ALEXIS
"Ba't di pa sabihin ang hindi mo maamin, ipauubaya na lang ba 'to sa hangin. Wag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo, naririto ako't nakikinig sa'yo." inis na inirapan ko isa-isa yung mga kasama ko dito sa sasakyan dahil kanina pa sila nambbwisit. Dapat pala talaga kay Mommy and Daddy na lang ako sumabay kesa sa mga bwisit na 'to.
Ang akala ko, etong si Yna at Mayie lang yung magiging problema ko sa byahe. Aba, kamusta naman na nakisali pa 'tong sila Ate Nikki, Ate Faye, at Kuya Milo sa pambubwisit sa amin.
Aba, nakareplay yung mga kantang 'Tadhana' and 'Destiny' kanina pa. Wala bang ibang kanta?
"Ang ganda-ganda talaga ng song na yan. Bagay na bagay talaga kay Angela at---" inis na tiningnan ko naman si Yna at pinutol agad yung sasabihin nya.
"Bakit ba ang kulit mo? Wala ngang kami ni Angela. Hindi bagay sa amin yan." inis na sabi ko pa.
"Luh Ate, ang feelingera? Hindi naman kasi ikaw yung sasabihin ko. Angela and Gino dapat." natatawang sabi nya kaya inis na binatukan ko sya. As if naman maniniwala ako sa sinabi nya no!
"Ganyan yan si Lexi. Sa ganyang paraan ko din sya nahuli dun sa feelings nya kay Angela eh." natatawang sabi naman ni Ate Nikki.
"Love, stop. Wag nyong pikunin si Lexi at baka biglang magpababa yan dito sa kalagitnaan ng SLEX. And akala ko ba hahayaan natin sya sa desisyon nya?" napangiti naman ako nang sawayin ito ni Ate Faye. Mabuti na lang at may kaisa-isa akong taong kakampi pala dito.
Pero agad ding nawala yung ngiti ko nang magsalita ito ulit.
"Ivideo na lang natin mamaya yung pagkikita nilang dalawa. Tingnan natin kung may magic talaga. Tapos lagyan natin ng background music. Bagay don yung kanta sa TRMD. Yung 'the moment we met, I just couldn't explain, la la la la la' diba diba?" sabi pa nito sabay tawa kaya mas lalo akong napasimangot.
Akala ko pa mandin may kakampi na ako. Eh mas malala pala sya. Tse!
"Gusto ko yan Ate Faye." sang-ayon naman ni Yna dito at nag-apir pa sila sa harap ko ha. Pagsasampalin ko kaya sila?
"Tamang-tama, wala si Gino ngayon kaya pwede mo syang halayin, Best!" inis na pinitik ko naman sya sa esophagus! Bwisit na Mayie 'to, gagawin pa akong manyakis. Di ko gagawin yon no! Baka mahuli pa ako ni Duterte!
"Hindi ako kasing halay mo, Marietta Isadora! Kaya kung ako sa'yo, tatahimik na lang ako." inis na sabi ko sa kanya.
"Leche ka! Full name talaga?" inis na sabi nya. Ayaw na ayaw daw nya kasing tinatawag sa buong pangalan. Ewan ko sa babaeng yan, ang ganda kaya ng pangalan nya.
"Ay wow Marietta. Parang pangalan ng isang kontrabida sa isang teleserye." tatawa-tawang sabi ni Yna kaya bigla din kaming napatawa dahil sa komento nya na yon.
"Ay wow! Makatawa kayo ha! Kasalanan mo kasi Alexis Keyla! Ang dami mong alam." reklamo nya sa amin.
"Well my friend, revenge is sweet." sabi ko pa sabay kindat ko sa kanya.
"Pero seryoso Lexi, anong gagawin mo kapag nakita mo nga si Angela don? Don't tell me, iiwas ka pa rin. Masyado kang mahahalata ng parents mo." sabi ni Kuya Milo.
"Siguro susubukan kong hindi magkrus yung landas namin. Pero if ever mangyari ang kinatatakutan kong paghaharap namin, bahala na lang si Batman. Pero hindi ko naman sya iiwasan. Basta, bahala na lang talaga yung tadhana." ayan na naman, iniasa ko na naman sa tadhana. Baka nakakalimutan mo Lexi, kalaban mo yang tadhana na yan. Never ka nyan pinagbigyan sa mga gusto mong mangyari.
"Hmmm, okay. Pero kung kailangan mo ng tulong, nandito lang kaming lahat ha." sabi naman ni Ate Nikki.
"Tulong naman saan?" takang tanong ko sa kanila.
"Kapag hindi mo na mapigilan yung sarili mo na yakapin sya at halikan. Tutulungan ka namin na mas lalong gawin yon." natatawang sabi nya kaya inis na binatukan ko sya. Wala akong kebs kahit mas matanda sya sa akin no!
"Dami nyong alam. Bahala na nga kayo dyan. Matutulog na lang muna ako. Gisingin nyo na lang ako kapag nandun na tayo." sabi ko sabay pikit.
"Or mas maganda kung ipapahalik natin si Sleeping Beauty sa Princess Charming nya para mas mabilis syang magising." narinig ko pang sabi ni Yna kaya nagdirty finger ako sa kanila.
Sabay-sabay naman silang tumawa at mas lalo pa akong inasar. Ang leleche talaga nila. Bahala nga sila, matutulog na lang ako!
***
"Weyng am ihliming myuni." bigla naman akong napamulat nang may marinig akong nagsalita.
Kumurap-kurap pa muna ako bago nakilala yung babaeng nakangiti sa harap ko.
"Wait, I know you. You're one of Angela's friends. I think your name is Josephine, right?" tanong ko sa kanya habang nagpapalinga-linga. Hala, nasaan na yung mga kasama ko? Iniwan talaga akong mag-isa dito sa sasakyan? Ang galing! Ang galing-galing talaga nila.
"Ngoreng. Man you ngan ngoll me, Mining mor nyorn." nakangiting sagot naman nya sa akin.
"Okay Pining it is! Can I ask you something? Would you happen to know where my sister is?" tanong ko pa sa kanya. Kailangan kong malaman kung nasaan sila para mabatukan ko isa-isa.
"Hi Yna ma? Ngahama hya nila Nglang noon ha loom. Minamanayan nga lang hangin ngahe hini nga nila mangihing nganina. Manga naw ngahe mingla ngang inanan ni Anghena ngung hini ngina mamanayan. Hihi." napakunot noo naman ako sa sinabi nya. At bakit naman ako itatanan ni Angela? Eh hello, bukod sa ikakasal na yung tao, iniiwasan pa nya ako diba? Duh!
"Why would she do that?" takang tanong ko pa sa kanya.
"Mwene mang nangalong na lang Alehih? Nganina ma numunungo yung ilong ngo eh. Nganina nga ma inglih ng inglih." naiiling na sabi pa nya sa akin kaya napatawa naman ako. Ang cute nitong si Pining.
"Sorry. Nasanay lang ako kasi ako. So yun nga, bakit naman ako itatanan ni Angela?" tanong ko pa sa kanya.
Tiningnan nya lang ako ng nakakaloko sabay kibit ng balikat.
"Nemermayn. Linga na, mahong na nayo an manga nganina ma nila nayo hinahanam." nakangiting sabi nya sabay hila sa akin papasok.
In fairness, kahit ang liit nyang tao, ang lakas nya ha. Talagang nahila nya ako.
"So yun nga, nasa byahe pa si Anj, ayaw sumabay sa amin eh. Dami pang arte. Ayun, natraffic tuloy sya." narinig kong sabi nung isang pinsan ni Angela na Klarisse yata yung name sa pagkakatanda ko.
"Ay, akala ko pa mandin nandito na sya. Gusto ko pa manding---" agad ko namang tinakpan yung bibig ni Yna bago pa may masabing hindi maganda. Ibubuking pa talaga nya ako sa harap ng mga kaibigan at pinsan ni Angela.
"Hello everyone." nakangiting bati ko sa kanila dahil napatingin silang lahat sa amin ng kapatid ko.
"Hello Alexis!" bati naman nila sa akin.
"Pwede bang manahimik ka na lang muna Yna? Wag dito please." bulong ko sa kapatid ko bago ko tanggalin yung kamay kong nakatakip sa bibig nya.
"O ayan Nglang, minanayan ngong mamuni yang hi Alehih nulan ng milin mo." nakangiting sabi ni Pining kay Klarisse.
Nakita ko naman na kumunot yung noo nito kaya nakangiting nagsalita ako.
"Sabi nya binatayan daw nya akong mabuti tulad ng bilin mo." ngumiti naman ng bongga sa akin si Pining kaya muntik na akong matawa. In fairness, ang cute nya talaga.
"Wow, naintindihan mo sya? Isa ka na sa mga taong pinagpala na hindi na kailangang basahin yung subtitle sa ibaba ni Pining Garcia!" hindi makapaniwalang sabi ni Klarisse. Huh? Bakit naman? Ang dali namang intindihin yung sinasabi ni Pining diba?
"Muni ma nga hya Nglang, naininihan angan ango. Eh ingaw? An nangal na naning mren hini mo ma nin ango maininihan!" sabi ulit ni Pining kaya tumingin ulit sila sa aking lahat na para bang gusto ulit nilang itranslate ko yung sinabi ni Pining.
Luh, bakit ako? Bakit hindi na lang si Maybelle at si Charity?
Pero syempre, dahil medyo nakakatakot yung tingin ni Klarisse, napilitan na lang akong magsalita.
"Sabi nya, buti pa daw ako naiintindihan ko agad sya. Eh ikaw daw Klarisse, ang tagal nyo na daw friends pero di mo pa rin sya maintindihan." sabi ko na lang.
"Correction, Pining Garcia, si parrot ang kaibigan mo at hindi ako, duh!" mataray na sabi ni Klarisse kaya nagngunguto na lang si Pining at di na sumagot sa kanya.
"O sya, baka mag-away pa kayo dyan, kumain na lang muna tayo para lumamig yung ulo nyo pareho." natatawang sabi ni Maybelle bago tuluyang lumakad papunta sa dining table.
Ay wow, andaming pagkain ha. At ang nakakatuwa, kami pa lang yung nandito, mukhang napaaga ata talaga kami. Kahit sila Daddy kasi wala pa eh.
"Anong oras daw dadating si Angela?" tanong ni Maybelle kay Klarisse habang kumakain kami.
Bigla namang naging abnormal na naman yung t***k ng puso ko nang marinig ko yung pangalan na yon. Ano ka ba naman, kalma lang naman. Ayokong mahalata ng ibang tao dito yung feelings ko para kay Angela.
"Malapit na daw sya. Mga 10 minutes daw nandito na sya." narinig ko namang sabi ni Klarisse kaya muntik na akong mabulunan. Bigla akong napaubo kaya sabay-sabay nila akong inabutan ng tubig.
Agad ko namang kinuha yung isa sa mga inabot nila at dere-derecho ko yong ininom. Ano ba naman yan Alexis, masyado kang naging obvious don!
"You okay?" tanong sa akin ni Kuya Milo.
Nakangiting tumango naman ako sa kanya. Sa ngayon okay pa ako. Ewan ko na lang mamaya kapag nandito na SYA.
Maya-maya ay nawala na yung samid ko pero hindi pa rin bumabalik sa normal yung t***k ng puso ko.
Shocks! Hindi ko pa pala kayang makita or makaharap sya ngayon. Kailangan ko muna ng konting panahon. Kailangan kong maiready yung sarili ko para hindi ko naman maibuking sa kanilang lahat na may feelings ako para kay Angela Marie Lopez.
Nagmamadali kong inubos yung pagkain sa pinggan ko. Takang tumingin naman sila sa akin.
"Uh, Alexis, gutom ka ba masyado? Gusto mo pa ba?" parang nag-aalangan na tanong sa akin ni Maybelle. Mukhang hindi sya makapaniwala sa nakikita nya ngayon.
"May hinahabol ka bang parada Alexis? Hindi kasi halatang nagmamadali ka eh." narinig kong sabi ni Klarisse kay nagtawanan silang lahat.
Ngumiti lang naman ako sa kanya dahil hindi pa nga ako makapagsalita dahil punung-puno pa yung bibig ko. Jusko naman, hindi ko man lang naexperience ng matagal 'tong masasarap na pagkain na 'to dahil kay Angela.
"Lexi, kumain ka naman diba bago tayo umalis sa bahay nyo?" tanong sa akin ni Ate Nikki habang nakatingin sa akin. Sunud-sunod kasi yung subo ko.
Inubos ko muna yung nasa bibig ko bago magsalita.
"Medyo sumama kasi yung pakiramdam ko kaya kailangan ko nang makapunta agad dun sa kwarto." katwiran ko sa kanya.
"Ha? Eh diba pag masama pakiramdam, dapat, mas wala kang gana?" tanong naman sa akin ni Yna.
"Walang basagan ng trip Yna." inis na sabi ko sa kanya.
Bumelat lang sya sa akin bago ipagpatuloy ulit yung pagkain nya.
Pagkaubos na pagkaubos ng pagkain ko, agad akong tumayo at nagpaalam sa kanilang lahat. Sinabi ko ngang magpapahinga muna ako sa kwarto. Nawa'y maniwala sila sa dahilan ko at sana hindi masyadong obvious na may iniiwasan ako.
Nakayuko lang ako habang naglalakad dahil ayokong makita ako ni Angela. Malay ko ba kung nandito na sya diba? Hindi pa ako ready na makausap sya eh.
Please naman destiny, pagbigyan mo naman ako sa hiling ko ngayon.
Nagulat ako nang bigla akong mabangga sa kung ano. Shet naman o, hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko.
Napapikit na lang ako at hinintay na bumagsak ako sa sahig pero mga ilang segundo na yung nakakaraan pero parang hindi naman ako bumagsak kaya agad kong iminulat yung mga mata ko at tiningnan kung bakit hindi ako nasaktan.
Biglang nanlaki yung mata ko nang makilala kung sino yung sumalo sa akin para hindi tuluyang bumagsak sa sahig.
Seriously destiny? Hindi talaga ako malakas sa'yo no? Sa dinami-dami naman kasi ng taong pwedeng mabangga ko, eh bakit sya pa diba? Pakshet naman o!
"Okay ka lang ba Alexis?" nag-aalalang tanong nya sa akin kaya wala akong nagawa kundi sumagot na lang.
"Yeah. Thanks, Angela." sabay kabadong ngumiti sa kanya.
Tangina kasi 'tong puso ko eh, ayaw umayos. Lalo pa nung naramdaman ko na hawak-hawak pa rin ako ni Angela hanggang ngayon.
Ibang klase ka talaga destiny, wag ka talagang dadaan sa kanto namin dahil gigripuhan talaga kita. Promise, mata mo lang yung walang latay, TSE!