ANGELA
"I'm sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo but yeah, ex girlfriend ko si Alexis." noon lang ako tumingin kay Migs. Magkaharap kami ngayon sa table dito sa coffeeshop kung saan namin nakita si Aexis kanina.
I'm not really sure kung ano ba yung dapat kong maramdaman ngayon. Naguguluhan ako, sobrang naguguluhan ako. Pero isa lang yung nasisigurado ko, nakita ko yung sakit sa mga mata ni Alexis kanina. Hindi ko alam pero parang nasaktan din ako nung nakita ko yon. Mukhang hanggang ngayon nga, mahal pa rin nya talaga 'tong si Miguel. Hindi naman kasi sya masasaktan ng ganon kung hindi na nya mahal yung fiancé ko diba?
"Hey, wag ka nang magselos dyan. Tinawag ko lang naman sya for old times' sake. Hindi ko na sya mahal. Ikaw na yung mahal ko." sabi pa nya sabay hawak sa mga kamay ko.
Tiningnan ko naman sya ng derecho sa mga mata. I mentally rolled my eyes dahil hindi ko nakita yung sincerity sa mga mata nya. And hello, as if naman hindi ko napansin yung kakaibang saya sa mukha nya nung nakita nya si Alexis kanina.
Alam ko yung pakiramdam na ganon dahil ganun din yung nararamdaman ko kapag nakikita ko si Alexis. Ewan ko ba, alam mo yung after an exhausting day, and yung sobrang wala na akong energy, tapos bigla kong makikita si Alexis, parang bigla akong chinarge, biglang babalik lahat ng energy na nawala sa akin ng isang buong araw. Ganon yung epekto sa akin ni Alexis.
And I'm not liking this feeling. Seriously, ayoko ng ganitong pakiramdam. Dahil nasisigurado ko na bandang huli, ako lang din yung masasaktan.
"Angel." narinig ko pang tawag sa akin ni Miguel kaya bumalik sa kasalukuyan yung diwa ko.
"Hmm." yun lang yung nasabi ko. Ewan ko ba, ayoko muna syang kausapin tungkol kay Alexis ngayon. Baka masaktan lang ako sa kung anong malalaman ko.
"We were together---" kakasabi ko lang na ayokong magkwento sya about sa kanilang dalawa diba?
"Enough of this topic. Okay lang naman. Sabi mo nga, di mo na naman sya mahal, and ako naman yung pakakasalan mo diba?" pilit ang ngiting sabi ko sa kanya.
Napangiti naman sya dahil sa sinabi ko. Kung noon siguro, mapapasmile din ako kapag nakita ko yung mga ngiting 'yon. Pero kasi, iba na ngayon eh. Sa nalaman ko, parang naiinis ako na isipin na ganyan din syang ngumiti kay Alexis noon.
Eh di sya na yung gwapo. Sya na yung mahal ni Alexis. At sya na yung swerte dahil ginagawa nung isa yung lahat-lahat para mapabalik lang sya.
Kung alam nya lang talaga kung ano yung pinakawalan nya dahil lang sa pagsunod sa mga magulang namin.
"Basta eto yung tatandaan mo ha, wala kang dapat ipagselos kay Alexis dahil ikaw yung gusto kong pakasalan. Nasa'yo nga yung singsing diba?" nakangiting sabi pa nya at muntik na talaga akong mapaismid dahil don.
Kaya ko din bumili ng ganitong singsing no! Para kasing utang na loob ko pa na sa akin sya nagpropose diba? Hello, as if naman hindi ko alam na pinressure lang sya ng mga parents namin kaya nya ako niyayang magpakasal no!
At isa pa, hindi naman ako kay Alexis nagseselos eh. Sa kanya!
Bigla ko namang natutop yung bibig ko dahil don.
What the hell are you saying Angela? Hindi pwede yang nararamdaman mo. Hindi ka pwedeng magkagusto kay Alexis. Hindi talaga pwede, promise.
Isa lang ang importante sa'yo ngayon, ang maibalik yung nawalang pagmamahal sa'yo ng magulang mo. At etong pagpapakasal mo lang kay Miguel ang pwedeng maging daan para mangyari yon so please, stop thinking about your fiancé's ex-girlfriend. Walang magandang maidudulot sa'yo yung kung ano man yang nararamdaman mo para kay Alexis. Kaya kung ako sa'yo, ngayon pa lang, pipilitin ko nang patayin yang feelings na yan.
Ngumiti naman ulit ako ng pilit kay Miguel. Nakatingin pa rin kasi sya sa akin at mukhang hinihintay yung sasabihin ko.
"Wag na lang nating pag-usapan. Ayoko namang masira yung araw natin dahil don. And don't worry, hindi ako nagseselos sa kanya." yeah. Hindi talaga. Hindi selos ang nararamdaman ko para kay Alexis ngayon, sigurado ako dyan.
Noon nya lang binitawan yung mga kamay ko at nagkwento tungkol sa nangyari sa kanya ngayong araw.
***
"Nguno mo inom nayo?" nakangiting tanong sa akin ni Pining habang hinihintay namin na matapos yung shoot nila Maybelle. Nandito kaming apat ngayon nila Klarisse, Clarence, at Pining sa sasakyan.
Kami ni Pining yung magkatabi ngayon. Si Clarence at Klarisse, ayun sa likod at may importante atang pinag-uusapan. Kung ano man yon, ayoko munang alamin. May mga bagay-bagay akong iniisip ngayon na masyadong nagpapagulo sa buong pagkatao ko.
At buti na lang dahil sa dalas ng pagsama-sama ko dito sa barkadahan nila, medyo naiintindihan ko na si Pining kaya hindi ko na kailangan ng interpreter para makausap sya.
"Huy Anghena!" pero feeling ko talaga, nagmumura sya kapag sinasabi nya yung pangalan ko. "Hami ngo, inom nayo." ulit pa nya.
"Narinig ko naman kanina. Nag-iisip lang ako kung papayag ako o hindi dun sa invitation mo." natatawang sabi ko naman sa kanya.
"Hini naman ngina iiminahin ngung hini mo ngailangan eh." sabi pa nya kaya napatingin ako sa kanya. Papa'no nya nalaman? Ang transparent ko ba masyado?
"Ha? Pinagsasabi mo dyan?" patay-malisyang sabi ko sa kanya. Ayoko kasing malaman nya na may pinoproblema ako dahil sigurado akong malalaman din ng mga pinsan ko if ever. At pag nangyari yon, alam kong gagawa sila ng paraan para maipush 'tong nararamdaman ko para kay Alexis.
"Minhan mo nga hina Meng at Nglang. Mare-mareho ngayong in-nenial eh." naiiling na sabi pa nya.
"In denial?" ulit ko sa sinabi nya.
"Oo. Marang hi Meng at hi Nglang nung unang meheh nilang mamanunayan na inlam hila kina Nen at Nyeyni." sabi pa ni Pining.
"At kanino naman ako inlove na kailangan ko pang ideny yung kung ano man yung nararamdaman ko sa taong yon?" tanong ko pa sa kanya.
"Nguho mo nalangang hangunin ngo yung nanong mo? O ingaw na lang mihmo yung hahangot nyan?" nakangiting balik-tanong naman nya.
Bigla naman akong natigilan sa sinabi nya. So may idea nga talaga sya kung sino yung bumabagabag sa isip ko ngayon?
"Ho?" tanong pa nya sa akin.
Bigla naman akong napangiti dahil sa naiisip kong kalokohan.
"Gusto mo ba talagang sabihin ko sa'yo lahat-lahat Pining?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman Anghena. Mah maharam ngung may mamamanguwenuhan nga at mailalamah mo ngung ano nalanga yung naramramnaman mo." nakangiti naman syang sagot.
"Sige, pero sa isang kondisyon." sabi ko pa.
Napakunoot naman yung noo nya.
"An ano naman yung ngunihyon?" tanong pa nya.
"Sabi mo muna ng derecho yung 'nakakapagpabagabag' kapag nagawa mo yon, sige, magkukwento ako sa'yo." natatawang sabi ko kaya bigla syang napasimangot.
"Mangminhan nga ngayo ni Nglang!" inis na sabi pa nya.
"O sige na nga, alam kong mahirap yon eh. Pinggan na lang yung sabihin mo." sabay ngiti ko pa sa kanya kaya mas lalo syang napasimangot.
"Ngahit ngelan mwihih ngayong magmiminhan sa angin! Nye!" sabi nya sabay labas ng sasakyan.
Napangiti naman ako dahil don. At least diba, medyo nawala sa isip ko yung problema ko kay Miguel, Alexis, at sa parents ko.
"And yes Pining! Sasama akong mag-inom mamaya! Salamat pala!" sigaw ko pa habang papalayo sya.
Nakita ko naman na tumigil sya at lumingon sa akin. Mas lalo akong napangiti nung nakita kong nakasmile na sya.
Nagthumbs-up muna sya sa akin bago sya tumalikod ulit at lumapit kay Charity.
At least alam kong kahit papa'no, at kahit gaano man kalaki yung problema ko, nandyan sila para damayan ako diba?
***
"So, anong problema?" tanong sa akin ni Klang habang nandito kami sa Center Stage. Dito kasi ako dinala ng mga bruha, mas maganda daw dito kasi daw at least kami lang daw yung makakakita kapag bigla akong nagwala dahil sa kalasingan. Kaloka lang no? Ang supportive talaga nila kahit kelan.
And as if naman magpapakalasing ako dahil kay ugh--nevermind!
"Wala naman akong problema." sagot ko naman sa kanya.
"Tingin mo maniniwala ako sa'yo? After ng engagement party nyo ni Miguel, hindi ka na namin makausap ng matino ni Maybelle. Tapos mas lumala kanina. Akala mo naman si Pining Garcia lang yung nakakahalata dyan sa problema mo?" seryosong sabi pa nya sabay inom ng beer. Ay wow, straight kung straight si Ate o, sya yata yung may problema eh.
"Baka naman ikaw yung may problema, Klarisse?" biro ko sa kanya.
"Bukod sa boses nyang si Justine at ni Parrot na kanina pa natin naririnig, wala na naman akong ibang problema. At pwede ba, wag mong ipasa sa akin. So, ano nga?" ang kulit naman nito o.
Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya. Well, may point naman sya, ang ingay talaga ni Maybelle at ni JT kanina pero in fairness naman, marunong naman silang kumanta. Well, di nga lang kasing galing ko, charot!
Pagtingin ko kay Klarisse, seryoso pa rin syang nakatingin sa akin. Sabi ko nga wala akong lusot eh, hay.
"Fine." Napa-buntonghininga na lang ako dahil alam kong hindi ako titigilan nito. Sana pala hindi na lang ako pumayag sa pagyayaya ni Pining no? Mas ligtas siguro ako sa mga tanong kung nasa kwarto lang ako at nakakulong.
"Oy, nyoyn ango nyan. Ango yung nangyaya hayo." nakangiting sabi naman ni Pining. Kanina pa pala sya nakikinig sa usapan namin ni Klarisse.
"Sige, ganito kasi---"
Napatigil ako dahil biglang bumirit sila Maybelle at JT. Aray ko, masakit sa tenga ha!
"Heto ako, basang-basa sa ulan, walang masisilungan, walang malalapitan---"
"Pwede ba, manahimik muna kayo! May sasabihin daw si Anj. Mamaya nyo na gasgasan yang mga lalamunan nyo please lang!" inis na sabi ni Klarisse sabay agaw ng mic dun sa dalawa.
Nakasimangot naman na umupo na lang yung dalawa at tumingin sa akin. Luh, bakit parang galit sila sa akin? Kasalanan ko ba na ayaw ni Klarisse ng maingay habang nagkukwento ako?
"So?" tanong ulit ni Klarisse.
"Naalala mo Maybelle nung nagtanong ka sa akin kung kilala ko yung ex ni Migs?" simula ko. Ayun, tumango naman si Maybelle kahit medyo inis sya dahil natigil yung momentum nila sa pagcoconcert ni JT kanina.
"Nakilala ko na kung sino yung ex nya. And yeah, 8 years pala sila." mahinang sabi ko ulit.
"And?" ang atat talaga nitong si Klarisse.
"Si Alexis."
"Ang hanglam. Hung hino ma yung nguho mo hya ma mala yung---"
"Mamaya na yang komento Pining Garcia. Hayaan muna natin syang matapos sa sasabihin nya." saway ni Klarisse kay Pining kaya ayun, natahimik na lang yung isa.
"So ayun nga. Si Alexis pala yung ex ni Miguel. Sya pala si Gino na nabanggit nya sa akin noon na ex nya na gagawin nya lahat para mapabalik sa kanya. And si Migs din yung dahilan kung bakit nagtrabaho sya sa company ni Nikki at nakilala ko sya." kwento ko pa kaya tumango-tango naman silang lahat.
"And yung problem is?" si Klang pa rin.
"Mahal pa nya si Miguel. At feeling ko, ganun din yung fiancé ko." hindi ko alam pero biglang may kung ano akong naramdaman sa bandang dibdib ko. Parang ang sakit isipin na ganon nga, na mahal pa rin nila ang isa't-isa.
"Pero ikaw yung papakasalan ni Miguel."
"Dahil lang sa parents namin. Pero ang mahal nya, si Alexis." malungkot na sabi ko pa.
"An nahahangnan nga nahil?" tanong ni Pining kaya napatingin ako sa kanya. Oo nga, bakit ba ako nasasaktan? Sino nga ba yung dahilan?
"Don't you dare tell us na dahil mahal mo si Miguel dahil walang maniniwala sa'yo dito. Hindi naman sa nagmamarunong pero alam namin kung ano yung nararamdaman mo at naghihintay lang kami ng confirmation galing sa'yo." napailing naman ako sa sinabi ni Klarisse. Yun kasi dapat talaga yung isasagot ko kay Pining.
"Hindi ko alam. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko. At kung bakit ko 'to nararamdaman. Hindi pwede eh. Hindi pwede dahil ikakasal na ako." hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, naramdaman ko na lang na pinupunasan ni Klarisse yung luha ko.
"Shh, naiintindihan ka namin. Hindi ka namin pinepressure pero gusto kong malaman mo na nandito lang kami ha. Kung ano man yung marerealize mo, matatanggap ka namin. At gagawin namin lahat para maging masaya ka." nakangiting sabi sa akin ni Klarisse kaya napangiti ako.
"At kung sino man yung mamahalin mo, tanggap na tanggap ka namin, at sobrang matatanggap din namin sya." nakangiting sabi naman ni Maybelle.
"Mango ngayo mangnrama na mangmiminhan nyan, huno ngo lang inanong Anghena, anong mlano mo?" putol naman ni Pining sa dramahan namin kaya naiiling na binatukan na lang sya ni Klarisse. Ay grabe o, sadista talaga. Napasimangot tuloy si Pining.
"Iiwas muna siguro ako. Yun naman yung tama diba?" sabi ko sa kanila at magrereklamo sana yung iba pero pinigilan sila ni Klarisse.
"Hayaan nyo muna sya sa desisyon nya. Mas maganda yan, mas marerealize nya kung ano talaga yung nararamdaman nya pag ginawa nya yon." nakangiting sabi pa nya sabay kindat sa mga kasama namin.
Ha? Diba mas maganda na umiwas ako para hindi na tumuloy yung kung ano mang nararamdaman ko para kay Alexis? Bakit parang mas natuwa pa si Klarisse sa desisyon ko?