ANGELA
"Hoy Anj! Anong problema mo?" tanong sa akin ni Klarisse habang sinusundan ako papasok sa kwarto.
Inis na tiningnan ko naman sya. Nakakainis naman kasi talaga! Wala man lang nagsabi sa akin na aattend din pala si Alexis dito. Aba, kung hindi pa kami nagkabungguan kanina, hindi ko pa malalaman na nandito sya.
And ang galing, winalk-outan na naman nya ako. Aba, nawiwili na sya ha! Hindi porke tatlong araw kaming hindi nagkita, may karapatan na syang gawin yon.
"You should've told me na pupunta din si Alexis dito!" inis na sabi ko naman sa kanya pagpasok ko sa kwarto namin.
"At pagkatapos? Hindi ka na naman pupunta, ganon? Iiwasan mo na naman na magkita kayo?" nakataas ang kilay na tanong nya sa akin kaya bigla akong napatahimik. Tama naman sya eh. Kung nalaman ko agad na nandito din si Alexis, siguro nagstay na lang ako sa condo.
Hindi kasi nila alam kung gaano yung pagcocontrol ko sa sarili ko na iwasan yung babaeng yon. Ilang beses na ba akong parang tanga na sinusundan sya pauwi para lang masigurado na safe sya? Ilang beses na ba akong tumambay sa coffeeshop na malapit sa office para lang makita sya kahit sa malayo? Kung bakit kasi kailangang makilala ko sya kung kelan ikakasal na ako eh. Hay.
"Oo. Dahil yun yung tamang gawin." sagot ko naman sa kanya.
"Nakita ko yung kakaibang kislap ng mga mata mo nung nakita mo sya kanina. Bakit kailangan mo syang iwasan? Ayaw mo bang maging masaya?" medyo bumaba na yung kilay nya habang sinasabi yon. Malamang naramdaman nya na nahihirapan na talaga ako.
"Gusto ko Klarisse. Gustung-gusto ko. Pero kung mas pipiliin ko yung happiness ko, marami akong masasaktan. At mas lalong lalayo sa'kin yung loob ng mga magulang ko." malungkot na sabi ko pa sa kanya.
"Nag-usap na ba kayo ni Tito Arman? Tinanong mo na ba sya kung napatawad ka na nya?" tanong pa nya.
Umiling-iling naman ako.
"Hindi na kailangang itanong yon, kita ko naman sa mga mata nila at kung papa'no nila ako tratuhin na hanggang ngayon, hindi pa rin nila nakakalimutan yung nagawa kong kasalanan." sagot ko naman.
"Hindi mo kasalanan na nabangga yung sinasakyan nya nung gabing 'yon. Aksidente yon Angela, walang may gusto na mangyari yon." paliwanag naman nya sa akin.
"Kung hindi ako naglasing non, at hindi nya pinilit na sunduin ako, hindi mangyayari sa kanya yon. Kung nakinig ako sa kanya na magstay na lang sa bahay at hindi tumakas, siguro hanggang ngayon, masaya pa kami at nakakalakad pa rin si Papa." hindi ko na napigilan na hindi umiyak. Ang sakit-sakit pa rin kasi sa dibdib kapag naaalala ko yung nangyari noon. Kitang-kita ko kung papa'no naghirap si Papa. At kasalanan ko lahat, kasalanan ko kung bakit nangyari yon.
"Anj, shhh, tapos na yon. Wag mo nang isipin pa. Mapapatawad ka rin nila. O baka nga napatawad ka na ng Papa mo pero ikaw lang yung naglalayo ng sarili mo sa kanila dahil nga sa guilt na nararamdaman mo." pag-aalo sa akin ni Klarisse.
"Kaya sana maintindihan mo kung bakit kailangan kong mas isipin ngayon yung kaligayahan nila kesa sa sariling kaligayahan ko." sabi ko pa sa kanya.
"Naiintindihan ko naman Anj. Pero sana magtira ka naman para sa sarili mo. Kung hindi man kayo pwedeng magkatuluyan ni Alexis, siguro naman pwede kayong maging magkaibigan tulad noon?" sabi pa ni Klarisse kaya napatingin ako sa kanya.
"Hindi naman kasi porke't mahal mo sya, eh dapat na nyang malaman diba? Pwede mo naman syang itago habang ipinaparamdam sa kanya na importante sya sa'yo. Mahirap, oo. Pero diba mas mahirap yang ginagawa mo na pag-iwas sa kanya. Mas masakit sa puso yan. At isa pa, kami ni Maybelle yung nahihirapan para sa'yo dyan sa pagsunud-sunod dyan kay Alexis. Aba naman Anj, kung pumapasok ka na lang sa opisina nyo, siguro naman mas makikita mo sya ng malapitan diba?" nakangiting sabi pa ni Klarisse kaya takang tumingin ako sa kanya.
"A-alam nyo?" tanong ko pa sa kanya.
"Oo naman no! Kilalang-kilala ka na namin. And one time, sinundan ka naming dalawa. Natatawa nga kami sa'yo dahil para kang shunga! Aba'y nung isang beses baliktad yung newspaper na ginamit mo para lang kunwari nagbabasa ka. Muntik ka na naming batuhin ni parrot non!" tawang-tawang sabi pa nya kaya napasimangot ako.
"Eh sa bigla kasing pumasok si Alexis dun sa coffeeshop at nataranta ako no!" pangangatwiran ko naman.
"Nakita nga namin. Ikaw naman kasi, ang dami mo pang arte eh halata naman kung gaano kaimportante sa'yo si Alexis." nakangiting sabi pa nya.
"Sobra Klang. Sobra." pag-amin ko naman sa kanya.
"Eh di hindi mo na sya iiwasan?" tanong pa nya.
"Pero kasi---"
"Kahit bilang kaibigan lang Anj. Tulad ng napag-usapan natin kanina." nakangiti pa rin sya.
Napahinga na lang ako ng malalim bago sumang-ayon sa kanya. Wala na naman akong magagawa eh. Kahit naman sabihin kong ayoko, alam kong ipipilit ni Klarisse yung gusto nya kaya go na lang ako.
"Fine. Pipilitin kong pakalmahin yung puso ko kapag malapit sya sa akin. At pipilitin kong wag syang titigan para hindi lalong mahulog yung loob ko sa kanya." sabi ko na lang sa kanya.
Mas lalo naman syang napangiti dahil sa sinabi ko.
"Good girl. So ngayon, lumabas ka na dito kwarto namin." sabi nya kaya napaawang yung bibig ko. Ibig nyang sabihin hindi nila ako dito patutulugin?
"Dito din ako diba?" tanong ko sa kanya.
"Nah-ah. Kwarto namin nila Justine, Maybelle, and Clarence 'to. Wag kang magpipwil, maiinggit ka lang. Mamaya nyan, bigla ka pang magtapat kay Alexis dahil don." natatawang sabi pa nya.
"Fine. Eh saan yung kwarto ko?" tanong ko na lang sa kanya.
"Here's the key. Room 143." nakangiting sabi nya kaya napatawa ako.
"Really? 143?" naiiling na natatawang sabi ko.
Tumango-tango naman sya.
"Okay. Sige, punta na muna ako don." sabi ko sabay kuha ng susi sa kamay nya."
Palabas na sana ako nang bigla sya ulit magsalita.
"You're welcome, Anj. And btw, control ha. Control. Pero kung hindi mo naman kaya, go lang! Go with the flow." sabi nya sabay ngiti ng nakakaloko pero hindi ko na lang sya pinansin.
"Weird." bulong ko na lang habang naglalakad papunta sa kwarto ko. Aysus, isang pinto lang naman pala yung pagitan ng kwarto namin. Malamang sila Pining yung kasama ko dito.
Agad ko naman binuksan yung pinto at ganun na lang yung panlalaki ng mga mata ko nang makita ko si Alexis na nakatapis lang ng towel habang nagpapatuyo ng buhok.
Nakita ko na nanlaki rin yung mga mata nya nung napansin nyang may nakatingin sa kanya.
"S-sorry." hinging-paumanhin ko sa kanya bago ko isarado yung pinto.
Agad naman akong napasandal dito habang hawak-hawak yung dibdib ko. Parang may nagkakarerang kabayo dahil sa bilis ng t***k nito.
Ikaw na naman kasi yung makita yung taong mahal mo na ganon yung itsura, hindi ka ba kakabahan ng ganito?
So eto pala yung ibig sabihin ni Klarisse ng control. D*mn! Papa'no ko makokontrol yung sarili ko kung ganun ka-sexy at kaganda yung kasama ko dito sa kwarto.
Leche, pinlano nila 'to. Pinlano nila Klarisse 'to. Alam kong sila yung may kasalanan kung bakit si Alexis yung kasama ko sa kwarto ngayon.
Tulad ng nakasanayan Angela, kapag hindi mo makontrol ang sarili mo at makaramdam ka ng kakaibang init ng katawan, kantahin mo lang yung kantang yon. Mawawala agad yan, promise.
"I love you, you love me, we're a happy family, with a great big hug and a kiss from you to me--"
Nagulat ako nang biglang may kumanta sa loob ng kwarto.
"Won't you say you love me too." rinig kong kanta nya kaya napangiti ako. Cute.
"Pwede ka nang pumasok. Sorry kanina, hindi ko alam na may kasama pala ako sa kwarto." narinig kong sabi pa nya kaya agad kong binuksan yung pinto.
Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nakabihis na sya, hay, salamat naman.
"S-sorry dun sa ano, hindi ko naman kasi alam na ano, dapat kumatok muna ako para ano--" sh*t Angela, para kang tanga. Masyado kang napapaghalataan.
Napangiti naman sya dahil itsura ko.
"It's okay. Hindi ko rin naman alam na ikaw pala yung sinasabi nila Ate Nikki na kasama ko sa kwarto. Akala ko si Yna or si Mayie." nakangiting sabi pa nya.
Hindi ko naman napigilan na hindi titigan yung maganda nyang mukha. Bakit ganon? Hindi talaga nakakasawang pagmasdan sya?
"Ehem. Baka naman matunaw ako nyan." bigla naman akong namula nung marinig ko yung sinabi nya.
O nasaan na yung sinabi mo kanina na hindi mo sya tititigan para hindi ka lalong mahulog sa kanya? Dito pa lang, bagsak ka na, Angela.
"S-sorry. Namiss lang kasi kita." pagtatapat ko sa kanya. Totoo naman eh. Sobrang miss na miss ko na sya.
At sya naman yung namumula ngayon. Ang cute talaga.
"N-namiss mo ako?" hindi makapaniwalang tanong nya.
Nakangiting tumango-tango naman ako kaya mas lalo syang namula.
"At nagblush sa sarap ko ang isang Alexis Keyla Fernandez. Sabi ko na nga ba, crush mo ako eh." biro ko sa kanya dahil naaawkwardan na ako sa sitwasyon. Baka hindi ko kasi mapigilan yung sarili ko na hindi sya yakapin at halikan dahil sa cuteness nya ngayon.
Bigla namang nagbago yung expression ng mukha nya sabay taas ng kilay sa akin.
"You wish! Asa ka naman Angela Marie Lopez!" sabi nya sabay hampas pa sa akin.
"Diba inamin mo yon sa akin dati?" natatawang tanong ko pa.
"Pinagttripan lang kita non no! Patola ka talaga!" sabi pa nya.
"Pero seryoso, namiss talaga kita." sabi ko ulit sa kanya.
"Same here. Ikaw naman kasi, masyado kang busy at hindi mo man lang kami nakuhang dalawin sa opisina." sabi naman nya kaya napangiti ako. Emeged, namiss nya din ako. Nagpaparty na lahat ng lamang loob ko. Ugh!
"Sorry na, may inasikaso lang kasi ako para sa kasal--" bigla naman akong natigilan nang mapansin kong lumungkot bigla yung mga mata nya.
O sheez! Bakit ba nakalimutan ko na mahal pa nya si Miguel at nasasaktan pa rin sya kapag nakakarinig sya ng kahit anong tungkol sa kasal namin.
"I-i'm sorry. I didn't mean to---"
"It's okay Angela. Okay lang talaga promise. Basta ipapangako mo lang na magiging masaya ka sa kanya ha." sabi pa nya sabay pakawala ng malungkot na ngiti.
Papa'no ako magiging masaya sa kanya kung ikaw naman yung kaligayahan ko? Gusto ko sanang sabihin sa kanya yan pero kailangan kong kontrolin yung sarili ko. Sa ngayon, magiging kaibigan lang ako ni Alexis. Hanggang doon lang.
Napipilitan naman na tumango ako.
"I promise." sabi ko pa habang nakatingin ng derecho sa mga mata nya.
"Good. So okay na ako don." sabi naman nya kaya malungkot na tumingin ako sa kanya.
"Are you sure? Pwede ko kasing i-cancel na lang yung wedding kung talagang mahal mo sya." hindi ko alam kung bakit ko biglang nasabi yon pero naramdaman ko kasi yung lungkot nya. Ayoko na nalulungkot sya.
"No need, Angela. Ikaw na yung mahal ni Gino ngayon, sa'yo sya magiging masaya kaya okay na ako don. At dun ka rin naman magiging masaya diba?"
Magsasalita pa sana ako pero bigla ulit syang nagsalita.
"Ano ba yan, ang drama naman natin masyado. Hindi bagay sa atin." natatawang sabi nya pero hindi nakawala sa paningin ko yung pagpahid nya sa mga luha nya.
Hay, si Miguel pa rin talaga yung mahal nya at handa syang magparaya para lang sa happiness ng mahal nya. Ang swerte mo Gino Miguel, ang swerte-swerte mo!
"Basta sana hindi mawala yung friendship natin Alexis kahit nalaman mo na ako pala yung ipinalit sa'yo ni Miguel ha." sabi ko sa kanya kaya agad naman syang tumango.
"Oo naman, yun na nga lang yung pwede ngayon diba? Bakit ko pa ipagkakait sa sarili ko?" seryosong sabi nya kaya takang tumingin ako sa kanya.
"What do you mean?" tanong ko sa kanya.
"Nevermind. So, friends?" nakangiting tanong nya sabay lahat ng kamay nya.
At kahit naguguluhan sa huling sinabi nya, binalewala ko na lang yon at ngumiti sa kanya.
"Friends." sabi ko naman sabay abot din ng kamay ko sa kanya.
Ayan na naman yung kuryenteng lagi kong nararamdaman pero pilit kong iwinaksi yon para hindi maging awkward.
"O sya, Go na, bihis ka na at kanina pa tayo hinihintay nila Ate Nikki. Pasyal daw muna tayo. Hintayin na lang kita sa labas." sabi pa nya bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Hindi sang-ayon yung puso ko na maging friends lang tayo Alexis. Pero kung eto yung dapat nating gawin, wala na akong magagawa. Sa ngayon, kailangan kong tanggapin na hanggang magkaibigan lang talaga yung pwede sa ating dalawa.
Hanggang magkaibigan lang. Hay.