Chapter 15

2331 Words
ALEXIS "Don't worry, wala sya dito. She called me yesterday and nagpaalam na mawawala muna sya ng ilang araw." kunwaring pinagpatuloy ko lang yung pagpasok ko sa office ni Ate Nikki at hindi ko pinansin yung sinabi nya. I don't care kung wala man sya ngayon. And hindi ko naman kailangang malaman yon. Hindi ko nga alam kung bakit nya kailangan sabihin sa akin yon eh. "Ha?" patay-malisyang tanong ko kay Ate Nikki. Kunwari hindi ko alam kung sino yung tinutukoy nya. Napakunot naman yung noo ko nang bigla syang tumawa ng malakas. "You're not a very good actress, Lexi. Yan yung hindi mo namana sa akin." natatawa pa rin nyang sabi. "What do you mean?" sino bang umaarte dito? Ano bang pinagsasasabi nya? "Kanina ka pa palinga-linga dyan. Tapos tingin ka pa ng tingin dun sa office ni Angela. Li'l cousin, wala po sya dyan, at hindi sya papasok ngayon at sa mga susunod pang araw." sagot pa nya sa akin. "Sinong may sabi sa'yo na tumitingin ako don? Parang isang beses lang ako napatingin, hinahanap ko na agad sya? Hell no!" inis na sabi ko sa kanya. Okay lang naman na taasan ko sya ng boses, nandito naman kami sa loob ng office nya so wala naman makakarinig sa'kin. "Really? Tingin mo talaga mapapaniwala mo ako sa ganyan?" at parang balewala sa kanya yung pagtaas ng boses ko kanina ha, chill lang sya eh. "Dahil yun naman yung totoo. I don't care kung hindi man sya pumasok ng ilang araw or ilang months or ilang taon." sabi ko pa sa kanya. "Talaga? Hmmm, interesting. Sabi kasi sa akin ni Milo, close na close talaga kayo ni Angela nitong mga nakaraang araw. So dahil lang sa nalaman mo na sya pala yung fiancée ni Gino, biglang itatapon mo yung unti-unting nabubuo na friendship nyo?" tanong pa nya sa akin. Kung yun nga lang sana yung dahilan eh no Ate Nikki? Kaso hindi lang yon eh. Meron pa akong mas malalim na dahilan kung bakit gusto kong umiwas kay Angela. Na tingin ko naman eh magiging successful dahil sya na mismo yung gumawa ng paraan para hindi talaga kami magkita. "Uh----" "Masakit ba?" seryosong tanong nya sa akin nung wala akong masabi. "Kasama naman talaga yon kapag nagmamahal ka diba? Hindi pwedeng hindi ka masasaktan." sabay ngiti sa kanya ng malungkot. "It's not her fault, Lexi." ayan na naman, pinagtatanggol na naman nya si Angela. "She had no choice nung time na nagpropose si Gino. Isinakto kasi nung ex mo na sa harap ng mga magulang nya magpropose. And being a good daughter, wala syang nagawa kundi tanggapin yon dahil gusto nyang i-gain yung pagmamahal sa kanya ng mga magulang nya." sabi pa ni Ate Nikki kaya takang tumingin ako sa kanya. "Bakit? Anong nangyari sa kanila ng parents nya?" ayan, sa sobrang ka-concernan mo, mahahalata ka ng pinsan mo na interesado sa kung anong sasabihin nya. Sus Alexis! Di mo rin naman pala kayang tiisin si Angela. Umiling naman sya sa akin. "It's not my story to tell, Lexi. Sinabi ko lang sa'yo 'to dahil ayokong magalit ka kay Angela dahil baka akalain mo na niloko ka nilang dalawa ni Gino. Tulad ng sinabi ko sa'yo, hindi alam ni Angela na ikaw yung ex na sinasabi ni Gino sa kanya." sabi pa nya. "I know Ate. And hindi naman ako galit. Nagulat lang talaga ako. Hindi ko kasi akalain na sya pala yung ipinalit sa akin ni Gino. Kaya naman pala kahit anong gawin ko, hindi sya babalik sa akin. Dyosa naman kasi yung pinili nyang ipalit sa akin eh." at pagkatapos ay tumawa ako ng pilit. Ayoko kasing mahalata ni Ate Nikki na nasasaktan talaga ako. Baka din kasi kung ano yung maamin ko sa kanya. Alam kong sya yung pinakamakakaintindi sa akin once na malaman nya kung ano talaga yung nararamdaman ko kay Angela pero hindi pa ata ako ready na malaman ng iba yung feelings ko. Sabi nga nila, kapag marami na yung nakaalam, may posibilidad na makarating dun sa kinauukulan. Chos lang! Pero seryoso, hindi ko alam kung sasabihin ko na ba kay Ate Nikki or itatago ko na lang muna. Wala din naman kasing patutunguhan if ever. Iiwasan ko nga sya diba? At pipilitin na makalimutan kung ano man yung nararamdaman ko sa kanya. "O eto pala eh, kaya naman pala hindi pumasok ngayon si Angela, kasama pala nya si Gino. Hinatid sa airport. Ang sweet nila no?" Sabi ni Ate Nikki habang nakatingin sa phone nya. Halata naman sa tono ni nya na iniinis nya ako. Pero nagtagumpay naman sya don. Sigurado akong nakasimangot ako ngayon dahil sa sinabi nya sa akin. Sus, hindi ba kayang makapag-isa nyan ni Gino at kailangan pa nyang ihatid sa airport? Mas inuna pa nya yung paglandi kesa sa company nila? Eh bakit ba ganito akong makareact? Pakelam ko ba sa kanila diba? TSE! "Ay kasama ata sya ni Gino sa Singapore nga ba? Or sa kung saan mang bansa sya pupunta. Aba, baka uunahin nila yung honeymoon." komento pa ni Ate Nikki kaya mas lalong nagsalubong yung kilay ko. Subukan mo lang Angela, subukan mo lang talaga! Mata mo lang yung walang latay pagbalik mo dito! Oo nanggigigil ako, nanggagalaiti ako dahil naiisip ko yung sinabi ni Ate Nikki. Papa'no nga kung unahin nila yung--oh, nevermind! "Sana hindi masyadong importante yang folder na hawak mo no?" narinig kong sabi ni Ate Nikki kaya bigla akong napatingin sa hawak ko. Luh, lukot na lukot ah. Hindi halatang galit na galit ako ah. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong scratch papers lang naman yung laman nito. Sheez, kung importante yon, lagot ako kay Ate Nikki. Kasalan mo 'to eh Angela, kasalanan mo kung bakit hindi ako mapakali ngayon. Wag na wag ko lang talagang malalaman na sumama ka Gino sa kung saan man lupalop dahil hahanapin talaga kita at iuuwi kita dito! "Nagseselos ka ba? Mahal mo?" tanong pa ni Ate Nikki kaya inis na tiningnan ko sya. Hindi ba obvious? Pero syempre kailangan kong magdeny kaya agad akong sumagot sa kanya. "Hindi ako nagseselos kay Gino--" at biglang nanlaki yung mga mata ko dahil sa nasabi ko. Seriously Lexi? Seriously?! Ngumiti naman ng pagkalapad-lapad si Ate Nikki. Halatang nagtagumpay sya sa kung ano man yung pakay nya. "A-ang ibig kong s-sabihin. W-hat I mean is---" sh*t! At lalo ko pang pinagmukhang tanga yung sarili ko sa harap ni Ate Nikki. Mas lalo tuloy syang ngumiti. Halata kasing na sobrang guilty ko. "Wala naman akong sinabi na kay Gino ka nagseselos eh. Ang itatanong ko nga sana is kung nagseselos kay kay Angela. Pero mukhang tama yung hinala ko and you just confirmed it." natatawang sabi pa nya. "Sabi nga nila, nahuhuli ang isda sa sarili nyang bibig." pahabol pa nya kaya mas lalo akong nahiya. Ang shunga mo kasi Alexis. Ang shunga-shunga mo! Ayan tuloy, kailangan mo din magkwento sa pinsan mo ngayon. "A-ano kasi A-ate---" Natatawa pa rin na pinutol nya yung sasabihin ko. "Save it later, little Lexi. I've a meeting ngayong umaga so hindi ko rin masyadong maiintindihan. Mamaya na lang. Let's talk about it over dinner. Don't worry, my treat." nakangiting sabi nya bago tuluyang lumabas sa office nya. Nanghihinang napaupo naman ako sa pinakamalapit sa akin na upuan. Sa susunod kasi Alexis, konting ingat! Mamaya nyan kay Angela ka magpakataklesa ng ganyan, aba, mapapaaga ang pambabasted nya sa'yo. TSE! *** "Totoo nga yung sinabi ni Ate?" gulat na gulat na tanong sa akin ni Kuya Milo habang nagdidinner kami. "Depende kung ano yung sinabi nya sa'yo." sagot ko naman sabay kibit ng balikat. "C'mon Lexi, pati ba naman ako paglilihiman mo?" ang arte. Sobrang arte nitong lalaking 'to. Natatawang nakatingin lang naman sa aming dalawa sila Ate Nikki at Ate Faye. Kaloka 'tong babaeng 'to. Akala ko pa mandin, kaming dalawa lang talaga yung magdidinner, aba nagulat na lang ako dahil kasama pala namin yung dalawa. Bakit kaya hindi pa nya inimbita sila Yna at Mayie para full force sila diba? And right on cue, biglang may nagsalita sa likod ko. Seriously?! "Sorry. Late na ba kami? Traffic kasi eh." inis na tumingin naman ako kay Ate Nikki nang marinig ko yung boses na yon. Sabi nga nila Alexis, be careful what you wish for 'cause you just might get it. At ayan nga. Nasa isip mo lang kanina, ayan na sila sa harapan mo at nakangiti pa ng nakakaloko sa'yo. "So para saan 'tong meeting na 'to? Para ba sa mga kailangang gawin ni Ate para mapasakanya yung taong mahal nya?" at ayun na naman yung nakakabwisit na ngiti ng kapatid ko. Pwede bang isipin ko na lang ulit na uuwi na sila ni Mayie? Malay mo mangyari na naman diba? "Shut up Yna Pauline!" inis na sabi ko pa sa kanya. "Lexi." tawag sa akin ni Kuya Milo kaya sabay-sabay kaming napalingon sa kanya. Wow, sila din si Lexi? "If you're talking about my feelings for Angela, well, the answer is YES Kuya Milo. I like her. No, I love her, I think." pag-amin ko naman dito kaya nakita kong napangiti na naman yung iba naming kasama dito sa table. Bakit ang saya pa nila na nagkagusto ako sa babae? Well, okay lang sana kung basta-basta babae diba? Eh kaso mo, dun mismo sa babaeng papakasalan ng ex-boyfriend ko. "Kelan pa? And papa'no? Last time kasi na nag-usap tayo, sinabi mo sa akin na mahal mo pa rin si Gino at hindi mo kakayanin na ikasal sya sa iba. Bakit biglang nagbago yung ihip ng hangin? Bakit biglang yung fiancée nya yung pinagnasahan mo?" tanong pa ni Kuya Milo kaya napailing ako. "Really? Pinagnasahan? That's your term?Palagay mo sa akin, manyakis?" natatawang tanong ko din dito. "Sorry naman, yun kasi yung unang pumasok sa isip ko. Pero wag mong baguhin yung usapan. So, papa'no nga nangyari?" tanong pa rin nya sa akin. "Actually, hindi ko rin alam kung papa'no. Basta bigla na lang na bumibilis at bumabagal yung t***k ng puso ko kapag nandyan sya. Akala ko, dahil kinakabahan lang ako or something pero iba eh. Alam mo yung feeling na gusto mo syang makasama lagi? Yung makita lagi? Ganun eh. Tapos parang wala kang makitang mali sa pagkatao nya. And parang kapag tumitingin sya sa'yo, may spark? May magic, ganon." bigla naman akong napangiti nang maalala ko yung pakiramdam kapag nagkakatinginan kaming dalawa ni Angela. Yeah, magic. "Oh My God! I will not let myself fall inlove with anyone. Kung ganyan yung magiging epekto non. As in NO NO!" nasusukang sabi naman ni Yna. Lagi na lang silang ganyan ni Mayie kapag nagkukwento ako about kay Angela. Palibhasa kasi hindi pa nararanasan mainlove, TSE! "Masarap kayang mainlove." nakangiting sabi ko naman sa kapatid ko kaya mas lalo syang napasimangot. "Yeah. At sa sobrang sarap, mas pinili mong iwasan yung taong yon." sarcastic na sabi pa nya kaya ako naman yung napasimangot. "Why do you have to ruin the moment, Yna?!" inis na sabi ko sa kanya. "Ikaw yung sumisira Ate, hindi ako. Dahil ikaw yung nagdecide na gawin yung iwas-iwas na yan. Sino bang masasaktan kapag ginawa mo yan?" sagot naman nya. "Well, kung hindi sana sya ikakasal at hindi sila nagmamahalan ng ex-boyfriend ko, hindi ko naman gagawin 'to diba? Pero kasi narasanan ko nang masaktan dahil sa pang-iiwan sa akin ng taong mahal ko at ayoko nang maranasan pa 'yon ng ibang tao." sagot ko naman sa kanya. "Hep hep. Baka naman magkapikunan pa kayong magkapatid dyan. Yna, hayaan na muna natin yung Ate mo sa kung ano yung gusto nyang gawin. It's her decision, we have to respect that. Ang kailangan nya ngayon, suporta natin dahil mahirap yang pinagdadaanan nya." sabi sa amin ni Ate Nikki kaya napatahimik kami ni Yna. "And hindi laging puso yung pinapakinggan sa mga ganyang sitwasyon. Napagdaan din namin yung ganyan ng Ate Nikki nyo. Pinilit naming patayin yung pagmamahal na nararamdaman namin sa isa't-isa dahil ayaw naming makasakit ng ibang tao. Ilang taon pa nga kaming nakahiwalay nyan. Pero tingnan nyo naman ngayon diba? Kami pa rin yung magkasama." nakangiting sabi naman sa amin ni Ate Faye. "Kung sila talaga, magiging sila. Pabayaan natin sila sa mga gusto nilang gawin. At sinasabi ko sa inyo, kapag yung tadhana na yung gumawa ng way para maging sila talaga, wala na silang magagawa don." si Kuya Milo. "Pero wag masyadong iasa sa tadhana ha. Minsan, kumilos din." sabi pa ni Ate Faye sabay kindat sa akin. Psh, ako talaga yung kikilos? No way! Babae ako no! "If you want, pwede kitang ipakausap sa girlfriend ng pinsan ko. Magaling yun sa mga ganyang advice-advice. Love Guru yon eh." natatawang sabi pa ni Ate Faye. "You're not talking about DJ Tasya naman diba?" tanong ko sa kanya. "Actually, it's her. I'm talking about Princess, si DJ Tasya nga." sagot naman nya. "O to the M to the G!" narinig naming sabi ni Yna kaya napatawa ako. Idol nga pala nya yon. "Gusto nyo bang invite ko sya---" "Of course! It'll be our pleasure Ate Faye!" excited na sagot naman ni Yna. Ay grabe o, di na talaga pinatapos magsalita yung isa. Hindi naman halatang excited sya no? "And since Love Guru na mismo yung makakausap mo, mukhang dapat itigil na natin muna yung topic about sa lovelife mo ngayon, Lexi. Baka kasi masira pa namin yung advice sa'yo ni Princess if ever eh. Ubusin na lang muna natin yung food ngayon and mamaya, nood na lang muna tayo ng movie para mawala muna sa isip mo yang problemang puso mo." natatawang sabi ni Ate Nikki kaya napangiti na lang ako. "Thank you. Thanks so much." nakangiting sabi ko sa kanilang lahat. Ang sarap talaga sa pakiramdam na may taong tanggap ka sa kung ano ka talaga. Sana lahat ng tao tulad nila, malawak yung pang-unawa at susuportahan ka kung saan ka magiging masaya. Eh di sana wala nang magtatago sa closet if ever diba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD