Chapter 11

1948 Words
ANGELA "Ready ka na couz? May sampung oras ka pa para umurong ha! May alam akong isla kung saan ka pwedeng manirahan at hindi mahanap ng magulang mo." seryosong sabi sa akin ni Maybelle paglabas na paglabas ko ng kwarto. "Sira. Ready na ako. At wala akong planong umurong." natatawang sagot ko naman sa kanya pero ayun, silang dalawa ni Klarisse, seryoso lang na nakatingin sa akin. Bakit ba kilalang-kilala ako ng dalawang 'to? Oo, hindi ako ready. At oo, kung ako lang yung magdedecide, gusto ko talagang tumakas pero hindi pwede eh. Nandun din mamaya yung parents ko kaya wala akong magagawa kundi magpanggap na masaya. Ayoko kasing madisappoint na naman sila sa'kin. "Jelai/Anj." sabay na sabi nila. "Seriously girls, happy talaga ako---" "Ilong mo humahaba." putol ni Klarisse sa sasasabihin ko. "Hayaan na lang natin Klang. Sabi natin susuportahan natin sya kahit anong maging desisyon nya diba?" sabi naman ni Maybelle. Napa-sigh na lang si Klarisse habang malungkot na nakatingin sa akin. "Pero kasi parrot, feeling ko hindi magiging masaya si Anj sa gagawin nya. Alam kong hindi bukal sa loob nya yung gagawin nya. At higit sa lahat, nararamdaman ko na hindi si Migs yung mahal nya." seryosong sabi pa ni Klarisse kaya natigilan ako. Mahal ko naman si Migs eh. Kababata ko naman kasi sya. Noon pa lang, kilala ko na sya. Kaya nga nung sinabi nila Papa na kailangan ko syang pakasalan, hindi na ako nagdalawang isip na sumunod sa gusto nila. "I love him." sabi ko sa kanila. "But you're not inlove with him." sabi naman ni Klarisse. "Magkaiba yon Anj. Magkaibang-magkaiba." dagdag pa nya. Bakit ba parang mas alam pa nya kesa sakin yung nararamdaman ko? "Klarisse---" "Ayoko lang kasi Anj na pagsisihan mo bandang huli yang magiging desisyon mo. Hindi ko nakikita yung kinang sa mga mata mo at saya sa aura mo kapag nagkkwento ka about kay Migs. Mas nakikita ko yon kapag---" Ako naman yung biglang pumutol sa pagsasalita nya. Parang alam ko na kasi kung saan dederecho yung sasabihin nya at ayokong marinig yon. No, hindi ako pwedeng mainlove sa taong yon. Si Migs, si Migs yung mahal ko. "Stop Klang! Wag mo na lang ipilit yan dahil hindi ko hahayaan na mangyari yan. Hindi ko kayang idisappoint ulit yung parents ko. At gusto kong maramdaman na proud sila sa akin. At kung etong pagpapakasal ko kay Miguel yung magiging daan para mahalin ulit nila ako, gagawin ko 'to ng buong puso." pilit kong pinipigil yung pagtulo ng luha ko. "Fine. Wala naman kaming magagawa dyan eh. So gora na, iready mo na yung sarili mo para mamaya." sabi naman ni Maybelle habang yakap-yakap ako. "Klang?" sabay naming tawag kay Klarisse na tahimik at seryoso lang na nakatingin sa amin. "Ano pa nga ba? Kung dyan ka masaya diba?" sang-ayon na lang nya. "Subukan nyong yakapin ulit ako, sasapakin ko kayong dalawa!" banta pa nya nung mapansin nya na papalapit kami ni Maybelle sa kanya. Napasimangot na lang na tumalikod kami sa kanya. Kahit kelan talaga, walang sweetness sa katawan yung babaeng 'to. Hmp! "Btw, sila Cucumber na yung bahalang mag-ayos sa'yo mamaya ha!" sabi pa ni Klarisse habang kumakain kami. "At bakit?" tanong ko naman. "Para di ka na magbayad pa sa iba." "Anong catch?" kilala ko 'tong isang 'to eh. "Sa'kin mo na lang ibigay yung ibabayad mo dahil ako yung manager nyan nila cucumber." proud na sabi pa nya. Sabi ko na nga ba eh! "Tse! Akala ko pa mandin ayaw mo lang talaga akong gumastos. Yun pala, peperahan mo lang ako." sabay irap ko sa kanya. "Chos lang naman! Pero sila na lang talaga yung mag-aayos sa'yo kasi nagvolunteer sila. Excited na nga silang pumunta dito eh." sabi pa ni Klarisse. "Btw couz, first girlfriend ka rin ba ni Migs? Kasi sya diba, first boyfriend mo?" tanong ni Maybelle kaya napatigil ako sa pagsubo. "Hindi nya naging boyfriend si Migs. Fiancé na agad parrot." singit naman ni Klarisse. Well, tama naman sya. "Ang alam ko nagkaroon sya ng girlfriend bago nya ako niyayang magpakasal." sagot ko sa tanong ni Maybelle. Nabanggit kasi sa akin yon ni Miguel pero hindi naman nya nasabi kung sino. At isa pa, hindi rin naman ako interesado. Tumango-tango naman yung dalawa kong pinsan. "So sure ka na hindi na nya mahal yon?" ayan na naman po si Klarisse. "I dunno. And kung mahal pa nya, wala naman syang magagawa dahil ikakasal na sya sa akin." bale-walang sagot ko naman. At isa pa, hindi ko naman ideya yang kasal-kasal na yan. Sa kanila yang idea yon. So kung mahal pa ni Migs yung ex nya, diba dapat tumanggi sya sa gusto ng parents nya and ng parents ko? "Grabe, nakasakit ka ng damdamin ng isang tao." pangongonsensya pa sa akin ni Klarisse. Etong babaeng 'to, gagawin talaga lahat para hindi matuloy yung pagpapakasal ko sa fiancé ko. Pakelamera talaga! "Labas ako don no. Kung ano man yung napag-usapan nila ni Miguel, wala na akong pakelam don. At wala akong plano na makilala sya. Pero sabi nga ni Migs, halos ilang taon din sila nung babaeng 'yon. Pero sorry na lang sya dahil ako yung papakasalan." nakangiting sabi ko pa. Kahit papa'no, nakakaawa naman talaga yung ex ng fiancé ko pero wala na syang magagawa kundi magmove on. Sana lang hindi sila pareho ni Alexis na gagawin lahat para mapabalik yung ex nya sa kanya. Ayan na naman, Alexis na naman. Kaya ka naiissue eh. Wala kang ibang nasa isip ngayon kundi yung cute na cute at makulit na babaeng 'yon. "Si Alexis?" bigla naman akong napatingin kay Klarisse nung sinabi nyo yon. Bakit nya naman natanong 'yon? "Ha?" takang tanong ko sa kanya. "Si Alexis yung nasa isip mo ngayon-ngayon lang?" nakangiting tanong pa nya. "Ha?" shocks, papa'no nya nalaman? "No need to answer. Alam ko na naman kasi agad yung sagot. Kitang-kita naman sa ngiti mo at kislap ng mga mata mo eh." sabi pa nya sabay apir kay Maybelle. "Iniissue nyo na naman ako. Kumain na nga lang kayo." naiiling na sabi ko na lang sa kanila para matapos na yung usapan. Natatawang nagkibit-balikat naman yung dalawa. "If you say so." sabi pa ni Klarisse bago nagpatuloy sa pagkain. Hay nako Alexis. Bakit ba lagi ka na lang tumatambay sa isip ko? Minsan try mong umalis dyan para hindi ako naiissue ng mga leche kong pinsan, ugh! *** "Nglang, minhan nyo ma nananga nong hi Anghena?" narinig kong tanong ni Pining kaya napakunot na naman yung noo ko. Bakit ba hindi ko sya maintindihan? Kakatapos lang nila akong ayusan dito sa mansion nila Miguel. Andito kaming lahat sa guest room. At nakakaloka dahil hindi talaga nila pinalapit sa akin yung make up artists na ni-rent ni Migs ha. Sila na lang daw ang bahala sa'kin. "Parrot? Cucumber?" si Klarisse. "Tinatanong nya kung pinsan nyo ba daw talaga 'tong si Angela." sabi ni Charity kay Klarisse habang nakatingin sa akin. "At bakit mo naman naitanong yon Pining?" tanong ni Klarisse. "At ikaw cucumber, etong si Pining Garcia yung landiin mo. Wag kang tumingin ng malagkit dyan sa pinsan ko dahil baka dukutin ko yang mga mata mo!" mataray na sabi pa nya kay Charity kaya natawa kami. Kahit kelan talaga, ang war freak nitong si Klarisse. Tsk. "Parang tinitingnan lang eh." bulong naman ni Charity habang nakasimangot. "Bawal! Pagkatapos ni parrot, si Anj naman? Nah! Dyan ka sa Josephine mo!" sabay irap pa ni Klarisse. "O numingih nga ngayong nanawa nyan. Nguho ngong manaman ngung mangminhan ngayong nanlo halanga ngahe mahyanong mangana nong hi Anghena. Mungang nyoha o." natatawang sabi ni Pining kaya tumingin ako kay Maybelle. "Ano daw?" tanong ko dito. Pero imbes na sagutin yung tanong ko, nakapamewang syang humarap kay Pining. "At anong ibig mong sabihin don ha, Pining?!" inis na tanong ni Maybelle habang sila Tasing, Juling, at Charity, tatawa-tawa lang sa isang tabi. Bakit, ano bang sinabi ni Pining? "Parrot?" narinig naming sabi ni Klarisse kaya biglang namutla si Pining. Luh, bakit kaya? "Hindi sya makapaniwala na pinsan natin 'tong si Angela kasi mukha daw dyosa." sabi ni Maybelle kaya napangiti naman ako. Oh well, maliit na bagay. At may point si Pining don ha. "Ah ganon ha Pining Garcia! May problema ka sa itsura namin ni parrot ha!" mataray na sabi ni Klarisse sabay pitik sa tenga ni Pining. Jusko, parang bata! Nakakaloka. "Ha nenga nalanga Nglang? Mahangin yon ah!" nakangusong reklamo naman ni Pining. "Saan mo gusto, sa cornea?" aba naintindihan ni Klarisse yung sinabi ni Pining? Amazing! "Nanghahami nang ango ng nonoo eh. Nyik!" reklamo pa ni Pining. "Parrot, ano daw ulit?" tanong ulit ni Klarisse kay Maybelle. "Nagsasabi lang daw sya ng totoo. " sagot naman ni Maybelle kaya mas umusok yung ilong nung isa. Magsasalita pa sana at magwawala si Klarisse pero biglang may kumatok kaya napatigil sya sa gagawin nya. "Ms. Angela, labas na daw po kayo." narinig naming tawag nung isa sa mga kasambahay nila Miguel. Huminga naman muna ako ng malalim bago tumango sa mga pinsan ko. Kaya ko 'to! Kakayanin ko 'to! "Basta Anj if you need help, sabihan mo lang kami ha." bilin pa ni Klarisse bago ako tuluyang lumabas. Ang kulit talaga. Sabing hindi na magbabago yung isip ko eh. Sus. At bago ko pa tuluyang maisarado yung pinto, narinig ko pang tinarayan nya si Pining. Akala ko pa mandin napalampas na nya yon. Ang sungit talaga ni Gabriela Silang! "Ready?" napangiti naman ako nang malingunan si Miguel sa likod ko. "Always ready Migs." sagot ko naman sa kanya. "Ang ganda mo talaga Angela." nakangiting sabi pa nya habang pinagmamasdan ako. Bigla naman akong napahawak sa dibdib ko. Bakit parang wala talagang kilig? Wala yung feeling na naramdaman ko nung---nevermind. Seriously Angela, kasama mo yung fiancé mo ngayon pero ibang tao yung nasa isip mo? "Thanks." sagot ko na lang sa kanya. Bakit ba kasi parang may kulang talaga? "Mas lalo tuloy kitang nagugustuhan eh." sabi pa nya habang derechong nakatitig sa mga mata ko. Napapikit naman ako nang maramdaman ko na gusto nya akong halikan. Bahala na, dito rin naman yung tuloy nito diba? Hahayaan ko na lang sya na gawin yung gusto nya. Para kay Mama at kay Papa. Pero bigla akong napamulat at napalayo sa kanya nang biglang may imahe na pumasok sa isip ko. Sh*t! Bakit? Bakit kailangan syang pumasok sa isip ko? Leche naman o! Pwede ba Alexis, alis ka muna dyan? Ang kulit mo naman eh. "Hey, is there something wrong?" nag-aalalang tanong sa akin ni Miguel kaya pilit akong ngumiti sa kanya. "W-wala. K-kinakabahan lang ako." sagot ko sa kanya. "Don't be. Andito naman ako sa tabi mo diba?" nakangiting sabi nya kaya tumango ako sa kanya. "So, let's go? Gusto ko nang ipakilala sa kanila yung future Ms. Gonzales." nakangiting sabi pa nya sa akin sabay akay palabas. "Ladies and gentlemen, let's all welcome the future Mr. and Mrs. Gonzales. Gino Miguel Gonzales and Angela Marie Lopez." pagpapakilala sa amin nung host kaya nakangiti kaming umakyat ni Miguel sa stage. Pagtingin ko sa pwesto nila Mama at Papa, nakangiti silang pareho sa akin, actually, sa amin ni Miguel kaya napangiti ako. Tama talaga yung desisyon ko na 'to dahil sa wakas, nakita ko na ulit ngumiti ang mga magulang ko. Tama Angela, si Miguel, si Miguel ang magpapasaya sa'yo. Sya lang dapat yung iniisip mo ngayon. Pero ganon na lang yung pagkunot ng noo ko nung may mahagip yung paningin ko. Isang babae na parang umiiyak at nagmamadaling lumabas sa gate. Wait, sya ba yon o namalik-mata lang ako? Pero bakit sya umiiyak? "Alexis." mahinang bulong ko habang nakasunod lang ng tingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD