Chapter 16

2007 Words
ALEXIS "Yna, ano yan?" takang tanong ko sa kapatid ko nang mapansin ko na may nilalagyan sya ng X sa kalendaryo. Ano na naman kayang trip nya? "Eto?" turo naman nya sa ginagawa nya. "Duh, ano pa nga ba? May iba ka pa bang ginagawa na hindi ko nakikita?" ang stupid ng question nya, promise. "Ah, nilalagyan ko ng X yung mga araw na hindi kayo nagkita ni Angela. In fairness nakakatatlong araw na kayo ha. Kaya pa?" inis na binato ko naman sya ng unan dahil sa sinabi nya. Bwisit na 'to. May nalalaman pang ganon. Kahit naman wala nyan, alam ko pa rin kung ilang araw na kaming hindi nagkikita ni Angela no! And yes aaminin ko na sobrang miss ko na sya pero mas mabuti na rin yung ganito. At least diba, alam kong tama yung ginagawa ko. Sa ganitong paraan kasi, ako lang yung masasaktan. Oo selfish ako noon kay Gino pero iba kasi si Angela eh. Mas gusto ko na makita syang masaya. At kung si Gino yung makakapagbigay non, bakit ko naman hahadlangan diba? "Pero Ate, seryoso, hindi mo sya namimiss?" isa pang stupid na question. Ano kaya sa tingin nya yung sagot diba? Tiningnan ko lang sya ng masama at hindi sinagot. Hindi ko naman kailangang sagutin yon eh, duh! At kahit naman sabihin ko sa kanya na hindi ko namimiss si Angela, sigurado akong hindi sya maniniwala. So bakit ko pa sya sasagutin diba? "Pangangatawanan mo talaga yan?" tanong pa nya. Ang kulit. Ang daming tanong about kay Angela. "Ang alin?" tanong ko sa kanya kahit alam ko na naman yung ibig nyang sabihin. "Yang ginagawa mong pag-iwas-iwas." sagot naman nya. "Unang-una little sister, hindi lang ako yung umiiwas. Hello, sino ba yung ilang araw nang hindi pumapasok sa office at ni hindi man lang nagpaparamdam? Ako ba? Hindi naman diba? Kahit gusto ko syang iwasan, hindi ko naman iniiwanan yung trabaho ko sa company nila Ate Nikki." paliwanag ko sa kanya. Totoo naman eh. Sino ba yung kayang tiisin na wag akong makita o kausapin? Si Angela naman diba? Oo sinabi ko na iiwas ako pero hindi ko naman gusto na hindi talaga sya makita no! Okay na ako kahit sulyap lang basta at least alam ko na nandyan sya. Nakita ko naman na ngumiti ng nakakaloko si Yna. "Cute mo Ate. Ang cute mo kapag naffrustrate ka." natatawang sabi pa nya. "Walang nakakatawa sa sitwasyon na 'to Yna." inis na sabi ko sa kanya. "Sus. Eh bakit kasi ayaw mong gumawa ng paraan para magkita o magkausap kayo? Tutal halata naman na miss na miss na miss na miss na miss na miss mo na sya diba?" sabi pa nya. "Ang dami talagang miss?" naiiling na tanong ko pa sa kanya. "Kulang pa nga eh. Kung pagbabasehan mo yung pagkakamiss mo talaga sa kanya." sagot naman nya sa akin. "Pero seryoso Ate, kung gusto mo talaga syang makausap, gumawa ka ng paraan. Hindi yung nagmumukmok ka lang dito sa kwarto. Aba, sawang-sawa na sa mukha mo yang kisame mo." sabi pa nya. Inirapan ko naman sya. Wag nga sya, kami lang ng kisame na yan yung may forever no! "Diba dapat sa kanya mo sinasabi yan? Tutal sya yung walang balak magparamdam. Bakit ako? Bakit ako yung kailangang gumawa?" tanong ko ulit sa kanya. Hello naman kasi, babae ako no! At never ko inugali na ako yung gagawa ng first move, duh! "Dahil ikaw yung nagmamahal?" sagot naman nya pero patanong din. "Yun na nga yung point ko Yna. Ako lang yung nagmamahal. Sya, si Gino yung mahal nya so bakit kailangan ko pang iparamdam sa kanya na gusto ko syang makita diba? Saka mukhang ayaw naman nya. Ayokong ipilit yung sarili ko." malungkot na sabi ko pa sa kanya. Ano ba yan, pagdating kay Angela, ang bilis sumakit ng puso ko. Ganun na ba talaga kalakas yung tama ko sa kanya? Hindi ba pwedeng paggising ko bukas, hindi ko na sya mahal? Wala bang genie dito na pwedeng maggrant ng wish ko? "Ate---" "Okay na Yna. Wag na lang natin syang pag-usapan. Masaya na yon. Masaya na silang dalawa ni Gino. Baka nga inaayos na nya yung mga kailangang ayusin sa kasal nilang dalawa kaya hindi sya pumapasok. Wala kasi ngayon si Gino diba?" putol ko sa sasabihin nya. Papalakasin na naman nya kasi yung loob ko. Mahohopya na naman ako. Ayoko na, mas masasaktan kasi ako pag ganon eh. "Eh malay naman kasi natin Ate, hinihintay lang nya na ikaw yung magparamdam sa kanya. So ano yan, naghihintayan kayo? Eh kung ganyan kayo ng ganyan, malamang, baka puti na yung mga buhok nyo, eh hindi pa rin kayo nagkikita at hindi nyo pa rin nasasabi sa isa't-isa kung ano yung nararamdaman nyo." iiling-iling na sabi pa nya. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi nga kami pareho ng nararamdaman para sa isa't-isa. Wag mo na lang ipush yan Yna dahil mas nasstress lang ako." sabi ko pa sa kanya. "Baka kasi ikaw lang yung nag-aassume na wala syang feelings for you. Papa'no pala kung meron? Papa'no kung mahal ka rin nya pero ang alam nya is hanggang ngayon, si Gino pa rin yung mahal mo? Papa'no kung tulad mo, iniisip nya rin yung happiness mo?" sabi pa nya kaya todo iling naman ako sa kanya. "Yna, hindi kasi talaga pwede yang iniisip mo. Kitang-kita ko kung gaano sya kasaya kay Gino." sabi ko pa sa kanya. "Minsan, kailangan nating magkunwari na masaya para matakpan yung kalungkutan na nararamdaman natin." seryosong sabi pa ni Yna. "Ang seryoso mo naman." biro ko sa kanya. "Totoo naman Ate. Nakwento sa amin ni Ate Nikki yung lahat-lahat. At sa tingin ko, hindi naman talaga bukal sa loob ni Angela na magpakasal kay Gino. Feeling ko na-pressure na rin sya at wala na syang nagawa. Ika nga nila, go with the flow na lang." sabi pa ni Yna. Jusko 'tong kapatid kong 'to. Kung makapagsalita, akala mo naman nainlove na at nakaranas nang masaktan. Aba'y parang mas matanda pa sa aking magsalita ah. "Kung totoo man yang iniisip mo. Kahit sabihin ko man sa kanya kung ano yung nararamdaman ko, sigurado akong si Gino pa rin yung pipiliin nya. Sabi nga ni Ate Nikki, susundin nya kung ano yung gusto ng mga magulang nya." "Eh papa'no kung hindi? Papa'no kung ipaglaban ka nya?" tanong pa nya. Ano ba yan, di ba sya mauubusan ng tanong? Nakakaloka ha! "Yna, bakit mo ba ako pinupush kay Angela? Bakit hindi mo na lang ako hayaang magmove on?" balik-tanong ko sa kanya. "Dahil alam kong mahal mo sya at ngayon ko lang nakita na ganyan ka. Yung bigla kang hindi naging selfish, yung mas inuuna mo yung happiness ng ibang tao kesa sa happiness mo. Ayoko kasing bandang huli, pagsisihan mo kung bakit hindi mo naipaglaban yung feelings mo para sa kanya." sagot naman nya. "Sabi nga ni Ate Nikki, kahit pilitin ko na kalimutan sya at kalimutan yung feelings ko para sa kanya, kung kami talaga yung itinadhana, wala akong magagawa don. Hindi ko naman pwedeng kalabanin yung tadhana diba?" sabi ko naman. "So iaasa mo nga sa tadhana yung lovestory nyo?" parang disappointed na tanong nya sa akin. Proud na tumango naman ako. "Kung kami talaga, eh di kami. At kung itatadhana bigla na magkita kami or magkausap kahit nag-iiwasan kami, wala akong magagawa kundi tanggapin yon." sabi ko pa. "Hay nako, hindi na talaga kita maintindihan. Nainlove ka lang, naging weird ka na. Noon naman hindi ka naniniwala sa destiny-destiny na yan diba? Ang lagi mo pa ngang sinasabi sa akin noon na we create our own destiny, tapos ngayon ganyan? Aasa ka sa tadhana? C'mon Alexis Keyla!" aba, ni hindi ako tinawag na ate ha. Walang galang! Pashnea! "Alam mo, itigil na natin 'tong usapan na 'to dahil baka kung saan pa mapunta. Baka mag-away pa tayo nyan. At isa pa, ayoko na rin muna syang maisip sa ngayon, please?" pakiusap ko sa kanya. Tiningnan nya muna ako ng derecho sa mga mata bago ulit nagsalita. "Fine. Hindi ko na lang muna sya babanggitin dahil baka isang banggit ko pa sa kanya, eh bigla ka na lang dyang maglulupasay dahil sa pagkamiss mo sa kanya." sabi pa nya sabay takbo agad palabas ng kwarto dahil alam nyang makakatikim na naman sya sa akin kung saka-sakali. Kastress talaga yung kapatid ko na yon o, ugh! Naiiling na sumunod na lang ako palabas sa kanya dahil nagugutom na rin naman ako at gusto ko na ring magbreakfast. "O mabuti naman at nandito ka na rin Alexis. Bilisan nyo ni Pauline yung pagkain dahil aalis tayo maya-maya. Birthday kasi nung isa sa mga kaibigan ko nung highschool at iniimbitahan nya kaming lahat ng kaibigan nya at isama din daw namin yung pamilya namin. Sa Batangas kasi yung venue kaya kailangan nating umalis ng maaga para hindi naman tayo matraffic. And isa pa, para makapaglibot-libot din kayo don at makakilala ng bagong kaibigan at malay mo, makilala mo din don yung papalit kay Gino." mahabang sabi ni Daddy paglapit na paglapit ko sa kanila. At talagang naisingit pa nya yung kagustuhan nyang makahanap na ako ng papalit kay Gino no? Kung alam lang sana nya na nahanap ko na. Ang problema lang, hindi pwede. Sobrang hindi kami pwede. "Bakit kailangang kasama kami? Pwede naman po sigurong kayo na lang, Dad." sabi ko sa kanya. Wala kasi talaga akong hilig sa mga party-party na ganyan. Tapos ang mga kasama pa yung mga kaibigan ni Daddy. Nako, malamang puro about sa business na naman yung pag-uusapan nila. At malamang ganun din yung mga anak ng kaibigan nya. At ayokong ma-bore no! Mas gugustuhin ko pang magmukmok dito sa kwarto at magreminisce ng moments namin ni Angela kesa makihalubilo sa mga boring na tao. "Nikki, Faye, and Milo will also be there. Mas okay yon diba?" sabi pa ni Dad na halatang gustung-gusto akong pasamahin. At ginamit pa nya talaga sila Ate Nikki ha. Pero nah, kahit sino pa yung nandyan sa party na yan, hinding-hindi nila ako mapipilit sumama. "Pass ako dyan Dad. Wala ako sa mood makipagplastikan." walang ganang sabi ko sabay kuha ng pagkain. Sabay-sabay naman silang tatlong napatingin sa akin. What? Ganun ba ka-big deal sa kanila na hindi ako sasama? Hindi naman eto yung first time na si Yna lang yung naisasama nila sa mga party na ganyan diba? Alam naman nilang wala talaga akong hilig sa ganon. Naiiling na pinagpatuloy ko na lang yung pagkain. Basta hindi ako sasama, tapos ang usapan. "Nope. Hindi ka pwedeng hindi sumama. Gusto ko din makilala mo yung anak nya at ng iba pa naming kaibigan. And you'll be surprised kapag nalaman mo kung sino yung anak nya." sabi pa ni Daddy kaya takang tumingin ako sa kanya. At bakit naman ako masosorpresa? Prinsipe ba yon? Or crush ko na artista? Pero sabi ko nga, kahit sino pa yan, hindi talaga ako sasama. Period. No erase! "Dad. Hindi ako interesado kung sino man---" "My friend's name is Armando Lopez." putol nya sa sasabihin ko at bigla akong natigilan dahil sa pangalan na sinabi nya. Oh no, don't tell me yung sinasabi ni Dad na anak nung kaibigan nya eh si-- "And his daughter's name is Angela Marie Lopez." sabi pa ni Daddy kaya ayan na naman yung kakaibang t***k ng puso ko. Yun lang at iniwan na nila kami ni Yna sa table. Ni hindi man lang ulit ako pinasagot diba? Pero, Holy Mother! Seryoso ba sya don? Si Angela talaga? Si Angela na naman? Makikita ko na sya? Ready na ba akong makita sya? Anong gagawin ko? Oh f*ck anong gagawin ko?! "Mapaglaro talaga yung tadhana. At tulad nga ng sabi mo, kapag tadhana na yung kumilos, wala ka nang magagawa kundi tanggapin ito." mahinang bulong ni Yna na halatang sa akin lang nya gustong iparinig yung sinabi nya. Inis na nahilot ko na lang yung sentido ko. Mukhang hindi ko talaga kayang kalabanin ang tadhana ah. D*mn you destiny, d*mn you! Ugh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD