ALEXIS
"Lexi?" agad ko namang iminulat yung mga mata ko nang marinig ko yung boses ni Kuya Milo.
At kamusta naman na hanggang ngayon, hindi pa rin normal yung t***k ng puso ko. Shet lang, shet lang talaga! Bakit ko ba kasi naisipan pang kumanta at sumayaw kanina? Bakit hindi ko man lang napansin na may nakapasok na pala? At higit sa lahat, sa dinami-dami ng pwedeng makakita sa akin, bakit si Angela pa? Bakit hindi na lang si Melai? O kahit si Ate Nikki diba? Anyone but her sana diba? Ugh!
Anong mukha pa yung ihaharap ko sa kanya sa susunod naming pagkikita? Jusmiyo!
"Huy Lexi!" ipiniling ko naman yung ulo ko kaya napabalik ako sa kasalukuyan.
"K-Kuya Milo. H-hello! G-good morning!" nakangiti pero kinakabahang bati ko sa kanya. Ewan ko ba dito sa puso ko, aba'y ayaw bumalik sa normal na t***k eh.
"Anong nangyari sa'yo? Bakit parang hinabol ka ng sampung kabayo? At saka bakit lilinga-linga ka dyan, may pinagtataguan ka ba?" takang tanong pa nya sa akin.
"W-wala. H-hindi lang maganda yung gising ko." pagsisinungaling ko sa kanya. Ayokong sabihin na dahil kay Angela kaya ako nagkakaganito. At ayokong ikwento sa kanya yung nangyari dahil pagtatawanan nya lang ako.
"Sus yun lang pala. Halika nga, samahan mo muna akong magbreakfast. Baka gutom lang din yan." sabay hila nya sa akin papunta sa caf.
Pagdating namin don, halos wala ng bakante kaya tumingin-tingin si Kuya Milo kung kanino kami pwedeng makaupo. Napangiti naman sya nung may makita syang babae na nag-iisa lang sa table nya.
Parang gusto kong umatras nung makilala ko kung sino yung taong yon habang papalapit kami sa kanya. Jusko, sa dinami-dami talaga ng tao dito, sya talaga yung nakita ni Kuya Milo?
"Uh, Kuya Milo, busog pala ako, dun na lang muna ako---"
Pero bago ko matapos yung sinasabi ko, tinawag na nya agad yung babae kaya napalingon ito sa amin. At ganun na lang yung pagngiti nito nung makita ako sa tabi ng pinsan ko. Sheez! Sana pala hindi na ako sumama kay Kuya Milo dito!
"Anggetot, pwedeng makiupo? Wala na kasing vacant eh mukhang nagugutom 'tong pinsan ko so kailangan kong pakainin." narinig kong sabi ni Kuya Milo dito.
Ngiting-ngiti namang tumango yung isa. Pero alam kong may kakaiba sa ngiti nya. Alam kong pinagtatawanan nya ako sa isip nya dahil dun sa nakita nya kanina sa opisina ni Ate Nikki.
"Sure. Wala din naman akong kasama." sagot pa nya.
"Good. So maiwan ko muna kayong dalawa dito. Lexi, ako na yung bibili ng food mo." sabi pa ni Kuya Milo kaya bigla akong nagpanic. Iiwan nya talaga akong mag-isa kasama ng babaeng 'to? No way!
"Sasama na ako Kuya Milo." sabi ko sabay sunod sa kanya.
Pero agad naman nya akong pinigilan at iniupo dun sa tapat ni Angela.
"Umupo ka dyan. Ang haba ng pila o. Ako na lang bahala sa food." sabi pa ni Kuya Milo bago tumalikod ulit.
Tatayo sana ulit ako para sumunod pero biglang may humawak sa akin at parang may kung anong kuryente akong naramdaman kaya bigla kong inalis yung kamay ko sa pagkakahawak nya. What the f*ck? Ano yon?
"Para kang batang humahabol sa tatay nya. Wag kang mag-alala, wala naman akong gagawin sa'yo. Hindi naman ako nangangagat." nakangiting sabi nya sa akin.
"Baka lang kasi hindi alam ni Kuya Milo yung gusto kong kainin kaya gusto ko sanang ako yung mamimili." pangangatwiran ko naman.
"Talaga? Yun talaga yung reason kung bakit parang sinisilihan ka dyan sa upuan mo?" nakangiti pa rin nyang tanong.
Duh! Alangan namang sabihin ko na dahil sa kanya no? Wag na. Baka lumaki pa yung ulo.
"Oo naman. Ano pa ba yung magiging dahilan diba?"
"Baka dahil masyado kang naaakit sa kagandahan ko? Oh well, hindi naman kita masisisi dyan. Madaming ganyan talaga." sabay ngiti nya sa akin.
"Ay wow. Masyado naman atang malakas yung hangin mo sa katawan. Bawas-bawasan mo ineng para naman medyo maging humble ka." sabi ko sabay irap sa kanya.
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo."
"Nah. Kung merong maganda dito, ako yon." taas-noong sabi ko sa kanya. Aba ganun talaga, sabi nga ni Justin Bieber, love yourself, hihi.
Tumango-tango naman sya na para bang sumasang-ayon.
"I won't argue with that. Totoo naman eh." nakangiting sabi nya kay natigilan ako. Shocks, bakit parang feeling ko, namumula ako? Alexis, baka naman nagpapakasarcastic lang sya no? Tama, tama.
"May halong sarcasm ba yan?"
"What do you think?" balik-tanong naman nya.
"Tse! Pero asa ka naman na yon yung dahilan kung bakit hindi kita gustong makausap sa ngayon."
"Eh bakit nga ba?"
"Ewan, bakit di mo itanong sa sarili mo?" inis na sabi ko pa sa kanya.
Nagkibit-balikat naman sya.
"Dunno eh. Baka dahil dun sa nakita ko---"
Inis na itinaas ko yung mga palad ko para tumigil sya sa pagsasalita. Papaalala pa nya talaga eh no? Eto nga't hiyang-hiya na ako sa nangyari.
"Bakit kasi hindi ka kumatok?" tanong ko pa sa kanya.
"Hindi naman talaga ako kumakatok kapag sa office ako ni Nikki or ni Milo papasok eh. And malay ko ba naman na may nagcoconcert pala don. Di naman kasi ako informed." sabay taas baba pa ng kilay nya.
"Nililibang ko lang yung sarili ko habang hinihintay sila Melai at Ate Nikki. Malay ko ba naman kasi na makikinood ka diba? Sana kasi pagpasok mo pa lang, sinabihan mo na agad ako para hindi ko na itinuloy yung kung ano man yung ginagawa ko kanina." sabi ko pa sa kanya.
"Kung sinabihan agad kita, eh di sana, hindi ako nakapanood ng libreng concert. At hindi ko sana nakita yung pagsasayaw mo." ugh! Nakakainis na talaga yung ngiti nya!
"Na hinding-hindi mo na makikita kahit kelan!" pagtataray ko sa kanya.
"Really? Let's see." sabay smirk na naman nya. Ang saya nya eh no? Leche lang talaga!
"Wag kang tumingin sa akin ng ganyan, baka tusukin ko yang mata mo!" inis na sabi ko pa.
Tumawa lang naman sya kaya mas lalo akong nainis. Bakit ba kasi pati yung tawa nya eh parang ang sarap pakinggan? Bwisit naman o!
"O mukhang nagkakasayahan kayo dyan ah." bigla naman akong napabaling kay Kuya Milo. Napangiti naman ako nung nakita ko yung inorder nya para sa akin. Aww, kilalang-kilala talaga ako nitong pinsan ko na 'to.
"O ayan mahal na prinsesa. Yung paborito mo pong breakfast. Tocilog." nakangiting sabi pa nya sabay abot nung pagkain sa akin. "At mogu-mogu, lychee flavor." pahabol pa nya.
Ngumiti naman ako sa kanya ng pagkatamis-tamis.
"Thanks Kuya Milo. The best ka talaga!" sabi ko naman sa kanya.
"So, ano yung pinagtatawanan nyo kanina?" tanong nya nung nagsisimula na kaming kumain.
Ano ba naman yan, akala ko pa mandin nakalimutan na nya.
Tiningnan ko naman si Angela na parang sinasabi ko na 'subukan mong ikwento kay Kuya Milo, lagot ka sa akin'.
"Ah, may joke kasi si Alexis kanina tungkol sa pagcoconcert kaya ayun, natawa ako." tatawa-tawang sabi pa ng bruha sa pinsan ko.
Leche, ginawa talagang joke yung pagkanta ko eh no? Pero at least diba, hindi naman nya ikinwento sa pinsan ko yung nakita nya kanina. Kung saka-sakali kasi, alam ko kung gaano ako pagtatawanan nitong si Kuya Milo. At sigurado akong ikukwento pa nya kay Ate Nikki yon.
"I see. Mabuti naman at magkakilala na pala kayo."
"Yeah, nagkita na kami dun sa office ni Nikki kahapon. And sa elevator din." sagot naman ni Angela dito.
"Btw, kelan ang party?" tanong ni Kuya Milo dito. Hindi ko sila pinapansin kasi busy ako sa pagkain dito. Gutom nga pala talaga ako.
"Party?" balik-tanong naman ni Angela dito.
"Engagement party nyo ni tukayo." sagot naman ni Kuya Milo kaya napatigil ako sa pagkain.
Ikakasal na si Angela? Bigla naman akong napatingin sa kamay nya. Ay oo nga no, may singsing pala don. Bakit ba hindi ko napansin yon? In fairness, ang ganda ng singsing nya ha. Sana kapag bumalik na sa akin si Gino, ganyang singing din yung ibigay nya sa akin kapag magpopropose na sya talaga.
"Ah yun ba? Next week siguro pagbalik nya galing Singapore. Ipapadala kasi sya ng company nila don eh." sagot naman nya. Hmm, ako lang ba yung nakakapansin na parang wala syang gana dito sa pinag-uusapan nila ni Kuya Milo.
At hindi ko din alam kung bakit parang malungkot yung tingin sa akin ng pinsan ko. Problema nya? Feeling ba nya malulungkot ako dahil ikakasal na 'tong babaeng 'to? Pakelam ko naman diba? Nagagandahan lang naman ako sa kanya at hindi ibig sabihin non na bet ko na sya no! At isa pa, papa'no naman malalaman ng pinsan ko kung papa'no bumilis yung t***k ng puso ko kapag tinitingnan ako sa mga mata nitong babae sa tapat ko. Hmmm, tulad ngayon. Ugh!
"So tuloy na talaga?" tanong pa ni Kuya Milo.
"I think so." maikling sagot na naman ni Angela na mukha talagang hindi interesado sa topic. Hello, kasal nila 'to nung kung sino man yung magiging groom nya no! Dapat masaya sya kapag yung yung pinag-uusapan.
Ako, kapag ikakasal na kami ni Gino, ipagmamalaki ko yung sa buong mundo. Excited na tuloy akong magkabalikan kami.
Kaso nasa step 1 pa lang ako eh. Pero pasasaan ba at babalik din sa akin si Gino my love so sweet, hihi.
"Uhm, Milo, Alexis, una na ako sa inyo ha. Nagsend na kasi ng message si Nikki. Kailangan nya daw ako sa office nya ngayon." paalam sa amin ni Angela sabay lakad palayo.
Sayang, may itatanong pa mandin sana ako sa kanya. Gusto ko sanang itanong kung gaano karomantic yung proposal nung fiance nya. Pero dibale, next time na lang. Madami pa namang panahon para don.
"Lexi. Random question. Gaano mo kamahal si Gino?" narinig kong tanong sa akin ni Kuya Milo kaya napatingin ako sa kanya.
"Sobra Kuya. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang magmahal ng iba maliban sa kanya." seryosong sagot ko naman sa kanya.
Tumango-tango naman sya sa akin.
"Ikaw ba, mahal pa nya?" tanong pa nya sa akin.
"Tingin ko naman. Yung pagiging iresponsable at spoiled brat ko lang naman yung dahilan ng break up namin eh. So feeling ko, kapag naayos ko na yung buhay ko, babalik na sya sa akin." nakangiting sabi ko pa.
Totoo naman eh. Feeling ko talaga, babalikan nya ako pagkatapos ng lahat ng 'to.
Tumahimik naman sya at nagsimula ulit kumain. Etong si Kuya Milo, minsan, weird talaga. Kaloka.
"Lexi." tawag nya sa akin kaya tumingin ulit ako sa kanya.
"Ow?" sagot ko naman sa kanya.
"Wala. Nevermind. May itatanong sana ako kaso wag na pala."
Nagkibit-balikat naman ako.
"Okay." sabi ko pa.
"Ah, Lexi?" tawag nya ulit sa akin.
"Ano nga yon?" natatawang tanong ko sa kanya. Parang sira kasi. Pinagtitripan na naman ata ako ng taong 'to.
"Isa pang random question." panimula nya kaya tumango naman ako.
"Go lang ng go! Tanong lang ng tanong Kuya Milo. At hanggang kaya kong sagutin, sasagutin ko yang mga yan para sa'yo." nakangiting sabi ko pa sa kanya.
Kaloka kasi, masyado syang seryoso.
"What if malaman mo na ikakasal na si Gino, anong gagawin mo? Itutuloy mo pa rin ba 'tong pampapaimpress sa kanya?" tanong nya kaya parang nabingi ako. Ano daw? Ikakasal si Gino, sa iba?
"Ha?" tanong ko. Kunwari, di ko narinig yung sinabi nya.
"Kung ikakasal ba sa iba si Gino, kakayanin mo?" aba, binago pa nya yung kanina eh. Pero yung thought, ganun pa rin.
Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil kailangan ko ng sagot sa tanong na 'yon. Kailangan kong pakiramdaman yung sarili ko.
Nang makasigurado, seryosong umiling ako sa kanya.
"Hindi ko kaya Kuya Milo. Hindi ko kakayanin." malungkot na sagot ko sa kanya.
Ngumiti naman sya sa akin bago nagsalita.
"Random question lang naman." sabi nya sabay pinagpatuloy yung pagkain nya.
Hindi ko kayang ikasal sya sa iba dahil sa akin lang si Gino. Mahal ko sya. Mahal na mahal ko sya.