sya nakatingin. Ah, inaanak pala ng may-ari at ng may paparty kaya pala ganitong umasta 'tong lalaking 'to. Ay ibig sabihin, kinakapatid sya ni Angela? "Yes." maikling sagot ko naman. Sana lang talaga mapansin nya na wala ako sa mood kausapin sya no? Masyado na kasing malakas yung hangin dito, ayoko na syang mas lumakas pa. Baka kasi habulin na kami ng bagyo. "Actually, ako yung may plano ng party na 'to. Ang gusto kasi ni Ninong, simpleng out of the country na lang yung gawin namin sa birthday nya, pero sabi ko, mas okay kung magkakaroon kami ng MALIIT na celebration na tulad nito. Yung anak nya kasi, hindi nya masyadong pinagkakatiwalaan sa ganito." mayabang na sabi pa nya kaya napataas ang kilay ko. Di nya ata alam na kaibigan ko si Angela? "And buti na lang at naisip ko 'to dahil at least, nakilala ko yung babaeng magpapatibok ulit ng puso ko." sabi pa nito sa akin. Kung hindi lang talaga magiging rude yung datingan, wwalkoutan ko talaga 'tong lalaking 'to eh. "Ah." sabi ko pa at ipinahalata ko talaga na hindi ako interesado. "Wala naman kasi sa kanila kahit gumastos ng kahit magkano kung ang kapalit naman non eh yung happiness ni Ninong diba? Ano ba naman yung eight hundred fifty thousand pesos para lang sa party na 'to no?" sabi pa ng humble na lalaking 'to kaya nagkatinginan na lang kaming tatlo nila Yna at Ate Nikki. Mukhang pare-pareho kami ng naiisip. "Basta if ever may gusto kayo, sabihin nyo lang yung pangalan ko sa staff, sagot ko na lahat. Malakas ako kay Ninong eh." sabi pa nito. "Thank you?" narinig kong sabi ni Yna kaya muntik na akong matawa. Halata kasing hindi rin sya gusto ng kapatid ko. Iba kasi yung yabang nya men, sagad hanggang buto! "You're very much welcome, future sister in law." sabi pa nito sabay kindat kay Yna kaya napataas naman yung kilay ko. Wow ha, as in wow lang. Nasaan na ba kasi sila Angela eh. Alam kong kung nandito si Klarisse, babarahin at babarahin nya 'tong lalaking 'to. Isa pang palaban yung isang yon eh. At mas lalong napataas yung kilay ko nang makita ko kung nasaan yung babaeng hinahanap ko. Ang lecheng 'to, nakuha pang makipaglandian ulit dun sa Alyssa kahit alam nyang may girlfriend na yung isa. Mukhang nakakalimutan na naman nya na ikakasal na sya. Ganyan pala yung gusto mo ha, pwes! Sige, bring it on! "Okay lang ba kung sasabay ako sa inyo sa pagkain? Gusto ko kasing mas makilala si Alexis ko eh." Eww. Kung hindi ko lang talaga sya kailangan, ugh! "May mga kasama kasi kami---" tatanggi sana si Yna pero agad kong pinutol yung pagsasalita nya. "Oo naman. Pwedeng-pwede." sabay pakawala ng matamis na ngiti kay Angelo. Takang tumigin naman sa akin yung dalawang kasama namin sa table. Palihim kong tiningnan yung pwesto ni Angela at mukhang naintindihan naman nila dahil sabay silang tumingin sa direksyon na yon. Parang nagets din nila yung plano ko kaya tumango-tango na lang sila sa aking dalawa. At si Angelo, ayun ngiting-ngiti. Naku naman, nawa'y hindi ako liparin ng hangin dahil mukhang hanggang mamaya ko pa kasama 'tong lalaking 'to. *** "So, ayun nga, sinabi sa akin ni Dad na ako naman daw yung magmamana ng company and lahat ng maiiwan nila so bakit hindi pa daw ako makakahanap ng mapapangasawa ko na magbubuhay reyna if ever." sabay hawak sa kamay ko na nasa ibabaw ng table. Nakita ko naman na napataas yung kilay nila Angela and Klarisse habang nakikinig dito kay Angelo. And yes, pagbalik nila sa table, napakunot pa yung noo ni Angela nung makita si Angelo pero pinakilala na lang nya sa mga friends nya yung pinakahumble na tao na nakilala ko. Natawa pa nga ako kay Klarisse kasi tulad ng inaasahan, binara nya agad 'tong lalaking 'to nung pinakilala sa kanya. Napansin nya yata agad na abot hanggang langit yung kayabangan nito. And dahil nandito si Angela, ngumiti ako kay Angelo kahit konting-konti na lang, masasapak ko na dahil kanina pa chansing ng chansing. "May nahanap ka na ba?" nakangiting tanong ko sa kanya. Malagkit na tumingin naman sya sa akin. Eww. Kung sa iba nya siguro ginawa 'to, baka kinilig pa yung babaeng tititigan nya. Pero ibahin nya ako. Di ko sya bet. Oo cute sya, may abs, (yeah, pinakita nya sa amin kanina) pero di ko bet yung kahanginan nya. "Yeah, mukhang nakita ko na sya." sabi pa nya habang nakangiti sa akin. Ayan na naman yung kamay nya, mas humigpit pa yung hawak sa kamay ko. Nakakainis na talaga, sobrang nakakainis na. Sana pala hindi ko na lang naisip na pagselosin si Angela dahil nakakabastos na 'tong lalaking 'to. "Excuse me lang no, mawalang galang lang, nasa harap kasi tayo ng pagkain, okay lang ba kung mamaya na lang kayo magharutan dyan?!" muntik na akong mapangiti nang marinig ko yung boses na yon. Eh di napansin mo rin ako. TSE! "Ha? Bawal ba?" patay-malisyang tanong ko naman kay Angela. Nakataas naman ang kilay na tumango sya sa akin. "Oo. Respeto sa pagkain." sagot naman nya sa akin bago tumingin kay Angelo. "At ikaw naman Gelo, hindi ulam yang kamay ni Alexis kaya wag mong lamutakin dyan. Respeto naman sa babae. Hindi naman kasi basta-basta babaeng yang katabi mo, hindi sya dapat binabastos ng ganyan." Naramdaman ko naman na lumuwag yung pagkakahawak ni Angelo sa kamay ko kaya agad kong inilayo sa kanya. Baka kasi bigla ko syang masapak kapag hindi ako nakapagpigil. "Sorry. Akala ko lang kasi--" nahihiyang sabi pa ni Angelo. "Akala mo ano? Na kapag ngumiti sa'yo yung isang babae, na gusto ka na nya at pwede mo nang gawin kung ano man yung gusto mo? Hindi mo man lang ba naisip na baka friendly lang talaga sya or ayaw lang nyang ma-offend ka kaya sya ngumingiti sa'yo? Hindi lahat ng babae makukuha sa mabubulaklak mong salita. Ibahin mo si Alexis. Wag mo syang itulad sa iba. Kung gusto mo na magustuhan ka namin para sa kanya, igalang mo muna sya at irespeto." pambabara ulit dito ni Angela. Jusko, kung hindi lang ako inis sa kanya dahil sa nakita kong pakikipag-usap nya kay Alyssa habang kumukuha ng pagkain kanina, baka nayakap ko na sya dahil sobrang touched ako sa sinabi nya. "At maswerte ka kung mamahalin ka nya." dugtong pa ni Angela kaya napatingin ako sa kanya. At hindi ko na napigilan yung ngiti ko nang makita ko na nakatingin din sya sa akin. Kung ikukumpara mo yung tingin ni Angelo sa tingin ni Angela ngayon, sobrang magkaiba sya. Yung kay Angelo kasi, parang walang sincerity. Yung alam mo na nilalandi ka lang. Pero kasi yung kay Angela, nanunuot talaga sa kaluluwa eh. Kikiligin ka talaga eh! Shet naman! Eto na naman yung abnormal na t***k ng puso ko. Wag ka kasing ganyan Angela, baka bigla kong masabi ngayon sa'yo kung ano yung nararamdaman ko. Wag mo akong akitin ng ganyan please? "O narinig mo yung pinsan ko diba? Kaya kung ako sa'yo pa-cool kid, bumili ka muna ng respeto bago mo ulit lapitan si Alexis. So shupi na. At wala akong pakialam kung inaanak ka ng Tito Arman dahil pwedeng-pwede kong sabihin sa kanya at sa mga magulang mo lalong-lalo na sa nanay mo kung papa'no ka mambastos ng babae. Kaya kung ako sa'yo, aalis na ako kesa naman bigla kang makita ng mga magulang mo na palutang-lutang dyan sa dagat na yan!" mataray namang sabi ni Klarisse kay Angelo kaya parang natakot agad si yabang at nagmamadaling umalis sa table namin. Sabay-sabay naman kaming napatawa nung bumangga-bangga pa ito kung saan saan at kung kani-kanino. Grabe talaga kapag si Klarisse na yung nagsalita, matatakot ka naman talaga. Magsasalita pa sana ako at magpapasalamat kay Angela nang bigla itong magsalita. "At ikaw naman Alexis, kung maghahanap ka naman ng papalit kay Gino, sana naman yung matino. Hindi sa lahat ng oras nandito ako- I mean kami para bantayan ka. Ayokong nababastos ka so please, kilalanin mo muna sana yung lalaki bago ka magpakita ng motibo. Tandaan mo, hindi ka basta-basta babae so wag namang basta-basta na lalaki yung piliin mo." yun lang at umalis na rin sya sa table namin. Naiwan naman akong nakatulala dahil sa sinabi nya. Oo na, kasalanan ko naman talaga kung bakit din nangyari sa akin yon. Dapat kasi hindi ko na inentertain yung bwisit na lalaking 'yon eh. Ayan tuloy, nagalit ata sa akin si Angela. "O ano pang hinihintay mo? Sundan mo na yung isang yon dahil baka mamaya, makita nga natin si Angelo na palutang-lutang na sa dagat." narinig kong sabi ni Klarisse kaya nagmamadali din akong tumayo at hinanap kung saan nagpunta si Angela. O di ayan Alexis, bumalik din sa'yo yung kagagahan mo. TSE!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD