Chapter 7

1959 Words
ALEXIS "At saan ka nanggaling na babae ka? Aba, late na ah." nakataas agad yung kilay na tanong sa akin ni Ate Nikki nung makapasok ako sa office nya. Guilty na ngumiti naman ako sa kanya. Sorry naman, napatagal kasi yung kwentuhan ni Kuya Milo kanina. Nakalimutan ko nga palang magpaalam dito sa boss ko na 'to. Hehe. "Gusto mong mawalan ka agad ng trabaho?" tanong pa nya sa akin kaya biglang nanlaki yung mata ko. Nasa first step pa nga lang ako tapos biglang matatapos agad? No! "Sorry na Ate Nikki. Napasarap lang kami ni Kuya Milo ng kwentuhan kanina eh. Hindi na mauulit, promise. At isa pa, ang aga-aga ko kaya dito kanina. Kahit tanong mo pa dun sa guards, and kay-- nevermind. Basta, maaga ako kanina, ikaw nga yung late." pagbabaliktad ko sa sitwasyon. Totoo naman diba? Kung hindi kasi ako nahuli ni Angela na kumakanta at sumasayaw dito kanina, hindi naman ako lalabas at makikita ni Kuya Milo eh. Bigla naman akong may narinig na tumawa kaya napalingon ako sa gilid ko. Ay, may tao pala don. Nakaupo pala don si Ate Faye. Sorry naman, hindi ko napansin eh. "Good Morning Ate Faye." bati ko sa kanya. "Good Morning din Lexi." bati din naman nya sa akin sabay smile. "Whatever Alexis Keyla. Sige na, puntahan mo na si Melai don at itanong mo sa kanya kung ano yung mga kailangan mong gawin ngayon. And mamayang hapon, sasama ka sa'kin dahil may imimeet kami na kliyente ni Angela." napakunot naman yung noo ko dahil sa sinabi nya. "At bakit kailangan kong sumama sa inyo?" tanong ko sa kanya. "Gusto kitang isama eh. At hindi din kasi pwedeng umalis dito sa opisina si Melai kaya ikaw yung isasama ko." sagot naman nya. "Eh bakit hindi na lang yung secretary nya?" pilit ko pa. Ayoko kasing sumama. Kapag ganitong may hindi ako maipaliwanag na nararamdaman kapag kasama ko si Angela, parang ayoko muna syang makita or makausap. "Hindi rin pwede si Jackie. Kaya nga ikaw yung isasama namin eh. At kung gusto mo pang magtrabaho ka dito, sasama ka sa amin, tapos." yun lang at hinarap na ulit ni Ate Nikki yung laptop nya. Tumingin naman ako kay Ate Faye na parang humihingi ng tulong pero umiling lang sya sa akin and she mouthed 'she's the boss' kaya ayun, wala na lang akong nagawa. Bahala na lang mamaya, kaya ko 'to! *** "Omygods! Thank you talaga Ynapots! Mabuti na lang at tinawagan mo si Ate Nikki para sabihin na hinahanap ako ni Daddy." sabay yakap ko pa sa kapatid ko pagpasok na pagpasok ko sa kotse nya after nya ako sunduin. And yes, nakaligtas ako dun sa meeting with Angela dahil sa cute na cute na kapatid ko na 'to. Mabuti na lang at nakapagsend ako sa kanya ng text message at sinunod naman nya yung hiling ko na gumawa ng paraan para hindi ako makasama kila Ate Nikki. Ewan ko ba, nagkakaroon kasi talaga ako ng weird feelings kapag nandyan si Angela sa harap ko. Parang there's something about her na--basta, hindi ko maexplain, promise. "Ate, hindi ko gawa-gawa lang yon. Pinapatawag ka talaga ni Daddy. Dun nga tayo dederecho ngayon eh." bigla naman akong napakalas sa kanya nung narinig ko yung sinabi nya? Luh, ano na naman kayang kailangan ni Daddy sa'kin? Nagsumbong kaya si Ate Nikki sa mga 'kalokohan' ko sa company nya? Jusko, wag naman sana. "Bakit naman daw?" tanong ko sa kanya. Jusme, bakit parang mas gusto ko na lang sumama kila Ate Nikki ngayon? Para kasing mas masstress ako sa kung ano yung sasabihin ni Daddy eh. Sheez! "Dunno. Pero malay mo naman, gusto lang nyang kamustahin yung pinaggagagawa mo sa company ni Ate Nikki. Or baka naman may ginawa kang hindi kaaya-aya kaya sinumbong ka nya kay Daddy." aba ang bruhang 'to, parang tinatakot pa ako. Sa pagkakaalam ko naman, wala pa akong ginagawang kabulastugan sa company ni Ate Nikki. "Wag kang manakot dyan! Kapag ganitong nasstress ako dahil nasa step 1 pa lang ako dun sa plano natin tapos medyo ginugulo pa ni Angela yung isip ko ha!" inis na sabi ko sa kanya. "Angela? Sino sya Ate? And bakit ka nya ginugulo? Bitchera ba? Tinatarayan ka? Pinapahirapan ka? Aba teka, hindi ka ata nya kilala, sabihin mo lang sa akin Ate at nang mabigwasan ng isa!" o nagpaka-Gabriela Silang na naman 'tong babaeng 'to. Nagkibit balikat naman ako. "Wala. Nevermind. Wala naman syang ginagawang masama sa akin." sabi ko naman sa kanya. "Eh bakit sabi mo ginugulo nya isip mo?" Umiling na lang ako sa kanya. Ayoko na rin namang pahabain yung usapan namin dahil baka kung saan pa mapunta. Masyado pa mandin matanong 'tong babaeng 'to. Pumikit na rin ako para hindi na rin nya ako bombardin ng mga tanong nya. "Ate?" narinig kong tawag nya kaya napamulat ako at tumingin sa kanya. "Yes?" sagot ko naman. "Ano kasi, uhm. Ano. Yung ano, uhm. Kasi ano." Ha? Ano daw? Kaloka 'tong kapatid ko ha! "Ano yon? Pwede ba Yna, ayusin mo nga yang sasabihin mo or itatanong mo." sabi ko sa kanya. Kastress kasi, magsasalita pero ayaw namang ayusin. Papa'no kaya kami magkakaintindihan diba? "Mahal mo pa ba si Kuya Gino? Gaano mo sya kamahal?" tanong nya kaya napangiti ako. Yun lang naman pala yung gustong itanong, andami pang chechebureche. "Oo naman. At sobra. Sobrang mahal ko sya kaya ginagawa ko 'to. Para sa kanya lahat 'to." sagot ko naman sa kanya. May kung anong nabasa ako sa mga mata nya pero ngumiti na lang din sya ng parang pilit sa akin. Ano kayang problema nya? "Bakit mo naman natanong?" tanong ko sa kanya. "Wala naman Ate. Bigla lang pumasok sa isip ko." yun lang at sya naman yung pumikit na halatang ayaw nya yung pinag-uusapan namin ngayon. Weird talaga. "Yna?" maya-maya ay tawag ko naman sa kanya. "Ow?" "May friend kasi ako, tapos nakwento nya na meron syang bagong kakilala. Pero ang weird daw kasi kakakilala pa lang nila pero parang lagi daw hinahanap ng mga mata nya yung taong 'yon. Tapos kapag nandyan naman daw, naiinis sya dun sa taong yon. May times pa nga daw na bigla na lang pumapasok yung taong 'yon sa isip nya eh." mahabang sabi ko kay Yna. Ewan ko ba. Para kasing gusto kong tuklasin kung bakit ako nagkakaganon kapag nandyan si Angela sa harap ko eh. Kahit kasi ako, naguguluhan din. "O tapos?" tanong naman nya. "Ha? Anong tapos? Hindi daw nya kasi maintindihan yung nararamdaman nya sa taong yon eh." sagot ko naman. Tumango-tango naman sya. "Yung friend mo na yan Ate, hindi pa sya naiinlove no?" tanong ni Yna kaya napakunot yung noo ko habang nakatingin sa kanya. Ano namang konek non diba? "Nainlove na sya. Nagkaboyfriend na nga sya eh." sabi ko naman. "Well, hindi sya talaga nainlove dun sa boyfriend nya." sabi pa nya kaya napataas yung kilay ko. Hello, mahal na mahal ko kaya si Gino no! Ano ba naman 'tong pinagsasasabi nitong si Yna? "Ha?" "Kasi Ate, mukhang hindi naramdaman nung friend mo yung sinabi mo kaninang 'nararamdaman' nya dun sa bago nyang kakilala diba? Tama ba ako?" Nagkibit-balikat naman ako. Ayoko naman kasing mahalata nya na ako at yung 'friend' na tinutukoy ko ay iisa lang diba? "Di ko alam sa kanya. Di naman kasi nya nakwento na naging ganon sya sa boyfriend nya noon eh." sabi ko na lang. "I see." at tumango-tango na naman sya. "Eh ano naman kasi yung konek non dun sa problema nya diba?" "Kasi Ate, hindi nya alam na inlove sya dun sa bago nyang kakilala." sabi pa ni Yna na ikinalaki ng mga mata ko. The f*ck?! "Ano?" "Yun sinabi mo kanina na nararamdaman nya tungkol dun sa bago nyang kakilala, ganun yung feeling kapag inlove ka or gusto mo yung isang tao. So sabihin mo dun sa friend mo, inlove lang sya. Yun lang." sabi pa nya kaya nanatiling nakaawang yung bibig ko. Ako? Inlove kay Angela? You got to be kidding me?! Hell no! Si Gino yung mahal ko. Sya lang at wala nang iba. *** "How are you Alexis Keyla? Kamusta naman yung trabaho mo sa kompanya ng pinsan mo?" tanong agad sa akin ni Daddy pagpasok na pagpasok namin sa opisina nya. "Fine Dad." sagot ko naman sabay halik sa pisngi nya. "And okay din naman yung work ko don. May mga natutunan na naman ako sa secretary ni Ate Nikki." sagot ko naman sa kanya. "That's good. At least marunong ka naman palang makinig kahit papa'no." agad naman akong napasimangot dahil sa sinabi nya. "Dad?!" reklamo ko pa sa kanya. "Kidding. Hmmm." sabi nya kaya napakunoot yung noo ko. Feeling ko kasi, may gustong sabihin si Daddy eh. Hindi lang nya alam kung papa'no sisimulan. "Dad? Spill." sabi ko naman sya. "Lex, mahal mo pa ba si Gino?" tanong nya sa akin kaya mas lalong kumunot yung noo ko. Seryoso? Kanina pa tinatanong sa akin 'tong tanong na 'to. Una, si Kuya Milo, tapos etong si Yna, tapos ngayon, si Daddy naman? Ano ba kasing meron sa tanong na yan? "Dad, ikaw na yung pangatlong tao na nagtanong nyan sa akin. Ano bang meron sa tanong na yan at paulit-ulit na lang? Pero sige, sa ikatlong pagkakataon, sasagutin ko yan. Yes Dad, mahal ko pa rin si Gino. Mahal na mahal ko sya." sagot ko naman sa kanya. Tumango-tango naman sya sa akin. Tumingin ako kay Yna para magtanong pero iniwas nya lang yung tingin nya sa akin. Ano ba talagang nangyayari? "Lex, random question." narinig kong sabi ni Daddy kaya nagsalita ulit ako. "Hulaan ko, tatanungin nyo ako na kung ano yung gagawin ko kapag nalaman ko na ikakasal na pala sa iba si Gino. Yun po diba?" ayan, pinangunahan ko na sya. Feeling ko kasi, yan din yung itatanong nya eh. I've a bad feeling about this one pero pilit ko syang inaalis sa isip ko dahil alam kong imposibleng mangyari yon. Hello, kakahiwalay pa lang namin ni Gino o, duh! "H-how'd you know?" tanong sa akin ni Daddy. "Tinanong na rin po kasi yan ni Kuya Milo." sagot ko naman sa kanya. "So?" "So ano po?" "So, what's your answer?" "Hindi ko po alam. Pero sure ako na hindi ko kakayanin kapag nalaman ko na ikakasal sya sa iba. Ako lang yung pwede nyang alukin ng kasal at wala nang iba!" sagot ko pa sa kanya. "Bakit hindi ka na lang magmove on tapos maghanap na lang iba?" tanong pa ni Daddy kaya napataas yung kilay ko. Seryoso ba sya? "Move on Dad? Sorry pero hindi ko po kaya. Mahal na mahal ko si Gino kaya hindi ko sya kayang bitawan." sagot ko naman sa kanya. "Pero kasi Alexis. Ano kasi. Yung ano--" ayan na naman, parang si Yna lang kanina. Puro ano na lang yung sinasabi. Luh, magtatay nga sila, chos! "Dad?" "Alexis?" "Dad?" "Alexis?" "Pwede ba Dad, sabihin mo na lang yung gusto mong sabihin kasi may kailangan pa po akong---" "Gino's getting married." parang bigla na naman akong nabingi dahil sa sinabi nya yon. Ano daw? Baka naman mali yung pandinig ko. Ok tama, mali lang yung pandinig ko. "Ano po?" "Alexis, ikakasal na si Gino sa iba." sabi pa ni Daddy kaya bigla akong lumapit sa kanya. "What?!" pasigaw na tanong ko pa. Si Gino? As in si Gino ko, ikakasal sa iba?" Tumango naman si Daddy. Ano ba naman yan, bakit kailangang magsabay-sabay dumating yung mangsstress sa akin? Una, etong pagpapakasal daw ni Gino sa iba. At yung isa naman, si Angela. Oo Angela, ginugulo mo yung isip ko! Ginugulo mo yung buong pagkatao ko! Leche! Dapat yung ex ko lang yung pinoproblema ko eh. Bakit pati ikaw diba? Bakit pati ikaw?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD