Chapter 12

2053 Words
ALEXIS "Ang tanong, sasama ba yang Ate mo?" boses ni Mayie. Mukhang nandito na naman sila ni Yna sa kwarto ko. Akala siguro nila tulog pa rin ako at hindi ko naririnig yung pinag-uusapan nila. Naisip kong wag munang magmulat at magkunwaring tulog pa rin para marinig ko kung tungkol saan yung usapan nila. Tapos mamaya, gugulatin ko na lang sila bigla. Kung bakit naman kasi ang dami namang lugar dito sa bahay namin, pero dito pa talaga sa kwarto ko nila naisip magchikahan diba? "Dunno. Feeling ko hindi sya sasama. Alam mo naman kung gaano kamahal nyan si Gino diba?" tingnan mo 'tong si Yna. Noon, Kuya Gino yung tawag nya don. Aba'y naghiwalay lang kami, nawala agad yung 'Kuya'. "Ayaw ba nyang makita kung sino yung ipinalit sa kanya ni Gino?" narinig ko pang tanong ni Mayie kaya napasimangot ako sa isip ko. Ano ba yan. Bakit ba lahat sila, parang gustong makilala ko kung sino man yung papakasalan ni Gino? Ang big deal naman masyado sa kanila. Diba nga sabi ko nga ayoko na. Hahayaan ko na lang syang maging masaya sa taong mahal nya. "I don't think so. Knowing Ate, hindi nyan gugustuhin na makilala yung taong ipinalit sa kanya ni Gino. Baka kasi pag nakita sila, kung anong gawin ni Ate dun sa babae, kawawa naman." sabi naman ni Yna kaya muntik ko na syang batuhin ng unan. Anong palagay nya sa akin, war freak? Katipunera? Nah. I won't stoop sa ganong level no! Kung sya yung pinili ni Gino at sya yung mahal ng mahal ko, magpapaubaya ako. Wag na wag nya lang sasaktan si Gino dahil ako yung makakalaban nya. "She'll never do that. Alam mo namang hindi mahilig pumatol sa mga ganon yung Ate mo diba?" narinig kong sabi naman ni Mayie. See? Kilalang-kilala talaga ako ng bestfriend ko. "Sabagay. Pero bakit ba kasi---" bigla silang natahimik dahil bigla akong gumalaw at tumalikod sa kanila. "Bakit ba kasi gusto nyong isama si Ate?" mahinang tanong ni Yna. At bumulong pa ang bruha ha. As if naman hindi ko maririnig diba? "Para makamove on na talaga sya talaga at ma-let go na nya si Gino. Kapag kasi nakita nya na masaya na talaga yung ex nya, malamang matatauhan na yung Ate mo at kalimutan na yung mga steps steps kemerut nya no!" sus! Kay Ate Nikki ko pa lang kasi sinasabi na wala na talaga sa akin kahit ikasal man si Gino sa iba. Sabi ko nga diba, kung saan sya masaya, dun na lang ako. Kaya ko lang naman pinipilit na bumalik sya sa akin noon eh dahil hindi ko alam na may iba na palang nagmamay-ari ng puso nya diba? "Ang tanong, masaya ba talaga si Gino?" malamang Yna, magpapakasal nga sya diba? "Mukha naman. At isa pa, maganda at mayaman yung Angela ha." noon ako biglang napamulat. Ano daw ulit? Ano yung pangalan ng papakasalan ni Gino? "Nakita mo na?" tanong pa ni Yna. Hindi pa nila alam na nakamulat na ako at nakakunot yung noo. Sa dinami-dami kasi ng pangalan, Angela talaga? Agad naman akong umupo sa kama habang nakatingin sa kanilang dalawa. "Yes. Sa newspaper--- actually, kahawig nga sya ni Angela na--Oh My God!" nakita kong biglang nanlaki yung mata nya nung may marealize sya pero hindi na nya natuloy dahil napatingin sya sa pwesto ko. "Oh, gising ka na pala Lexi." parang kabadong bati sa akin ni Mayie nung mapansin nya na gising na ako at nakatingin sa kanya. "Uh, good morning Ate?" bati naman sa akin ni Yna. "Ano ulit yung pangalan nung fiancée ni Gino?" yun agad yung unang tanong na lumabas sa bibig ko. Kailangan kong makasigurado sa pangalan na narinig ko. Baka kasi nagkamali lang ako ng dinig sa sinabi ni Mayie kanina. "N-narinig mo yung---" "Ano yung sinabi mong pangalan Mayie?!" mas lumakas yung boses ko dahil ang bilis talaga bigla ng t***k ng puso ko. Para namang nagdadalawang isip syang sabihin yung pangalan kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Angela." sagot naman nito. Ayan, sasabihin din naman pala eh. Gusto pang sasamaan ng tingin. Pero ano daw? Angela talaga yung sinabi nya eh! "Last name." sana hindi sya, sana hindi yung Angela na kilala ko. Sana hindi yung Angela na ilang araw nang gumugulo sa isip at puso ko. "Hmm, nakalimutan ko eh. Pero parang ano eh, uh, Lo--something. Nasa dulo na ng dila ko eh." parang nag-iisip na sabi pa ni Mayie. As if naman hindi ko alam na nakilala na nya yung 'Angela' na mapapangasawa ni Gino diba? Kaya nga nanlaki yung mata nya kanina eh. "Angela Lopez?" mahinang tanong ko dito. Parang nagdadalawang isip naman sya na sumagot pero wala din syang nagawa kaya tumango na lang sya. "Ayun, yun nga. Yun nga yung name." sabi nito sa akin. "Pero baka coincidence--" o tingnan mo 'to, pagtatakpan pa yung isa o. Umiling ako habang nakahawak sa may dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak ngayon. Pero hindi nila pwedeng makita kaya agad ko silang pinalabas sa kwarto. "Pwede nyo ba muna akong iwan?" pinilit kong maging normal yung boses ko. "Pero---" "Please?" pakiusap ko sa kanila kaya wala na silang nagawa kundi sumunod. Pagsaradong-pagsarado ng pinto, biglang bumuhos yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Si Angela? Sya yung ipinalit sa akin ni Gino? Pero akala ko Migs yung--oh f*ck! Gino Miguel Gonzales. Bakit ba hindi ko agad naisip yon? Bakit ba hindi ko agad napansin yung tanong sa akin ni Kuya Milo nung pinag-usapan nila ni Angela yung engagement party nito? Alam kaya ni Angela na ako yung ex-girlfriend ni Gino? Kaya ba nya ako pinilit maging kaibigan? Kaya ba pilit nya akong finiflirt? Kaya ba nya ginugulo yung utak at puso ko? Plano ba nya talaga 'to? Sh*t! Bakit ba ang tanga ko? Bakit ba hindi ko agad naisip yon? Niloko ba nila ako ni Gino? Ang dami-dami kong tanong pero hindi ko alam kung papa'no hihingian ng kasagutan. At isa pa, bakit nga ba ako naiiyak ngayon? Ano nga ba yung dahilan? Dahil ba ikakasal na si Gino or dahil nalaman ko na si Angela yung papakasalan nya? Agad kong inayos yung itsura ko bago ako lumabas at pinuntahan sila Yna at Mayie. Sabay silang napalingon sa akin nung bigla akong magsalita. "Sasama ako. Sasama ako mamaya sa engagement party ni Gino at nung mapapangasawa nya." seryosong sabi ko bago tumalikod ulit sa kanila. Tama, kailangan kong malaman kung sya talaga yung papakasalan ni Gino. At kailangan kong malaman kung ano ba talaga yung nararamdaman ko para kay Angela Marie Lopez. *** "Ate, sure ka ba talaga? Pwede naman kasing kami na lang yung pumunta don. Hindi mo naman kailangan umattend kasi---" "Gusto kong pumunta. Kailangan kong pumunta." seryosong sabi ko pa rin sa kapatid ko. Kakatapos lang naming mag-ayos at hinihintay na lang namin si Mayie at aalis na kami at pupunta na sa bahay nila Gino. Dun daw kasi gagawin yung engagement party. Hanggang ngayon, pinagdadasal ko pa rin na sana magkaibang tao yung Angela Lopez na sinasabi ni Mayie at si Angela Marie Lopez na 'kaibigan' ko. Sana nga kapangalan nya lang. Kahit ang pakiramdam ko talaga, iisang tao lang silang dalawa. Alangan naman kasing nagkataon lang na ikakasal din yung Angela na kilala ko diba? Pero sana, sana kahit 1% lang yung pag-asa na hindi sya, sana hindi talaga sya yung fiancée ni Gino. "Ate kasi---" "Yna, okay lang ako. Wag mo akong alalahanin." sabi ko pa sa kanya. Pagdating na pagdating ni Mayie, agad ko silang niyaya na umalis na kami. At kahit naguguluhan yung dalawa kung bakit parang excited ako na makarating sa venue, hindi na sila nagtanong. Siguro naisip lang nila na gusto ko lang talagang makita kung sino talaga yung ipinalit sa akin ni Gino. Ang hindi nila alam, iba yung dahilan kung bakit ako nagmamadali na makarating doon. May gusto akong makausap. May gusto akong malaman na kasagutan sa lahat ng tanong sa isip ko. Pagdating namin sa venue, medyo madami-dami na yung tao. Agad kaming sinalubong ni Kuya Milo nang makita nya kaming papasok sa gate. Pag-upong-pag-upo namin, seryoso ko silang tiningnan ni Ate Nikki. Parang nakaramdam naman si Ate Faye sa nangyayari kaya niyaya sila Mayie at Yna na mag-ikot-ikot muna sa mansion nila Gino. Tumango ako dito at nagpasalamat. Ngumiti naman ito sa akin bago sila tumalikod at lumayo sa amin. "Lexi." sabay na sabi sa akin nila Kuya Milo at Ate Nikki. "Si Angela ba?" tanong ko agad sa kanila. "Papa'no mo nalaman?" tanong ni Ate Nikki. "Si Angela ba?" tanong ko ulit na hindi pinansin yung tinanong nya. Kailangan kong malaman yung totoo. Nakita kong bumuntong-hininga muna si Kuya Milo bago sumagot. "Yes." narinig kong sagot nya kaya bigla akong napapikit. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng sakit dahil sa narinig ko. Ang alam ko kasi, okay na sa akin na ikasal si Gino sa iba eh. Pero bakit ngayon, parang biglang bumalik yung sakit? At parang mas masakit pa 'to kesa nung time na nakipaghiwalay sya sa akin? Bigla akong napahawak sa dibdib ko. Ano ba? Bakit ba ang sakit? "K-kelan nyo pa alam?" sana hindi nila napansin na parang naiiyak ako habang nagtatanong. "Three days ago. Nung iniabot sa akin ni Angela yung invitation para sa engagement party na 'to." sagot ni Ate Nikki. "Ako, siguro 4 days ago. Nung nakita kong sinundo ni Gino si Angela nung isang beses. Sasabihin ko na sana sa'yo kaso nakita ko na parang close na kayo ni Angela kaya biglang nagbago yung isip ko." sagot naman ni Kuya Milo. Tumango naman ako sa kanilang dalawa. "Alam ba ni Angela yung tungkol sa akin?" tanong ko pa sa kanila. Sh*t Alexis, wag kang iiyak. Wag na wag kang iiyak. Sabay naman silang umiling. "Hindi ka nya kilala yung ex ni Gino. At wala syang planong malaman kung sino yon." si Kuya Milo. "Wala syang pakelam kung sino yung nasaktan nya?" "No. Hindi ganon. Ang sabi nya lang, hindi naman nya problema yon if ever. At isa pa, hindi naman sya yung may gusto na magpakasal sila agad." pagtatanggol naman dito ni Ate Nikki. "What do you mean?" takang tanong ko. "Biglaan yung nangyaring proposal." sagot ulit ni Ate Nikki. "Napilitan lang sya?" tanong ko ulit. "Sort of." sagot ulit nito. Parang may bigla na naman akong naramdaman na hindi ko maexplain kung ano. Para kasing gumaan bigla yung pakiramdam ko dahil sa sinabing 'yon ni Ate Nikki. Ibig bang sabihin non, hindi naman talaga mahal ni Angela si Gino? C'mon Alexis, bakit parang bigla kang sumaya dyan? Yung totoo, ano ba talaga yung nararamdaman mo para kay Angela? "I see. Sige wait lang Ate Nikki, Kuya Milo, restroom lang ako." paalam ko sa kanila. At dahil alam ko naman yung pasikot-sikot dito sa mansion nila Gino, hindi ko na kailangang itanong kung saan yung restroom nila. Akmang papasok na sana ako sa may pinto nila nang may mapansin akong dalawang tao na sweet na sweet na nag-uusap sa loob. Nung makilala ko kung sino sila, ayun na naman yung kirot na naramdaman ko lalo na nung napansin ko na parang hahalikan ni Gino si Angela. Seriously? Sa harap ko talaga Angela? Sa harap ko talaga ikaw makikipaglandian sa ex ko? Duh naman Alexis, as if naman alam ni Angela na nanonood ka sa lampungan nilang dalawa diba? At dahil hindi ko na kinaya yung sakit na nararamdaman ko, napapikit ako at hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung mga luha ko habang nakatayo lang sa may pintuan. Agad akong tumalikod at nagmamadaling lumabas nung marinig ko na lalabas na rin silang dalawa. At habang papalabas ako, agad kong kinapa ulit yung dibdib ko. O f*ck! Hindi dahil kay Gino kung bakit ako nagkakaganito. D*mn, hindi sya yung dahilan kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Si Angela. Si Angela na kakakilala ko lang. Si Angela na papakasalan pala ng ex ko na akala ko mahal ko pa. Si Angela na tumulong at nagpasaya sa akin nung mga oras na nagluluksa ako dahil kay Gino. Oo si Angela nga. Si Angela yung dahilan kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Si Angela na hindi ko alam kung bakit laging ginugulo yung isip at puso ko. Tangina Angela Marie Lopez, mahal na ata kita? Sh*t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD