Chapter 19

2024 Words
ANGELA "Friends? Really Angela? At pumayag ka naman dun sa suggestion ni Klarisse?!" tanong sa akin ni Charity habang naglilibot kami dito sa beach. Dahil kasi sa kakulitan nilang lahat, wala akong nagawa kundi ikwento yung napag-usapan namin ni Alexis sa kwarto at yan nga, may violent reaction agad si Charity. "At bakit naman hindi? Cucumber, hindi lahat kasi nakukuha sa santong paspasan. At hindi lahat ng tao, may lakas ng loob at TIGAS NG MUKHA na tulad ng sa'yo!" malamang, sino pa ba yung sasagot ng ganon diba? "Oy, mag-aaway na naman kayo dyan Klang, Cha. Wag na kayong umeksena dito. Hayaan natin si Jelai sa diskarte nya okay? At tama na 'tong usapan na 'to dahil papalapit na sila sa atin." sabi naman ni Maybelle sabay nguso dun sa may likod namin kaya agad kaming napalingon. Para namang biglang tumigil ang mundo nang mapatingin ako kay Alexis. Ayan na naman 'tong bwisit na slowmo-slowmo na 'to. Akala ko sa movies lang nangyayari yung ganito pero kahit pala sa totoong buhay? Sh*t sh*t sh*t Alexis, wag kang magsmile please? Baka bawiin ko bigla yung desisyon ko na maging magkaibigan na lang tayong dalawa. Baka hindi ko mapigilan yung sarili ko. "Eem! Ngana no? Ngana ng MREN mo!" bigla naman akong bumalik sa kasalukuyan nung narinig kong nagsalita si Pining. Pero hindi ko na naman naintindihan yung sinabi nya, promise. "Hey girls! Mukhang seryoso yung pinag-uusapan nyo dyan ah." nakangiting bati sa amin ni Alexis habang sa akin lang naman nakatingin. Okay, kinilig ako ng slight. Pero beri beri light lang naman. "Uh, ano--" shet naman o, eto na naman yung mga panahon na mas gusto ko na lang lamunin ako ng lupa o sa kaso ngayon, ng buhangin. "Nango naman Alehih, hini naman imornanne yung minang-uuhaman nila, ano lang, nangmamangalingan lang hila Nglang an Nyanini ng lolo." at si Pining na nga yung sumagot para sa akin. Pero ano daw yung sabi nito? Napakunot yung noo ko nang biglang tumawa si Alexis. "Nagpapagalingan talaga ng lolo? Aba bago yon ah." natatawang sabi pa nya. Hala, naiintindihan nya si Pining? Seryoso? WOW! Naiiling na nangingiting tumingin na lang ako sa kanilang dalawa habang nag-uusap. Umupo na lang din muna ako sa buhanginan dahil medyo napagod ako sa paglalakad. Di naman kasi ako sanay sa ganito no! "Hi Anggetot!" nakangiting sabi sa akin ni Milo sabay upo sa tabi ko. "Uy Ovaltine!" bati ko naman sa kanya kaya napasimangot na naman ang loko. Ayaw na ayaw nya kasing tinatawag ko sya ng ganyan. "Kamusta naman ang pag-aayos sa kasal? Nakakapagod ba?" tanong na lang nya sa akin. Oo nga pala, yun yung paalam ko sa kanila ni Nikki na reason ko sa hindi pagpasok ng ilang araw. Alangan naman kasing sabihin ko na gusto kong iwasan si Alexis kaya hindi ako papasok diba? "Okay lang naman." tipid na sagot ko. Wala naman kasi akong alam. Malay ko ba diba? Si Miguel lang kaya yung nag-aayos ng kasal namin. Sya yung may gusto diba? Eh di sya yung kumilos. "Wow, halatang-halata yung excitement mo sa kasal nyo ah." sarcastic na sabi nya kaya napangiti ako. Nahalata pala nya yon? "TSE! Dami mong komento." sabi ko na lang sabay irap sa kanya. "Btw, mabuti naman at okay pa rin kayo ni Lexi. Akala ko kasi masasayang yung friendship nyo dahil kay Tukayo eh." nakangiting sabi nya sa akin. Napangiti naman din ako dahil sa pagkakabanggit sa pangalan ni Alexis, hihi. "Oo nga. At sabi nga nya, okay na daw sa kanya na ikakasal kami ni Miguel. Akala ko kasi itutuloy nya yung plano nya noon na mapabalik sa kanya yung lalaking 'yon eh. Pero sabi pa nya, ipangako ko lang na magiging masaya si Miguel, at okay na sya don." nakangiting sabi ko pa. Tumango-tango naman si Milo. "Yun talaga yung sabi nya?" tanong nya kaya napaisip naman ako. "Maging masaya pala kaming dalawa ni Miguel." sagot ko naman. "Or maging masaya ka?" tanong pa nya. "Something like that." sagot ko pa. "Mahal na mahal nya talaga si Miguel no?" hindi ko naman mapigilan na hindi maging malungkot yung pagkakasabi non. Sana lang hindi mahalata ni Milo. "Noon." maikling sagot naman nya. Nagtatanong ang mga matang tumingin naman ako sa kanya. Noon? Bakit noon lang? Anong ibig nyang sabihin don. Magtatanong pa sana ako nang biglang umupo sa tabi namin si Alexis at sinundan naman sya ng iba. Ay wow, follow the leader lang? Pagtingin ko sa kanya, pinandidilatan nya lang ng mata si Milo habang tumatawa naman yung isa. Problema nila? "So Alexis, diba sabi mo, okay na sa'yo na ikasal si Gino mo kay Anj?" tanong ni Klarisse sa kanya kaya napatingin ako sa pinsan ko, ano na namang trip nya at ganyan sya makangiti? Malungkot na tumango naman si Alexis. Hay, kung pwede lang talagang umurong ako sa kasal para maging masaya na silang dalawa, malamang, matagal ko nang ginawa. Pero kasi ang dami kong kailangang isipin dito eh. Hindi lang kaming dalawa. "Eh di pwedeng-pwede ka nang maghanap ng papalit kay Gino sa puso mo dahil single ka naman at ready to mingle diba?" bigla namang nanlaki yung mga mata ko dahil sa sinabi ni Klarisse, ano daw? Ihahanap nya ng iba si Alexis? Hindi pwede no! Hindi ako papayag! "NO!" napatingin naman sila sa aking lahat dahil sa sigaw ko. Oh sh*t! Napalakas pala yung pagsasabi ko non. Nakangiti naman ng nakakaloko sa akin yung mga pinsan ko at yung mga kaibigan namin habang takang nakatingin naman sa akin sila Alexis. "Uh, ano kasi. Hmmm, b-baka kasi hindi pa sya ready?" katwiran ko na lang, nakakahiya, sobrang nakakahiya. Parang may nabasa naman ako sa mga mata ni Alexis na disappointment pero agad din itong nawala nung ngumiti sya. "Actually, may point si Klarisse. Siguro nga kailangan ko ng tao na mapapagbalingan ko ng pagmamahal ko sa taong YON." narinig kong sabi nya kaya mas lalong kumunot yung noo ko. Seryoso? Akala ko ba mahal nya si Gino nya? Eh bakit gusto nyang makahanap agad ng iba? "S-sure ka?" kahit gustung-gusto ko syang pigilan, hindi ko pa rin nagawa dahil baka kung ano pa yung isipin nila dito. Tumango naman sya. "Pero kung pipigilan mo ako at sasabihin mong nagseselos ka, pwede namang magbago yung isip ko." nakangiting sabi pa nya kaya napaawang yung bibig ko. WTF? Alam ba nya yung feelings ko para kanya? Magsasalita pa sana ako pero bigla naman syang tumawa. "Joke!" natatawang sabi nya kaya nakahinga ako ng maluwag. Nakitawa na lang ako sa kanya para mawala yung kaba na nararamdaman ko. Shet! Akala ko buking na ako. Buti na lang at sanay kaming dalawa sa ganitong biruan, ugh! *** "Yan kaya? Gwapo o. At hello, kamusta naman yung abs o." narinig kong sabi ni Mayie kay Alexis habang nandito kami sa isang cottage. At talagang itinuloy nila yung plano nilang ihanap ng bagong jowa si Alexis ha. Tsk. Agad ko namang tiningnan yung lalaking itinuturo ni Mayie. Napailing naman ako nung may mapansin ako. "Sus. Bakla yan." singit ko sa usapan nila. "Pa'no mo naman nalaman?" tanong naman ni Maybelle. "Ayun o." sabay turo ko dun sa lalaking kausap nito. "Jowa nya yan. Tingnan nyo nga kung papa'no sila tumingin sa isa't-isa." sabi ko pa. Kokontra pa sana si Maybelle nang biglang magholding hands ang dalawang hitad na lalaki. Ngiting tagumpay naman ako. "See?" proud na sabi ko sa kanila kaya umiling-iling na lang sila. "Sayang. Gwapo pa naman. Iba na talaga yung panahon ngayon no? Pag gwapo, gwapo na rin yung hanap." parang nanghihinayang na sabi ni Nikki. "At yung maganda, maganda na rin yung hanap." sabi ko sabay nguso sa kanila. Natatawa naman silang sumang-ayon sa akin. Ako kaya? Kelan ko mahahanap yung lakas ng loob na sabihin sa kanya yung nararamdaman ko? "Sya na lang Best! Ang cute ng mata o! Chingkit!" sabi ulit ni Mayie kaya napabaling ulit sa lalaking itinuro nya yung atensyon ko. "Sus, bad breath yan. Wag ka dyan." komento ko na naman kaya tumingin sila sa akin. "At bakit mo naman nasabi yan?" Tanong naman nila sa akin. "Ang layo sa kanya nung mga kasama nya habang nagsasalita sya o. At makikita mo sa mga mukha nila na may naaamoy silang hindi kaaya-aya." sagot ko naman kaya napailing na naman sila. Akala nila ha, hindi ako papayag na maihanap nila ng lalaki si Alexis no! At habang nakangiti ako ng bongga, biglang may tumamang kung ano sa ulo ko. Ay leche! Masakit yon ha. Ang bilis naman ng karma. Inis na tiningnan ko naman yung bagay na tumama sa akin. Bola ng volleyball? At sa dinami-dami talaga ng pwedeng tamaan, ako talaga ha! Inis na kinuha ko yung bola at lumabas ng cottage. Humanda talaga sa akin kung sino man yung nagpatama sa akin nito. "Miss, sorry sorry. Hindi ko sinasadya." agad naman akong lumingon sa likod ko nang marinig kong may magsalita. Tatarayan ko na sana sya pero paglingon ko, napanganga na lang ako. Wow, abs! At ang cute ng smile ng babaeng 'to. And parang pamilyar sya. Parang nakita ko na or napanood ko somewhere. "Sorry talaga Miss. Masakit ba? Gusto mo ba dalhin kita sa ospital?" nag-aalala pang sabi nito. Pero ako, eto tulala pa rin sa kanya. "Hoy Angela! Nagsosorry na yung tao sa'yo! Bakit nakatulala ka pa rin dyan!" parang inis na sabi naman ni Alexis kaya napatingin ako sa kanya. At ayun nga, nakataas ang kilay habang nakatingin sa amin ni, ay, di ko pa pala nakukuha yung name nya. "Okay lang---" parang naintindihan naman nya yung ibig kong sabihin kaya agad syang ngumiti sa akin. Shems! Ang cute. Bakit ang cute ng ngiti nya? "Alyssa. And you are?" sabi pa nya sabay abot ng kamay nya. "Angela." nakangiting sagot ko naman sabay shake hands sa kanya. "Nice to meet you Angela, and sorry talaga dun sa pagtama ng bola sa'yo. Napalakas kasi yung palo ko." hinging paumanhin ulit nya. "Okay lang. Okay lang talaga. Hindi naman masakit eh." sabi ko pa habang hawak-hawak pa rin yung kamay nya. "Ehem!" bigla naman akong napabitaw nang biglang may 'umubo' sa may gilid ko. Pagtingin ko, ay wow, ang ganda din. Blue yung kulay ng mata ni Ate. Pero bakit parang ang sama ng tingin nya sa akin? "Dennise." pakilala nya habang nakatingin sa akin. "GIRLFRIEND ni Alyssa." dugtong pa nya kaya napangiti ako. Kaya naman pala ganun yung tingin nya sa akin eh. Parang gusto akong sabunutan. Girlfriend pala sya nitong si hottie. "Angela. And don't worry, may iba na akong mahal." sabay simpleng tingin kay Alexis na nakataas pa rin yung kilay hanggang ngayon. "So wala akong planong agawin sa'yo si hottie girlfriend mo." nakangiting sabi ko pa kay Dennise. Noon lang naman sya ngumiti sa akin matapos ko iyong sabihin. "Good. Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. So pa'no, una na kami? Nice meeting you, Angela." sabi pa ni Dennise sabay hila palayo kay Alyssa na kakamot-kamot lang sa ulo. Nakangiting sinundan ko naman sila ng tingin. "Ayan kasi, ang galing-galing sa pagkikala dun sa mga lalaking inirereto sa akin nila Mayie pero hindi naman napansin agad na may girlfriend yung babaeng kangitian nya. Sus." mas napangiti naman ako nang marinig ko yung boses ni Alexis. Bakit parang nagseselos sya? Yieee. "Ha?" patay-malisyang tanong ko sa kanya. "Sana sinabunutan ka na lang nung Dennise para natauhan ka. Tsk. Ikakasal ka na't lahat, nakikipaglandian ka pa." komento pa nya kaya nakangiting humarap ako sa kanya. "Nagseselos ka ba?" tukso ko sa kanya. Bigla naman syang namula at nag-iwas ng tingin pero agad ding nakabawi at tumaas yung kilay. "You wish!" mataray na sabi pa nya sabay talikod sa akin. "Sus, kung nagseselos ka Alexis, sabihin mo lang, at ititigil ko yung pagtingin sa ibang tao. Sa'yo na lang ako titingin!" sabi ko pa sa kanya. Eh di nakabawi din ako, haha! Inis na inirapan nya naman ako. "Ewan ko sa'yo! Maghanap ka ng ibang kausap, flirt!" inis na sabi pa nya sabay walkout. Nakangiti naman akong sumunod sa kanya. Aba mahirap na, baka may kung sino pang makipagkilala sa babaeng 'to. Di ako papayag no!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD