Chapter 10

2157 Words
ANGELA "Close kayo?" tanong sa akin ni Jackie habang bumibili kami ng food. Nagkasabay kami sa pila dito kaya yun, ayan na naman yung mga tanong nya. Kesyo bakit daw magkasama kami ni Alexis? Bakit daw kung magtawanan kami, parang matagal na kaming magkakilala, etc. Gusto ko sana syang sagutin na, oo, unang kita ko pa lang kay Alexis, iba na agad yung naramdaman ko. Parang ang sarap nyang maging kaibigan. Yung gusto kong lagi syang nakikita, nakakasama, ganon. Pero syempre, hindi ko yun sinabi kay Jackie dahil baka tulad lang sya nila Klarisse at Maybelle na magbibigay na naman ng kulay yung 'closeness' namin ni Alexis. "Hindi ba kami pwedeng maglunch ng sabay?" tanong ko sa kanya. "Hindi naman sa ganon, pero kasi, it's not so you, boss. Ang sinasabayan mo lang kasi, yung mga close friends mo na and sila Nikki. And sa pagkakaalam ko, kakakilala mo lang dyan kay Ms. Alexis." may pagdudududang sabi pa nya sa akin. Grabe, kaya ayoko ng kaibigan na keen observer eh, andaming napapansin. "We're friends." sagot ko naman sa kanya. "I know, halata naman. Pero kasi---" "What's your order Ms. Angela?" nakangiting tanong sa akin nung nasa may cashier kaya napasmile ako. Saved by the bell. "We'll talk later." bulong naman sa akin ni Jackie bago tuluyang umalis sa tabi ko. Hay salamat naman at tumigil sya sa ngayon. Nagugutom na ako at ayoko munang magkwento ng kung anu-ano sa kanya. Alam kong mahaba-habang usapan kasi yung mangyayari eh. Bigla naman akong napasmile nung naglalakad na ako pabalik sa pwesto namin ni Alexis. Mukhang nakikipagtalo kasi sya sa sarili nya dahil sumisimangot sya at kumukunot yung noo habang nakatingin lang sa kawalan. Ano kayang pinagtatalunan nila ng sarili nya? "So, sinong nanalo? Your heart or your mind?" nakangiting tanong ko sa kanya kaya takang tumingin naman sya sa akin. "Diba nagtatalo sila kung crush mo lang ako or mahal mo na ako?" sabay kindat ko pa sa kanya. Inis na tiningnan naman nya ako. Bakit kaya ang cute-cute nitong batang 'to? "Wag mo akong iflirt na parang hindi ka pa ikakasal at isa pa, babae ako, babae yung finiflirt mo! Duh!" sabi pa nya sabay kain agad nung maki na binili ko para sa kanya. Mas lalo akong napasmile dahil ngayon ko lang nalaman na ganito pala sya katakaw. Kamusta naman kasi na kakaabot ko pa lang sa kanya nung pagkain pero naka-apat or lima na ata syang piraso. "Uh, hindi mo naman favorite yang maki no?" nakakaloka 'tong isang 'to. Parang hindi tagapagmana ng isang malaking kompanya sa katakawan. "Mehydyow lang namwan." ayan namumualang pa si Ate. Ayaw kasi munang ubusin yung nasa bibig eh. "Kumain ka na nga lang muna dyan at mamaya ka na magsalita. Mamaya nyan mabulu---" At ayun nga, dahil sa katakawan, nabulunan nga ang bruha. Natatawang inabot ko na lang sa kanya yung iced tea sa tabi nya. Bakit ba kahit nakakaturn-off na yung pinaggagagawa ng babaeng 'to, bakit ang cute-cute pa rin nyang tingnan? "O bakit nakatitig ka ng ganyan sa'kin? May mali ba sa itsura ko?" tanong nya sa akin nung mahimasmasan na sya. "Wala namang mali sa itsura mo eh. Almost perfect nga. Ang ganda mo." nakangiting sagot ko naman sa kanya na mukhang hindi nya ineexpect kaya ayun, namula na naman si Ate. "Uh--ano. Yung ano--" pautal-utal na sabi nya kaya napangiti naman ako. Ilang beses na ba syang namumula dahil sa mga hirit ko sa kanya? "Naniwala ka naman agad? Joke lang 'yon no!" sabi ko pa sabay tawa. Actually, sinabi ko lang yon para hindi sya maawkwardan. Masyado atang nagulat dun sa sinabi ko kaya ayan, hindi makapagsalita ng maayos. Inis na himapas naman nya ako sa braso. See? Eh di naging okay din sya. "Nakakainis ka! Ang dami mo talagang alam kahit kelan!" sabi pa nya habang nakasimangot. Ang cute talaga, ugh! "Isa lang naman yung alam ko eh. Yun ay---" "Don't you dare say 'ang mahalin ako' dahil sasapakin talaga kita!" putol nya sa sasabihin ko kaya natawa na naman ako. Yun naman kasi dapat yung sasabihin ko talaga. Ewan ko ba, natutuwa kasi ako kapag napipikon ko sya. Hindi ako flirt no! At never ako'ng naging ganon. Dito lang talaga kay Alexis. Masyado kasi akong komportable sa kanya eh. "Masyado kang nagfeeling don. Ang sasabihin ko kasi, isa lang ang alam ko. Alam ko na mukha akong Dyosa." nasabi ko na lang. C'mon Jelai, masyado ka naman yatang nahawa sa mga pinsan mo dahil sa kahinginan mo na yon. "Hoo! Penge ngang jacket dyan. Bigla kasing lumamig dito eh. Brrrr" sabi nya sabay paikot ng mata. "Hindi ba? Hindi ba ako maganda sa paningin mo?" seryosong tanong ko sabay titig sa kanya. Bigla naman syang nag-iwas ng tingin kaya mas lalo ko syang pinagtripan. Hmmm, may ganitong epekto pala ako sa batang 'to ha. Mas inilapit ko sa kanya yung mukha ko at pilit ko syang pinapaharap sa akin. "Hindi ka talaga nagagandahan sa akin?" tanong ko pa sa kanya nung tumingin sya sa akin. At mukhang masyado syang nabighani sa kagandahan ko kaya napansin ko na namula na naman sya pero seryoso din na nakatingin sa akin. "Maganda ka. Magandang-maganda ka." mahinang sabi nya pero narinig ko naman kaya napangiti ako. "I know. And crush mo nga ako diba?" biro ko pa sa kanya. Alam ko kasing magkakaroon ng violent reaction 'tong isang 'to eh. Haha. "Y-yeah." sabi nya na tumango-tango pa. "I think, crush na nga kita." sabi pa nya kaya bigla akong may kung anong naramdaman. Fudge, kinikilig ba ako? Kinikilig na ako dahil sa batang 'to? Oh no! Hindi pwede. Hindi 'to pwede. Ikakasal na ako. "Uhm-- I t-think, uh---" Hoy Angela! Bakit ikaw naman yung nauutal-utal dyan? "Patola! Charot lang 'yon. Hahahaha! Kinilig ka no?!" natatawang sabi nya matapos pisilin yung ilong ko. Shet! Akala ko totoo na. Kinabahan ako don. No, hindi kaba yon eh. Sigurado akong kinilig ako don. Shet, hindi pwede. Hindi pwede 'to Angela. "Asa ka naman? Sus. Kumain ka na nga dyan at baka hanapin ka na ni Nikki maya-maya." naiiling kong sabi sabay subo sa kanya ng maki. "Sus, chinange yung topic. Tse!" maarteng sabi nya sabay balik ulit ng atensyon nya sa pagkain. Whew! Nakakaloka! At nakakaloka kung ano man yung naramdaman ko na 'yon. Hay! *** "Klang, papa'no mo nalaman na inlove ka sa ano, uhm---" hay, papa'no ko ba sisimulan 'to? Gusto ko sanang itanong 'to kay Klarisse kaya eto, nagppractice ako pero waley, kahit wala pa sila dito ni Maybelle, parang hindi ko pa rin masabi ng ayos. Eh bakit ko nga ba kasi gustong itanong 'yon? Bakit ba gusto kong malaman? For God's sake Angela, ikakasal ka na at bukas na yung engagement party mo. Hindi mo na kailangang guluhin yung isip mo. Dun ka na lang sa fiancé mo magfocus! Mas matutuwa pa sa'yo yung parents mo kapag ganon yung ginawa mo. "Bakit ba kasi gusto kong malaman kung ano yung sensyales na nagkakagusto ka na sa isang babae?!" frustrated na tanong ko pa rin sa sarili ko. As if naman may sagot ako diba? "Bakit? Nagkakagusto ka na ba?" at sumagot pa talaga yung sarili ko ha. "No! Gusto ko lang malaman. Masama ba?" tanong ko ulit. Para naman akong sira dito o. "Oo masama kasi dapat hindi ganyan yung pinag-iisip mo, dapat yung engagement mo bukas yung pinaghahandaan mo." sagot ko ulit. "O yun naman talaga yung iniisip ko diba? Hindi naman si Alexis diba? At hindi ko nga naiisip na itanong kay Klarisse kung ano yung pakiramdam na nainlove ka sa babae." ano ba yan? Baliw na talaga ako eh no? "Akala ko si parrot lang yung may ganyan na sakit. Ikaw din pala? Dalawa pala kayong baliw sa pamilya?" bigla namang nanlaki yung mga mata ko dahil sa nagsalita. Oh em, narinig nya ako? Paglingon ko sa likod ko, mas lalong nanlaki yung mata ko. Bakit ang dami nila? So lahat sila, narinig nila 'yon? Nakakahiya. Sobrang nakakahiya. Please lupa, kainin mo na ako, now na! "So?" nakangiting tanong pa ni Klarisse. "S-so a-ano?" kinakabahang tanong ko. Grabe naman kasi yung mga ngiti nila eh. Hindi ko maexplain kung bakit ganyan sila makasmile. "Ano ulit yung gusto mong itanong sa akin?" ayan na naman yung nakakalokong ngiti ni Klarisse. "Uh. W-wala. Wala naman." pilit ang ngiting sagot ko naman. "K-kanina pa kayo dyan?" what a stupid question Angela. Jusko! Malamang diba? "Hmmm, nasimulan namin yung pakikipag-usap mo sa sarili mo. Hindi lang kami sumasagot kasi gusto naming ikaw yung makaisip ng mga kasagutan dyan. Kaso mukhang in denial ka pa so sige, ako na lang sasagot. Okay lang ba?" at ayun, pumasok na silang lahat at pinalibutan ako. Luh, bakit feeling ko, ipagppray over nila ako? "Kapag gusto mo syang laging makasama at lagi mo syang hinanap-hanap, senyales yon. At kapag halos lahat ng ginagawa nya, kinakatuwaan mo, isa pang sign yon. Pero higit sa lahat, kapag tumitibok yung puso mo ng mabilis at mabagal at the same time, inlove ka na. Mapababae o mapalalaki, ganyan yung mararamdaman mo, walang pagkakaiba yon." nakangiting sabi pa sa akin ni Klarisse. Fudge! Parang--parang--oh no! No please? "Ano pang gusto mong itanong?" Tumingin naman muna ako sa kanilang lahat bago nagtanong. Nakangiti silang lahat na parang sinasabi na okay lang naman kung may mga bagay akong gustong malaman. "Anong naramdaman mo nung nalaman mo na inlove ka nga sa babae?" tanong ko. "Syempre nung una, hindi ako makapaniwala. Pilit kong isinisiksik sa isip ko na hindi pwede. Alam mo na, ang babae ay para sa lalaki daw diba? Pero kasi, hindi kasi matuturuan yung puso eh. Titibok at titibok sya sa taong gusto nyang mahalin. Hindi mo kayang pigilan yon. Kaya eto, tinanggap ko na lang na mahal na mahal ko yang si Justine." sabi pa nya sabay ngiti sa jowa nya. Eh di sila na yung sweet. Tumango-tango naman ako. "Maet Anghena, inam nga ma ngayon ha mamae? Hino? Nima ingangahan nga na? Ngay Anehih ma?" tanong ni Pining kaya napatingin ako kay Maybelle. Sya yung translator ng kaibigan nya eh. "Bakit Angela, inlove ka na ba ngayon? Diba ikakasal ka na? Kay Alexis ba?" wow, in fairness talaga dito kay Maybelle. "Amazing no?" natatawang sabi naman ni Klarisse at tumango naman ako sa kanya. "Sa mga tanong mo Pining, oo inlove ako pero hindi kay Alexis. Kung meron man akong mahal, yung fiancé ko yon. Si Migs." nakangiting sagot ko naman. Tama naman diba? Yun dapat yung sagot ko? Yun yung gugustuhing marinig ng parents ko. "Alam mo Jelai, mas okay kung nasasabi mo sa iba yung totoong nararamdaman mo. Mas nakakagaan yon sa pakiramdam. Tingnan mo ako, kahit anong pilit ko na hindi mahalin si Clarence, wala din, hindi ko din napigilan." sabi naman ni Maybelle. "Magiging masaya ka ba sa gagawin mo?" seryosong tanong sa akin ni Klarisse. Alam kong hindi ako magiging masaya pero ayokong suwayin yung parents ko. Gusto ko na maging proud naman sila sa akin. At gusto ko yung pakiramdam na pinagmamalaki nila ako. Kaya sana, sa gagawin kong 'to, mabawasan ko yung galit nila sa akin dahil sa nangyari noon na naging dahilan para hindi na makalakad si Papa. Kaya pilit ang ngiti na tumingin ako sa kanila. "Oo naman. Mahal ko si Migs at sya yung gusto kong pakasalan." nakangiting sabi ko sa kanila. Malungkot naman tumingin sa akin si Klarisse. "Hindi maitatago ng mga ngiting 'yan yung lungkot sa mga mata mo. Pero sige, matanda ka na, alam mo na kung ano talaga yung magpapasaya sa'yo. At kung 'yang pagpapakasal na yan yung magbibigay ng happiness sa'yo, nandito kaming lahat para sumuporta sa'yo. Pero kung magbabago yung isip mo, alam mong isang kindat mo lang sa amin, alam na namin kung ano yung gagawin." sabi pa nya kaya napangiti ako ng totoo. "Salamat. Maraming salamat." sincere na sabi ko sa kanila. Tumingin muna ako kay Maybelle at may isenyas sa kanya na mukhang nakuha naman nya dahil ngumiti sya sa akin, wow, di na sya masyadong slow. I'm so proud. Nakuha nya agad yung ibig kong sabihin eh. Sabay naming niyakap si Klarisse kaya wala na syang nagawa kahit magpumiglas pa sya. Alam kasi namin na ayaw ng isang 'to na niyayakap sya eh. Korni daw kasi. Ang arte no? Pero wala na syang magagawa dahil eto, sobrang higpit ng yakap namin sa kanya ni Maybelle. "Love you couz." bulong ko pa sa kanya kaya napangiti naman sya at hindi na nagpilit kumawala. "At kahit ganyan kayong dalawa, mahal na mahal ko pa rin kayo." narinig naman naming sabi ni Klarisse kaya mas lalong humigpit yung yakap namin sa kanya. Kahit papa'no, swerte pa rin naman ako sa mga pinsan ko. Hindi ko man maramdaman yung pagmamahal ng mga magulang ko, nandito naman sila Klarisse at Maybelle para iparamdam yung pagmamahal na kailangan ko. At nadagdagan pa dahil nandito rin lahat ng kaibigan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD