ALEXIS
"Engagement party na daw ni Gino and nung mapapangasawa nya bukas, pupunta ka ba?" napataas naman yung kilay ko sa tanong ni Ate Nikki. Seryoso ba talaga sya sa tanong na 'yon?
Hindi ba nya alam kung gaano ako nagluksa dahil don? Mabuti na lang talaga at nandyan si Angela para sa'kin dahil sa ngayon, sya lang yung nagpapasaya sa akin.
Ewan ko ba, alam kong kakakilala ko pa lang sa kanya pero sobrang gaan na ng loob ko sa babaeng 'yon. Nagulat nga din ako sa sarili ko nung bigla kong hinawakan yung kamay nya kagabi pero after ko gawin yon, parang nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko nung time na 'yon.
"So pupunta ka nga? Nakasmile ka eh." sabi pa ni Ate Nikki kaya napatingin ako sa kanya.
"At bakit naman ako pupunta don? Ni hindi nga ako invited diba?"
"Nah-ah. We are invited. So sa ayaw at gusto mo pupunta tayo." wow, at talagang gusto nila akong umattend non no? Gusto ata talaga nila na makita akong nasasaktan.
"No Ate Nikki. Masasaktan lang ako so hindi ako pupunta." seryosong sabi ko sa kanya.
"Ayaw mo bang malaman kung sino yung pinagpalit sa'yo ni Gino?" tanong pa ni Ate Nikki.
"At bakit ko naman kailangang malaman?" may magagawa pa ba ako kapag nalaman ko kung sino yung umagaw sa lalaking pinakamamahal ko? Wala naman diba?
"Hmmm, nothing. Baka lang kasi gusto mo." sabi pa nya.
"Nah. Not interested Ate."
"So suko ka na?"
"May pinaglalaban pa ba ako? Wala na rin naman diba? Mas pinili nya yung babaeng 'yon kesa sa akin. Bakit hindi pa ako susuko diba?" malungkot na sabi ko pa sa kanya. Step 1 pa lang yung nagagawa ko sa listahan ko pero eto, wala na agad pag-asa. Hay.
"Akala ko ba mahal mo?"
"Mahal ko nga diba? Kaya hahayaan ko syang maging masaya dun sa taong pinili nya. Ayoko naman kasing pilitin sya na mahalin ulit ako kasi bandang huli, ako rin yung masasaktan."
"Whoa?! Ikaw ba talaga yan Alexis Keyla? I'm impressed ha!" napangiti naman ako. Kung nandito kasi si Angela, sasabihin nya sa akin, 'that's my girl'. Kaya nga siguro mas nagiging madali sa akin na tanggapin yung nangyayari ngayon eh.
"Seriously, bakit kanina ka pa ngiti ng ngiti nang wala namang dahilan? Inlove ka pa rin kay Gino no? At may pinaplano kang hindi maganda." napataas naman yung kilay ko sa sinabi nya. Seriously? Iniisip nya talaga yon?
"Yes I still love him pero that doesn't mean na may gagawin ako para hindi matuloy yung kasal nya. Duh!" inis na sabi ko pa sa kanya.
"I don't believe you. I know you so well, dear cousin." nagdududang tumingin pa sya sa akin.
"Tulad ng sabi ko sa'yo----" natigil ako sa pagsasalita nang biglang may pumasok sa office ni Ate Nikki na hindi na naman kumatok. At base sa t***k ng puso ko ngayon, parang kilala ko na agad kung sino yon kahit hindi ko sya lingunin.
Bakit kailangang dumating sya habang pinag-uusapan namin ni Ate Nikki yung ex ko diba? Tsk.
"Hey girls. Sorry kung nakaistorbo ako sa pinag-uusapan nyo pero I really have to talk to you Niks." ang ganda talaga ng boses nya, ang sarap pakinggan.
Napangiti tuloy ako nang wala sa oras.
"Lexi. Huy Lexi! Nakatulala ka na naman dyan. Dun ka muna kay Melai at may kailangan kaming pag-usapan nitong si Angela." bigla naman akong napabalik sa kasalukuyan dahil sa sinabing 'yon ni Ate Nikki. Shet lang, nakakahiya. Baka kung ano yung isipin ni Angela dahil don.
At dahil sa kahihiyan, nakatungo akong lumabas sa opisina ng pinsan ko. Ni hindi ko man lang tinapunan ng tingin si Angela dahil hindi ko alam kung ano 'tong kakaibang nararamdaman ko kapag malapit sya sa akin.
Pero bago ko pa maisarado yung pinto, narinig ko pang nagsalita yung magandang Dyosa.
"Makakapunta ka ba bukas Niks?" tanong nya bago ko tuluyang maisara yung pinto. Bukas? Kasabay ng engagement ni Gino? Saan naman sila pupuntang dalawa?
Oh well. Baka naman may kliyente lang sila na kailangang i-meet.
Nakangiti akong lumapit kay Melai na wala din namang ginagawa sa ngayon. Nakikipagchat lang sya dun sa foreigner nyang jowa. And yes, naikwento na nya sa akin yung tungkol sa relasyon nilang dalawa. O eh di sya na yung may lovelife, duh!
"Hello Ms. Alexis." nakangiting bati nya sa akin pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya.
"Hey Melai. Pwede ba akong magtanong?" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Sige lang po. Tungkol saan po ba?" tanong pa nya.
Uh, hindi naman sa pagiging defensive or anything ha, pero kasi curious lang ako kaya ko itatanong 'to kay Melai so sana, wala namang magbibigay ng kulay dito.
"Kilala mo yung fiancé ni Angela?" kaswal na tanong ko.
"Ah si Sir Miguel? Opo. Pero mga tatlong beses pa lang sya pumupunta dito. Nito nga lang eh. Siguro 2 weeks or a week ago. Nagulat nga kami eh. Wala naman kasi kaming nababalitaan na boyfriend noon nyang si Ms. Angela, tapos biglang---"
"Melai, pumasok ka dito saglit." narinig naming sabi ni Ate Nikki sa intercom kaya napatigil si Melai sa pagkukwento sa akin.
Nagmamadali syang pumasok sa kwarto ni Ate Nikki kaya naiwan naman akong nag-iisip.
Ano yon? Biglaang kasalan? Love at first sight? Sabi kasi ni Melai wala naman daw silang nababalitaan na may bf si Angela tapos bigla ngang ikakasal na lang.
Hmmm, baka naman arranged marriage? Uso pa rin naman yon ngayon diba?
Pero bakit ba masyado akong interesado? Ano bang pakialam ko kung ikakasal na sya diba? At saka bakit ba parang mas ayaw kong matuloy yung kasal nya kesa dun sa kasal ni Gino?
At bakit ba interesado din akong makilala kung sino yung mapapangasawa nya? Jusko ka Alexis Keyla, ano yang nangyayari sa'yo?
***
"Lunch, Love?" napangiti naman ako nang makilala ko yung may-ari ng boses na yon. At bakit parang may kung ano akong naramdaman sa tiyan ko nung marinig ko ulit yung tawag nya sa akin?
"Mukhang nasasanay ka na talaga dyan sa tawag mong yan sa akin ah, Love?" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Bakit ayaw mo ba?"
Nagkibit-balikat ako.
"I didn't say na ayoko. Baka lang kasi maissue tayo dito. Eh diba ikakasal ka na?" sabi ko pa sa kanya.
"Bakit naman? Hello, halos lahat ng friends ko, Love yung tawag ko no!" depensa nya kaya mas lalo akong napangiti.
"Bakit kay Ate Nikki hindi naman ganyan yung tawag mo?" tanong ko sa kanya habang pinipigilan kong ngumiti.
Napansin ko na parang nag-iisip sya ng maganda sagot kaya tumitig ako sa kanya habang nakalumbaba.
"Uhm. Dahil boss sya? And ang awkward naman kung tatawagin ko syang Love diba?" naks, good answer. Nakalusot sya don.
"I see. Eh si Ate Faye?"
"Mapapangasawa ng boss?"
Tumango-tango naman ako na pilit pa ring kinokontrol yung ngiti ko.
"Si Kuya Milo?" tanong ko pa.
"Kapatid ng boss, puro related naman sa boss yang mga tinatanong mo. Bawal ang kamag-anak ng boss. Ayokong mapagalitan ni Nikki, haha. At isa pa, lalaki sya at kapangalan nya yung fiancé ko kaya parang awkward din diba?" sagot naman nya.
"Eh ako? Bakit mo ako tinatawag nyan? Pinsan ako ng boss diba?" hindi ko napigilan na ngumiti nang mapansin kong napakamot sya sa kilay nya. Cute.
"Touché." nakangiti na rin nyang sabi.
"Pero gusto ko naman na tinatawag mo ako na Love, so hindi na rin naman ako magrereklamo." nakangiti pa rin na sabi ko sa kanya.
"Ahah! I knew it! Crush mo talaga ako no?" tukso nya sa akin kaya feeling ko, umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Sh*t lang, bakit parang kinilig ako don? Oh fudge Alexis, babae ka at babae yan. At isa pa, ikakasal na yan at ikaw, inlove pa rin sa ex mo!
"Whoa whoa! Masyado ka naman yatang bilib sa sarili mo. Asa ka naman na magkakacrush ako sa'yo no! Duh!" natatawang sabi ko sa kanya para naman mapagtakpan yung kilig na nararamdaman ko. Leche kasi, bakit ganito yung nararamdaman ko.
"Talaga? Hello, sa ganda kong 'to, lahat nahuhumaling sa akin." sabi pa nya na mas lalong lumapad yung ngiti.
"Really?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.
"Really." sabi nya na inilapit pa yung mukha nya sa akin.
Sana lang talaga walang nakakakita sa aming dalawa ngayon dahil hindi ko alam kung ano yung iisipin nila. Kung ako nga, hindi ko alam kung ano ba 'tong ginagawa namin eh.
"Are you flirting with me, Angela Marie Lopez?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Do you want me to flirt with you, Alexis Keyla Fernandez?" balik tanong naman nya kaya natatawang inilayo ko yung mukha nya sa akin.
"Wow, parang hindi ka ikakasal kung makaganyan ka ah." sabi ko pa sa kanya.
"Well, pwede ko namang hindi ituloy yung kasal para sa'yo." seryosong sabi nya kaya natigilan ako. Shet, hindi ba sya nagbibiro? Gagawin nya talaga yon?
Pero bigla akong napasimangot nang bigla syang tumawa ng malakas.
"Kidding Love. You should've seen your face!" tumatawa pa rin na sabi nya kaya agad ko syang hinampas ng folder.
"Bwisit ka talaga!" naiiling na sabi ko sa kanya.
"Kinilig ka no?" tanong pa nya sabay taas baba pa ng kilay nya.
"Tigilan mo nga yan. Nasstress ako sa'yo. Jusme ka, dun sa ka fiancé mo lumandi ng ganyan." sabi ko pa sa kanya.
"Mas cute kasi kapag sa'yo ko ginagawa 'yon eh." sabay kindat pa nya sa akin.
"Ewan ko sa'yo. Lika na, kakain pa tayo diba?" pag-iiba ko ng topic. Dami kasing alam ng babaeng 'to eh. Kung alam nya lang kung ano yung ginagawa nya sa akin diba? Kanina pa hindi normal yung t***k ng puso ko dito o.
"Sige na nga. Kunwari hindi ko napansin na binabago mo yung usapan dahil hindi ka komportable sa mga titig at ngiti ko no?" ayan na naman yung ngiti nyang nanunukso. Leche lang.
"Seriously Angela? Talagang makikipagflirt ka lang sa akin?" naiiling na tanong ko sa kanya.
"Joke lang. Lika na nga. Ang pikon mo, parang binibiro lang kita dyan eh." natatawang sabi nya sabay hatak sa akin. At ang bruha, hinawakan talaga yung kamay ko ha. Gumaganti ata dun sa ginawa ko kagabi.
Pero okay lang. Gusto ko rin naman eh. At leche, hanggang ngayon, kinikilig pa rin talaga ako.
"So what do you want to eat?" nakangiting tanong nya sa akin.
"Ikaw." kibit-balikat na sagot ko. Kahit ano naman kasi okay lang eh.
"Ako?" nakangiti na naman po sya ng nanunukso.
Ohmygosh! Naging iba ata yung interpretation nya dun sa sagot ko. Sabi ko nga eh, mali yung pagkakasagot ko na yon. Stupid me! Ayan tuloy, hindi na naman ako titigilan ng babaeng
'to.
"Ang ibig ko pong sabihin, ikaw na yung bahala. Kahit ano, okay lang ako." sabay iling ko sa kanya.
"Ah, akala ko kasi---"
"Just shut it!"
"Wala naman akong sinasabi ah."
"Maki." sabi ko na lang.
"Ha?" tanong nya.
"Maki. Yun yung gusto kong kainin."
"Then, maki it is." sabi pa nya sabay ngiti sa akin. "Alam mo bang gusto ko din yon? Sabi ko na nga ba eh, MTB tayo."
"MTB?"
"Meant to be, Love." sabi pa nya sa akin.
Napailing naman ako sa sinabi nya. Ang dami talagang alam.
"Ewan ko sa'yo, umorder ka na nga don. At ako, maghahanap ng mauupuan natin." sabay tulak ko sa kanya palayo.
"Okay Love." sabi pa nya sabay halik sa pisngi ko.
Magsasalita pa sana ako pero tumakbo na agad sya palayo sa akin.
Nakangiti ko namang hinawakan yung pisngi ko na hinalikan nya.
Hay nako Angela Marie Lopez, ano ba 'tong ginagawa mo sa akin? Bakit ba nililito mo yung puso ko?!