ALEXIS
"Parang nangyari na 'to. Parang umulit lang lahat. Dejavu no Mayie?" narinig kong sabi ni Yna sa bestfriend ko pero di ko sila pinansin. Nakatitig na naman ako sa kawalan.
And bakit ba sila pasok ng pasok sa kwarto ng may kwarto? Ilang beses na ba nilang ginagawa 'to? Sa susunod talaga, i-ma-Mayie and Yna proof ko 'tong kwarto ko para hindi sila makapasok basta-basta. Tama! Gagawin ko yon sa lalong madaling panahon. Mga istorbo eh. Kita na nilang nagmumukmok ako dito diba?
"Eh akala ko ba nakamove on ka na girl? Anyare? Bakit bigla kang nagdisappearing act dun sa engagement party? Aba nag-ikot lang kami saglit nila Ate Faye tapos pagbalik namin wala ka na? Wala man lang pasabi ha. Buti na lang hinatid kami ng mga pinsan mo. Kung wala siguro sila don, waley, nganga kami nitong kapatid mo, commutera ang peg namin." naiiling pang sabi ni Mayie.
Nasaktan ako eh. Malamang aalis ako agad. Hindi naman ako masokista para panoorin kung gaano kasaya yung lalaking dating minahal ko dun sa babaeng mahal ko na 'no! Peste naman kasing puso 'to, sa dinami-dami ng pwedeng mahalin, yun pang babaeng umagaw sa akin kay Gino.
"Seryoso Ate, akala ko ba okay na sa'yo na ikakasal si Gino sa iba? Bakit biglang naging ganon yung reaction mo?" tanong naman ni Yna.
Sasabihin ko ba sa kanila yung totoong dahilan? Maiintindihan kaya nila ako? O baka naman bigla nila akong husgahan dahil sa ipagtatapat ko sa kanilang dalawa?
"Lexi?/Ate?" sabay na tawag sa akin nung dalawa. Halatang naghihintay sa sasabihin ko.
I sighed bago magsalita.
"Ang lalim non. Feeling ko malulunod ako." sabi ni Mayie kaya sinamaan ko sya ng tingin. Eto na nga o, maglalakas-loob na ako'ng magsabi sa kanila tapos biglang hindi magseseryoso?
Agad namang nagpeace sign sa akin yung bruha. Psh, wag ko na lang kayang sabihin?
"Go na Ate. Wag mo na lang pansinin yang bestfriend mong may sapak minsan." seryosong sabi ni Yna kaya tumango ako sa kanya.
Okay Alexis, this is it! Kaya mo yan. Hindi mo pwedeng itago sa dalawang yan yung nararamdaman mo dahil malalaman at malalaman nila yung totoo.
"Si Angela--" panimula ko.
"Ayun na nga din yung pinagtataka ko. Bakit hindi man lang natin nalaman na si Angela pala na kaibigan mo eh yung Angela pala na pakakasalan ni Gino. Kung hindi ko pa nakita sa newspaper at hindi mo pa sya nakilala nung engagement party, hindi pa natin malalaman." sinamaan ko naman ulit ng tingin si Mayie dahil hindi nya muna ako pinatapos.
Inis naman itong binatukan ni Yna.
"Hayaan mo muna si Ate okay?" sabi pa ng kapatid ko dito.
"Okay fine. Sorna." nakasimangot na sabi naman nito.
"Pwede na ulit?" tanong ko kay Mayie.
"Go Best!" nakangiting sabi naman nito. Psh, kung hindi sya sumingit kanina eh di sana tapos na yung pag-amin ko. Duh!
"Uulitin ko. Inlove ako---"
"Ate naman, alam na namin yan, kaya ka nga nasasaktan diba? Kasi hanggang ngayon mahal mo pa rin si Gi---" ayaw nyo akong patapusin ha, ge, etong sa inyo.
"Kay Angela." seryosong sabi ko sa kanila kaya bigla silang natahimik at sabay nanlaki yung mga mata.
"W-wait. Mali ata ako ng narinig. Ano ulit sabi mo Alexis Keyla?" naguguluhang tanong ni Mayie. Halatang hindi makapaniwala sa pinagtapat ko.
"Inlove ako kay Angela. Mahal ko sya at feeling ko, mas doble yung nararamdaman ko para sa kanya kesa kay Gino." pag-amin ko pa sa kanila.
Luh, kung wala siguro kami sa ganitong sitwasyon, tatawanan ko sila ng bongga dahil sa mga itsura nila ngayon. Talagang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko eh.
"Ate, feeling ko mali talaga kami ng narinig eh. Ikaw, inlove sa babae? And worse, sa fiancée ng ex mo na halos araw-araw mong iniiyakan noon? Seryoso ka ba dyan?" tanong pa ni Yna.
"Naalala mo nung time na sinabi ko sa'yo na ginugulo ako ni Angela?" tanong ko sa kanya.
Tumango naman sya pero nakatulala pa rin sa akin.
"Yun yung time na sobrang naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung ano yung kakaibang nararamdaman ko para sa kanya. Tapos tinanong pa nga kita non diba? Yung sabi ko, problema ng 'friend' ko." qinuote-unquote ko pa talaga yung word na friend sa kanya.
At ayun, nanlaki na naman yung mga mata nya. Malamang naalala nya yung sinabi nya sa akin non.
"OMG Ate! OMG! So noon pa lang, inlove ka na sa kanya?!" ayan medyo lumakas yung boses nya. Si Mayie naman, nakatingin lang sa aming magkapatid at halatang hindi alam kung ano yung pinag-uusapan namin. Di ko naman kasi naitanong sa kanya yung tinanong kong yon kay Yna eh.
"Nung time na yon, confused pa ako. In denial pa. Pero kagabi, nung nakita ko na hinalikan sya ni Gino, parang gustung-gusto kong hilahin sya palayo sa lalaking yon at sabihin sa kanya na ako na lang yung mahalin nya at wag si Gino." mahinang sabi ko pa sa kanila.
"Lex, baka naman confused ka pa rin hanggang ngayon. Baka naguguluhan ka lang kasi nasaktan ka ni Gino, ganon?" si Mayie.
"Sana nga ganon lang Mayie, pero hindi eh. Alam kong ang bilis lang pero mahal ko na sya eh." malungkot na sabi ko pa sa kanya. "At maiintindihan ko kung hindi nyo ako matatanggap." sabi ko pa habang napayuko.
Bigla ko naman naramdaman na may humawak sa mga kamay ko kaya napaangat ako ng tingin.
"Ate, kahit sino pa yang mahal mo at kahit ano ka pa, alam mong tanggap na tanggap kita. Kahit nga nung time na nagpapakagaga ka kay Gino diba, tinanggap kita? Mahal kita kaya susuportahan ko kung saan ka masaya." nakangiting sabi sa akin ni Yna.
Naiiyak na niyakap ko naman sya. At least kahit papa'no, tanggap ako ng kapatid ko diba?
"Hoy! Wag kayong magsolo dyan! Magmomoment din ako Best! Syempre naman tanggap kita kay merlat yung gusto mong ikemerut no! Ikaw pa ba? And hello, uso na yan ngayon no! Si Ate Nikki at Ate Faye, si Klarisse at si JT, si Maybelle at si Clarence, si Pining at si Charity. Duh! Kung sila nga, tanggap ko bilang kaibigan, ikaw pa kaya?" sabi naman ni Mayie sabay yakap din sa akin. Yayakapin ko na rin sana sya nang bigla syang kumalas agad. "Pero Best, sabihin mo lang kung pinagnanasahan mo ako ha. Pagbibigyan kita kahit one time lang." natatawang sabi nya kaya bigla ko syang binatukan.
"Asa ka naman Mayie? Di kita type no! Duh!" natatawang sabi ko naman sa kanya.
"Ouch ha!" kunwaring arte naman nya.
"Hello naman kasi Mayie, mukhang anghel na bumaba sa lupa yung bet ni Ate kaya wala ka na talagang pag-asa no!" naiiling na sabi naman ni Yna sa kanya kaya ayun, sumimangot na lang yung baliw kong bestfriend.
Habang ako, nakasmile lang habang nakatingin sa kanilang dalawa. At least diba, kahit papa'no may napaglabasan na ako ng nararamdaman ko para kay Angela at tanggap na tanggap ako ng dalawang 'to.
Si Angela kaya, matatanggap ako?
***
"So, anong plano mo?" kanina pa nila ako tinatanong ng ganyan. Mukhang inis na rin sila dahil hindi ko pa rin sila sinasagot. Eto nga o, hinila pa nila ako sa isang coffeeshop para naman daw maganda yung kwentuhan namin. Ano naman konek diba? Mas bet ko kaya dun sa kwarto ko. Mas nakakapagmukmok ako.
"Wala." walang ganang sagot ko naman.
"Bakit wala? Aba nung kay Gino, may steps steps ka pang nalalaman para mapabalik sa'yo yung ex mo. Dami mo pang arte non! Tapos ngayon na sabi mo na may nakilala kang tao na mas minahal mo sa siraulo mong ex, sabay wala kang plano? You're unbelievable Ate!" naiiling na sabi naman sa akin ni Yna.
Ay wow, kanina lang, hindi sya makapaniwala nung sinabi ko sa kanya yung tungkol sa feelings ko para kay Angela tapos ngayon parang pinagtutulukan nya na gumawa ako ng paraan para mapasaakin yung babaeng mahal ko. Tsk lang!
"Una sa lahat Yna Pauline, si Gino, mahal ako kaya gumawa ako ng paraan para mapabalik sya sa akin. At pangalawa, may karapatan naman akong mag-inarte noon sa kanya dahil naging kami naman. Eh si Angela? Waley! Ngangey! Ni hindi ko nga alam kung mutual ba yung feelings namin diba?" katwiran ko naman sa kanya. Bakit kasi kailangang ikumpara yung dalawa diba?
"Isa lang yung paraan para malaman natin yan Alexis Keyla." napatingin naman kami pareho ni Yna kay Mayie nung sabihin nya yon.
"Kung sasabihin mo na pagselosin ko sya, ayoko. Baka masaktan pa ako kapag hindi naman sya nagselos." sabay iling ko sa kanya.
"Luh. Di ko naman sinabi na yun yung gawin mo diba?" natatawang sabi naman nya.
"Eh ano ba?" tanong ko sa kanya.
"Eh di itanong mo sa kanya. Derechong sagot pa yung makukuha mo. Hindi ka magfefeeling at magpapaka-assumera diba?" sabi pa nya na parang proud na proud pa sa sinabi nya.
Inis na inirapan ko naman sya.
"Nah. Never ko gagawin yan, Mayie. Ayoko no! Harapang pambabasted if ever? No way! And hello, bakit ako yung gagawa ng first move diba? Sa ganda kong 'to, ako yung gusto mong manligaw? No way, ho say!" sabi ko pa sa kanya.
"Ay wow. Hello. Babae din po yung gusto mo. And FYI, mas maganda sya sa'yo. Duh!" sabi pa ni Mayie kaya inis na pinitik ko sya sa ilong.
"Obvious na nga, pinangangalandakan mo pa. Salamat ha, isa ka talagang tunay na kaibigan." inis na sabi ko pa sa kanya.
"But seriously Lex, bakit hindi mo subukan na sabihin sa kanya yung lahat-lahat, malay natin, mutual yung feelings nyo." nakangiting sabi nya habang hinihimas yung ilong nya na pinitik ko.
"May point sya Ate. Kesa naman nagmumukmok ka dyan diba? Bakit hindi ka rin gumawa ng 'how to snatch your ex's fiancée' list diba? Malay mo naman kayong dalawa ni Angela yung may happily ever after. Na kaya pala hindi kayo nagkatuluyan ni Gino eh dahil sya lang pala yung magiging daan para makilala mo talaga yung ka-forever mo." at itinaas baba pa nya yung kilay nya ha. Aysus, baliw talaga 'tong dalawang 'to kahit kelan.
"Yna, bakit ko naman sya aagawin kay Gino? Hello, dun sya masaya at nagmamahalan silang dalawa. At sabi nga nila, kung mahal mo talaga ang isang tao, hahayaan mo syang maging masaya sa piling ng taong mahal nya." seryosong sabi ko sa kanya.
"Eww. Inlove ka nga Lexi. Karimarimarim yang sinasabi mo eh." parang nasusukang sabi pa ni Mayie.
"Totoo naman diba? May mga tao talagang dadating sa buhay natin na mamahalin natin ng lubusan ngunit hindi naman nakatadhana na ating makapiling." isa na namang corny line na hindi ko alam kung saan ko nakuha. Leche, this is so not me! Eww Alexis, tama si Mayie, nakakasuka nga. Ugh!
"Ayoko na yatang mainlove Yna." naiiling na sabi ulit ng may topak kong bestfriend.
"Sa nakikita ko ngayon at naririnig ko Mayie, malamang ako din. Magpapakatanda na lang akong dalaga kesa naman maging katulad ako ni Ate. Yuck!" maarteng sabi naman ni Yna.
Tinawanan ko lang naman silang dalawa dahil nakikiayon din ako sa pandidiri nila. Hindi ko rin lubos maisip kung bakit ko nasabi yung mga bagay na yon. Juskoday!
"Iiwasan ko na lang sya." pagkuwan ay sabi ko sa kanilang dalawa kaya napataas naman yung kilay nila.
"And why would you do that?" mataray na tanong sa akin ng bestfriend ko.
"Because she's happy with Gino, duh! At ayoko namang sirain yung lovestory nila no! And hello, ikakasal na sila o. Sobrang huli na ako." sagot ko naman sa kanya.
"Pero Ate---"
"Wala nang pero-pero. Final na yung decision ko. Iiwasan ko sya. Magreresign na ako sa company nila ate Nikki para hindi ko na rin sya makita." determinadong sabi ko sa kanila.
"Sure ka?" tanong sa akin ni Mayie.
"Sure na sure. Sa ngayon, ayoko muna talaga syang makita or makausap. Masyado pang magulo yung isip at puso ko. Baka may masabi ako na pagsisihan ko sa huli." sabi ko pa sa kanya.
"Uh Lex--" mahinang tawag sa akin ni Mayie kaya napalingon ako sa kanya.
Napakunot naman yung noo ko dahil para syang kinakabahan habang nakatingin sa may pintuan ng coffeeshop.
"O?" tanong ko sa kanya.
"Mukhang hindi ka malakas sa destiny?" naiiling na sabi nya kaya agad kong nilingon yung tinitingnan nya.
Bigla naman akong nanigas sa kinauupuan ko nang makilala yung dalawang tao na papasok ngayon sa coffeeshop na 'to. Seriously, sa dinami-dami ng kapehan sa mundo, dito pa nila talaga naisip magkape? Kapag sinuswerte ka nga naman, oo!
Kung sino pa yung ayaw mong makasalamuha, sila pa yung inilalapit sa'yo ng tadhana.
O tadhana, bakit kay lupit mo? Bakit? Sabihin mo sa akin.
Agad naman akong tumayo at akmang lalabas pero bigla akong napatigil nung may tumawag sa pangalan ko. At kilalang-kilala ko yung boses na 'yon.
At kahit ayokong lumingon, ayoko namang maging bastos kaya napilitan akong ngumiti sa kanilang dalawa.
Nakita ko naman na parang gusto akong hilahin palabas nung dalawang kasama ko pero pinakalma ko sila. Sinenyasan ko sila na okay lang ako. Agad naman silang nakaunawa at tumango sa akin.
"Hi?" bati ko naman sa taong tumawag sa akin.
Parang nagtataka naman na nagpalipat-lipat yung tingin sa amin nung isa. Malamang hindi nya alam kung bakit kami magkakilala ng fiancé nya.
"Hi Lexi. Btw, this is Angela, my fiancée." pakilala nya sa kasama nya kaya napilitan akong tingnan ito ng derecho sa mga mata.
"Hi Angela. I'm Alexis, Gino's ex-girlfriend." pakilala ko sa sarili ko.
Para namang natigilan si Gino pero nginitan ko lang sya.
Saka lang naman parang naunawaan ni Angela lahat-lahat. May kung ano akong nabasa sa mga mata nya pero hindi ko na lang pinansin. Tulad ng sinabi ko, ayoko muna syang makausap ngayon.
"Sige, we have to go. Kanina pa kasi kami pinapauwi ni Daddy." paalam ko sa kanilang dalawa sabay nagmamadaling hinila yung dalawang kasama ko.
Hindi ko pa talaga kaya. Hindi ko pa talaga kayang makita kang masaya kasama ng ex boyfriend ko Angela. Pero kung sya talaga yung mahal mo, hahayaan ko kayong dalawa at hindi ako manggugulo, pangako.