Chapter 8

2265 Words
ANGELA "O bakit ganyan ka makangiti dyan? Muntanga ka!" napalingon naman ako kay Klarisse nung sinabi nya yon. Ha? Ako, nakangiti? Di naman kaya. Nandito kami ngayon sa isang resto dito sa mall na malapit sa office. Hindi rin natuloy si Jackie dahil may kailangan pa daw syang tapusin na trabaho. Kaya eto, yung dalawang pinsan ko lang yung kasama ko. "Baka masyado kasing inlove kay Migs." sabi naman ni Maybelle. "Ha? Eh hindi naman si Migs yung iniisip ko. Natatawa kasi ako dun sa pinsan ni Nikki kanina." napangiti ulit ako nung maalala ko yung pagkanta at pagsayaw ni Alexis kanina. Nakakatawa talaga yung itsura nya nung nalaman nyang may nakapanood dun sa concert nya. Ang epic eh. "Hmmm, gwapo ba yan? Baka naman nagttwo-time ka ha!" pag-aakusa sa akin ni Klarisse. Wow ha, ang judgmental. "Gwapo ka dyan. Babae yon." natatawang sabi ko pa. "Omigosh! Don't tell me, nahawa ka na sa amin ni Klang ha!" narinig kong sabi ni Maybelle. Bigla naman syang binatukan ni Klarisse. O ayan, napala mo, mahadera ka kasi eh. "Makasabi ka naman ng nahawa. Aba, palagay mo sa atin, may sakit? Well, ako, wala. Ikaw meron. Sakit sa utak parrot! And hello, as if naman kayong dalawa na ni Rence, di pa rin naman diba?" "Masyado ka talagang sadista Klang! Pwede mo naman sabihin ng maayos diba? And FYI, ako yung may ayaw kaya hindi pa nagiging kaming dalawa no." inis na sabi naman ni Maybelle dun sa isa. "Whatever parrot!" sabi naman ni Klarisse. After non, bumaling sya sa akin. "At ikaw Anj, babae na rin yung gusto mo ngayon?" takang tanong nya sa akin. Malamang, hindi naman kapani-paniwala yon diba? Ikakasal na nga ako o! "Nah. Natutuwa lang ako dun sa batang 'yon. And hello, baka nakakalimutan nyo lang pong dalawa na ikakasal na po ako." sabi ko naman sa kanila. "Well, si JT din dati, ikakasal na dapat diba? Pero ayan, nahibang dyan sa pinsan nating sadista." sabi pa ni Maybelle. "Ibahin mo ako don. Magkaiba kami ni Justine. Natutuwa lang talaga ako kay Alexis." sabi ko pa. "Fine. Sabi mo eh." si Klarisse. "Wala naman kasi talaga. Ikakasal na nga ako diba? So wala. As in wala." "Oo na nga diba? Naniniwala na kami sa'yo." sabay paikot pa ng mata ni Klarisse. Hilig talaga nya sa ganon. "Pero if ever couz, tanggap ka namin. Tanggap na tanggap ka namin." sabi naman ni Maybelle kaya binato ko sya ng tinapay. "Ang kulit mo. Hindi nga. Hindi naman talaga. Wag mong ipush yan." Natatawang sabi ko sa kanya. Totoo naman eh. Natutuwa lang talaga ako sa ka-cutean ni Alexis. Yun lang. Hanggang doon lang. Yun lang ang dapat kong maramdaman dahil una, ikakasal na ako, pangalawa, babae sya, at pangatlo, sabi nga ni Nikki, mahal na mahal ni Alexis yung ex nya at nagwowork sya kay Nikki para lang bumalik sa kanya yung lalaking mahal nya. "Btw, kelan nga pala yung engagement party nyo?" tanong ni Klarisse. Napamasahe naman ako sa sentido ko nang maalala yung sinabi sa akin ni Migs. Sa isang araw na daw yung engagement party namin. Sabi nya nya, idinelay nya yung business trip nya para don. Gusto daw kasi nya na malaman na ng lahat yung tungkol sa pagpapakasal namin. Ewan ko ba sa lalaking yon, hindi ko alam kung bakit parang nagmamadali sya. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Kapag hindi naman ako pumayag, lagot ako kay Papa. So sabi ko nga, kung ano na lang yung desisyon nila, sige go lang! Sunud-sunuran lang naman ako sa kanila diba? "Sa isang araw. Punta kayo kasama yung mga jowaers nyo ah." "Bakit? Kailangan mo ba ng sisigaw ng itigil ang engagement? Or kailangan mo ba ng magtatakas sa'yo para hindi matuloy yon? At isa pa, di ko pa naman jowa si Rence kaya bakit ko sya isasama diba?" tanong ni Maybelle kaya sinimangutan ko lang sya. Kung anu-ano talagang pinag-iiisip ng babaeng 'to kahit kelan. "Oo di pa nya jowa pero nilalandi-landi sya." naunahan pa ako ni Klarisse na sabihin yon. Eto na lang tuloy yung nasabi ko. "Dami mong alam Maybelle. Bakit di ka na lang kumain dyan?" inis na sabi ko sa kanya. "Sus, kunwari pa kasing---" "Parrot, tama na. Tantanan mo na yang si Anj. Matanda na yan, alam na nya yung ginagawa nya. Alam na nya kung ano yung tama at mali. At isa pa, alam nya kung ano yung magpapasaya talaga sa kanya." seryosong sabi ni Klarisse kaya pareho kaming napatahimik ni Maybelle. Alam ko nga ba kung ano yung magpapasaya sa akin? At dito nga ba talaga ako magiging masaya? "Yna, Mayie, please? Samahan nyo na kasi akong uminom ngayon. Kailangan ko 'to. Sobrang kailangan ko 'to!" bigla naman akong napalingon dun sa nagsalita. Napangiti ako nung nakilala sya. Sabi ko na nga ba eh, sya talaga yon. Nakasunod lang yung tingin ko sa kanila nung mga kasama nya hanggang makalabas sila ng resto. Ano na naman kayang problema ng babaeng yon? Siguro dahil na naman sa ex nya. Kung makapagyaya naman syang mag-inom dun sa mga kasama nya, akala mo hindi maaga yung pasok nya bukas ah. Ibang klase talaga 'tong si Alexis. Cute-cute talaga. "Ehem!" napatingin naman ako kay Klarisse dahil sa pagtikhim nya. "Yes?" tanong ko naman sa kanya. "Kilala mo?" tanong pa nya. "Sino?" balik-tanong ko naman. "Maang-maangan?" tanong ulit nya. "Si Alexis. Yung pinsan ni Nikki." sabi ko sa kanila. Napansin ko naman na nagtinginan yung dalawa at sabay nagngitian. "Inom tayo." maya-maya ay yaya ni Maybelle. "Ha? May pasok ako bukas eh." tanggi ko naman. "Sus. Hindi naman maglalasing. Iinom lang. Nandun kasi sa bar nung friend namin sila Justine at yung iba pa naming friends kaya punta tayo don. Minsan lang naman kami magyaya sa'yo." sabi naman ni Klarisse kaya wala na akong nagawa kundi pumayag sa gusto nila. At ayun na naman yung tinginan at ngitian nila. Jusko, ano na naman kayang pinaplano ng dalawang 'to. Ugh! *** "Babe! I missed you!" natulala naman ako sa babaeng lumapit sa amin, actually, kay Klarisse lang. Hanggang ngayon talaga, super nasstarstruck ako dito kay Justine. Ang ganda nya talaga. Sobrang ganda. "Hoy Anj! girlfriend ko 'to! Bawal mong tingnan. Pinagnanasahan mo pa ata!" bigla naman akong natawa sa sinabi ng pinsan ko. Kahit kelan talaga, ang selosa ng babaeng 'to, pati ba naman ako diba? "Masanay ka na dyan Jelai. Kahit nga siguro tatlong bibeng babae yung tumingin dyan sa girlfriend nya, pagseselosan nya." bulong naman sa akin ni Maybelle habang nakatingin kay Klarisse. Natatawa pa rin na tumango-tango ako. "Hey Angela." sabay beso pa sa akin ni JT kaya sinamaan na naman ako ng tingin ni Gabriela Silang. Maya-maya ay niyaya na nya kami papunta sa table nila. Ipinakilala naman nila ako dun sa mga friends lang daw ni Maybelle na kasama namin sa table. Sabi kasi ni Klarisse, di nya friends yung mga yon. Topak talaga, haha. Maya-maya ay napabaling ako dun sa katabi naming table dahil nakangiting lumapit sa mga ito si Maybelle. "Oh my! Maybelle Lopez?!!" narinig naming sabi nung isa sa kanila. "Sheez! Idol na idol kita. Grabe, ang ganda nung pansit-acting mo!" Natawa naman kami nila Klarisse. Ang epic kasi, yun pa talaga yung naalala nung fanney nya. "Uh, thanks? Btw, pwede kaya namin kayo mainvite sa table namin tutal kilala naman nung pinsan naming si Angela yung isang kasama nyo." sabi pa ni Maybelle kaya inaninag ko yung itsura nung nasa kabilang table. Huh? Sino don yung kakilala ko? "Anghena, ingaw naman mana yung may nanginana eh." bulong sa akin nung katabi kong Pining yata yung name. Ano daw yung sabi nya? Minura nya ba ako? "Angela Marie Lopez?" tanong nung isa sa kanila at napasmile ako nung makilala ko yung boses nya. Kaya naman pala, kaya naman pala ako pinilit nitong dalawang bruhang 'to. At eto pala yung ibig sabihin nung tinginan at ngitian nilang dalawa kanina. Tsk. At bago pa nakasagot si Maybelle, agad ko na silang nilapitan. Nakangiting kumaway ako kay Alexis. "Hey." bati ko sa kanya. Para namang nagdadalawang isip sya na batiin ako pero nung huli, ngumiti din sya sa akin. "Hi." bati nya. "So okay lang ba if iinvite namin kayo dun sa table namin?" nakangiti ko pang tanong. "Omigosh Lexi, go na tayo don! Nakita ko din don sila Jordan at Justine Martinez!" sabi nung isa nilang kasama. Nakita ko naman si Alexis na tumingin dun sa katabi nya. "Okay lang sa akin Ate." sagot naman nito sabay ngiti sa amin ni Maybelle. "Sure." sabi ni Alexis kaya lalo akong napasmile. Nagpakilala naman agad sila sa mga kasama namin. Nakakatuwa nga kasi parang matagal na nilang kakilala sila Mayie at Yna kung makapagkwentuhan sila. Kanina pa sila daldal ng daldal o. Oh well, pwera dito sa katabi ko na may plano atang lunurin lang yung sarili nya sa alcohol. Aba'y oo, hindi, ewan lang yung isinasagot nya sa akin kanina pa ah. At ni hindi man lang tumitingin sa akin. Siguro nahihiya pa rin dun sa nangyari kanina sa amin. Or talagang may problema lang sya. "Hey." sabi ko sabay kulbit sa kanya. Tumingin naman sya sa akin. May nakita akong emosyon sa mga mata nya pero agad ding napalitan ng kung ano kaya binalewala ko na lang. "May problema ba?" tanong ko sa kanya. Malungkot na ngumiti sya sa akin. "Yung ex ko kasi ikakasal na. Tapos ikaw, ikakasal ka na rin." sagot naman nya kaya napakunot yung noo ko. Ha? Eh ano naman kung ikakasal na ako? "Ano yon?" tanong ko na lang. "Wala. Ang sabi ko ikakasal na yung ex ko. Yung dahilan kung bakit ko ginagawa 'to. Kung bakit ako nagpapapakahirap magtrabaho sa company nyo. Kung bakit ako nagpapakaresponsable. Akala ko kasi babalik pa sya sa akin eh. Pero hindi na pala. Ang sakit lang kasi sabi nya sa akin wala naman daw third party kaya sya nakipaghiwalay sa akin pero wala pa kaming 2 weeks na nagkakahiwalay pero ikakasal na agad sya? Ang gago lang diba?!" naiiyak na sabi nya sa akin. "Alexis, alam kong wala akong karapatan na sabihin sa'yo 'to pero bilang kaibigan mo, uhm, friends na naman tayo diba?" tumango naman sya. "So yun nga, bilang kaibigan mo, eto lang yung masasabi ko, hindi mo dapat binabago yung sarili mo para sa ibang tao. Kung may gusto kang baguhin, dapat para sa'yo lang. Para mapatunayan mo sa sarili mo na kaya mo naman palang gawin yung isang bagay. Hindi yung dahil gusto mo lang balikan ka ng ex mo. At dapat din, hindi mo sinasayang yung luha mo sa kanya. Hello, sa ganda mong yan, sya yung nawalan at hindi ikaw. Marami ka pang pwedeng makilala dyan na mas mamahalin ka kesa dun sa siraulo mong ex." nakangiting sabi ko sa kanya. Tumingin naman sya ng derecho sa mga mata ko na para bang may kung anong gusto sabihin pero agad din nya itong iniiwas. Ang weird lang kasi may kung ano akong naramdaman nung tiningnan nya ako. Weird. Ano kaya yon? "Thanks." maikli sabi na lang nya habang nakatungo at nakatingin dun sa beer na iniinom nya. "You're very much welcome." nakangiting sabi ko naman. "Nakh naman! Ang nganing ni Anghena ah! Mwene na nyang mumanin kay Ninyey Nahya!" narinig kong sabi na naman ni Pining. Hala, talaga atang minumura ako ng babaeng 'to ah. "Ang sabi nya, ang galing mo daw Jelai. At pwede mo na daw palitan si DJ Tasya." sabi ni Maybelle nung napansin na nakakunot yung noo ko habang nakatingin kay Pining. Tumango-tango naman ako. Ah, yun pala yon. "At hindi ka nya minumura Anj! Ganyan lang talaga yang si Pining Garcia!" sabay tawa ng malakas ni Klarisse kaya sinamaan sya ng tingin ni Pining. Grabe, ang kukulit ng mga 'to. Ang sayang kasama. "Maliit na bagay lang Pining. Ikaw, baka may gusto kang isangguni sa akin?" tanong ko dito. "Mahaya naman ango ha namnaym ngo. Hami naman ngami ni Nyanini. Hi Nyeyni yung nanungin mo ngahe manga hini na hya mahaya ngay Nglang!" natatawang sagot naman nya na as usual, hindi ko na naman maintindihan. "Sabi nya, masaya na naman daw sya kay Charity. Si JT daw yung tanungin mo dahil baka hindi na daw sya masaya kay Klang!" pagtatranslate na naman ni Maybelle. Agad namang binatukan ni Klarisse si Pining. "O ayan, napala mo!" sabi naman nung Tasing na tawa ng tawa dahil sa pagsimangot ni Pining. Napabaling naman yung tingin ko sa katabi ko nung naramdaman ko na hinawakan nya yung kamay ko. "Sorry, kailangan ko lang talaga ng lakas ngayon. Okay lang ba kung sa'yo muna ako kumuha?" malungkot na tanong nya. Ngumiti naman ako sa kanya at mas hinigpitan ko yung pagkakahawak sa kamay nya. Pinag-intertwine ko pa yung mga daliri namin. "Sige lang. I'm willing to be your strength, Love." nakangiting sabi ko naman sa kanya kaya napangiti na rin sya. "Thank you, Love." sagot naman nya sabay hilig sa balikat ko. Pagtingin ko naman kay Maybelle at Klarisse, ayun na naman yung mga ngiti nila na hindi ko talaga gusto. Tsk. Friendly gesture lang naman 'to. Ganun naman talaga yung tawag ko sa mga friends ko. Nabigyan na naman ng kulay ng dalawang 'to eh, grabe! Pero okay lang kahit ano yung isipin nila. Basta ang importante, kahit papa'no, natulungan ko si Alexis na mawala yung sakit na nararamdaman nya, kahit ngayong gabi lang. And yes, tulad ng sabi ko, willing ako na maging lakas nya ngayon. At willing ako na tulungan sya para makamove on sya dun sa walang kakwenta-kwenta nyang ex-boyfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD