Chapter 5

2012 Words
ANGELA "What the hell? What are you two doing here?" sa dinami-dami talaga ng pwedeng madatnan dito sa labas ng condo ko, silang dalawa pa talaga? Sobrang pagod na ako ngayong ngayong araw, dadagdagan pa nilang dalawa diba? Kanina kasi, I was about to go home pero sinundo ako ng fiancé ko dahil kailangan daw naming pag-usapan yung about sa kasal naming dalawa. Ayoko sanang sumama kasi marami pa namang araw para don kaso aalis daw sya for one week and kailangan na daw maasikaso yon kaya wala na rin akong nagawa kundi sumama sa kanya. Mabuti na lang dahil bigla atang nagbago yung mood nya kaya eto, iniuwi nya ako agad. Pero kamusta naman na biglang nandito 'tong dalawang 'to diba? At hindi ko gusto yung ngiti nila pareho. For God's sake, gusto ko nang matulog! "Ay wow. Ngayon na nga lang ulit kami nakadalaw sa'yo, tapos ganyan pa yung salubong mo sa amin? Anong klaseng pinsan ka? Ganyan ka na ba talaga ngayon? Nabago ka na ba talaga ng kalagayan mo sa buhay? Naging matapobre ka na rin ba tulad ng ibang mayayaman dyan? Tell me Jelai! Tell me!" napataas naman yung kilay ko sa pag-iinarte ng isang 'to. Seriously, pati ako gagamitan nya ng galing nya sa pag-arte? Nah, not me couz, not me! I was about to tell something pero naunahan ako nung isa. "Manahimik ka nga dyan! Wag mo kaming artehan! Ikaw yung dahilan kung bakit ayaw na tayong makita nitong bruhang 'to!" sabi nito dun sa isang nag-iinarte. At pagkatapos ay bumaling sa akin. "Papapasukin mo kami dito sa condo mo or papasabugin ko 'tong buong building na 'to?" kalmado pero alam kong seryoso sya sa sinabi nya. Kaya nya talagang totohanin yon, promise. Wala na akong nagawa kundi papasukin sila. Hay, mahaba-habang gabi na naman 'to. Kastress. Nakangiti naman silang umupo sa couch after nilang makapasok. Wow, hindi man lang nila hinintay na alukin ko sila diba? "So, ano ngang ginagawa nyo dito?" tanong ko ulit sa kanila. "Hindi mo man lang ba kami papameryendahin? Grabe ka talaga Jelai!" reklamo na naman nung nag-inarte kanina. Naiiling na pumunta na lang ako sa kitchen para ikuha sila ng pagkain. Wala din naman akong magagawa. At ayokong mapaslang nung isa sa kanila dahil alam ko kung gaano kabrutal yung isang yon. "O ayan na yung food, baka naman pwedeng sabihin nyo na kung ano yung ginagawa nyong dalawa dito?" tanong ko ulit sa kanila matapos kong ilapag sa center table yung pagkain at inumin nila. "Well, uhm, may favor lang kasi sana kaming dalawa---" "Oh no. If isa na naman yan sa masasamang plano mo Klarisse, the answer is NO! Ayoko. Ako lang yung napapahamak kapag tinutulungan kita!" hindi ko na sya pinatapos dahil ayoko na talagang tulungan sya. Aba, nung huling beses na magpatulong sya sa akin, muntik na akong makulong no! So NO! Hindi na talaga, promise! "Anj kasi---" "Diba sabi ko nga hindi pwede Klarisse?!" ang kulit naman o! "Hindi mo nga kasi---" "Ayoko talaga Kla----" "Tatahimik ka at papatapusin mo ako sa sasabihin ko o ihahagis ko kayo pareho nitong si parrot dyan sa bintana mo?!" sigaw nya kaya bigla naman akong natahimik. Sabi ko nga eh, hahayaan ko muna syang magsalita. "Eh bakit pati ako Klang, nadamay sa paghagis mo?" reklamo naman ni Maybelle sa kanya. "Dahil ayokong malungkot yan si Anj kapag nahulog sya sa building na 'to. So mas masaya kung sasamahan mo sya." sagot naman ni Klarisse dito. Ayun, napasimangot na lang si Maybelle at hindi na sumagot. Takot lang din nya kay Klarisse diba? "So, pwede na akong magsalita Angela Marie?" nakangiti pero may diin na tanong nya sa akin. Tumango-tango naman ako at hindi na nagsalita. Baka kasi totohanin ni Klarisse yung sinabi nya kanina eh. At dahil mahal ko pa yung buhay ko at ikakasal pa ako, kailangan kong tumahimik ngayon at sumang-ayon na lang sa kung anong sasabihin nya. "Okay. May movie kasi 'tong sila Maybelle and Justine at dito sa building nyo isshoot so, baka pwedeng dito muna kami ni parrot sa condo mo magstay habang ginagawa nila yung movie?" napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya. Seryoso ba sya don? "At bakit dito?" tanong ko naman sa kanya. Hindi naman sa ayaw kong nandito silang dalawa, kaya lang, nagtataka ako kasi bakit hihiwalay si Klarisse kay Justine? Eh diba halos hindi nga sila mapaghiwalay? "Dahil gusto ko, kaya wala kang magagawa." sagot naman ni Klarisse. "Eh bakit hindi kasama yung girlfriend mo?" tanong ko pa. "Ah. Dun kasi sila sa pinsan nila ni Jordan magsstay sa ngayon. Sa 7th floor yung unit non so keri lang naman kahit dun sila. At isa pa, miss ka na namin ni parrot kaya naisip namin na dito na lang kami sa unit mo, instead na doon din." sagot naman nya sa akin kaya napailing na lang ako. Wala din naman akong magagawa kung tatanggi ako diba? And isa pa, miss ko na rin naman sila so okay lang din na dito muna sila. At least diba, may kasama na ako dito? Malungkot kaya ang mag-isa. "Fine. Tatlo naman rooms nito so go, mamili na lang kayo dun sa dalawa." sabi ko na lang sa kanila kaya bigla akong niyakap ni Maybelle. At si Klarisse, ayun, parang nandidiri pa habang nakatingin sa aming dalawa. Kaloka talaga, walang sweetness sa katawan. "Thanks Jelai. Sabi ko na nga ba hindi mo naman kami matitiis ni Klang eh." nakangiting sabi pa ni Maybelle. After nilang kumain, nagpaalam na ako sa kanila na matutulog na dahil sobrang inaantok talaga ako dahil sa pagod. Pero bago ako tuluyang pumikit, napangiti ako dahil naalala ko na naman yung itsura nung pinsan ni Nikki kanina. Mataray, maldita, pero in fairness, maganda sya. And cute yung datingan ng pagtataray nya kanina. Nakakatuwa din kasi nagsorry din sya agad sa akin. At least diba, alam nya na nagkamali sya. Mukang magkakasundo kami ng pinsan na yon ni Nikki. What's her name again? Hmmm. Oh, Alexis. Cute din. Bagay sa kanya yung name nya. At nakangiting image nya yung huli kong nakita bago ako tuluyang nakatulog. Weird, but I like it. *** "Good Morning Jelai." nakangiting bati sa akin ni Jackie, secretary ko. "Good Morning din Jackie. Nakangiting bati ko din naman sa kanya bago ko binuksan yung laptop ko. "Ang aga mo ngayon ah." narinig ko pang sabi nya kaya napalingon ako sa kanya. "Yeah. Maaga kasing gumising yung dalawang kasama ko sa condo kaya yon, dinamay na nila ako. And since may kailangan din naman akong tapusin ngayon, eto, inagahan ko na lang yung pasok." sabi ko pa sa kanya. "Sino?" tanong pa nya. "Klarisse and Maybelle." sagot ko sa kanya. Nakita ko naman na namilog yung mga mata nya. And yeah, crush nya yung isa sa dalawang bruha na nasa condo ngayon. Magsasalita pa sana sya nang biglang tumunog yung phone kaya nagmamadali nya itong sinagot. "Jelai, si Migs, tinatanong po kung nandito na kayo sa opisina." nakangiting sabi nya ulit sa akin. I mentally rolled my eyes. Magkasama lang kami kagabi diba? Ano na namang kailangan nya? Sumenyas na lang ako kay Jackie na sabihin na wala pa ako dito. Pinatay ko nga yung phone ko kanina para hindi nya ako matawagan diba? Tapos eto, sa opisina pa talaga sya tumawag. Kukulitin na naman kasi ako nung lalaking yon about sa kasal naming dalawa. Oo alam ko na aalis sya ng isang linggo pero hello, may 6 months pa kami para asikasuhin yon no! Eh duh! Last week lang sya nagpropose no! "Sorry Sir Miguel, wala pa po dito si Ms. Angela. Hindi ko rin po sya makontak. Pero sige po, pagdating po nya dito, sasabihin ko po na tumawag po kayo." sabi nya dito kaya nakahinga ako ng maluwag. At least nagets nya yung senyas ko kanina diba? Tumingin naman sya sa akin matapos nyang ibaba yung phone. And yeah, hindi ko lang naman kasi basta secretary 'tong si Jackie, kasama sya sa circle of friends ko so may karapatan syang tumingin sa akin ng ganito ngayon. "Don't ask." pa-balewalang sabi ko sa kanya sabay tingin ulit si laptop ko. Inikutan lang naman nya ako ng mata. "Fine. Ang arte mo talaga, hilig mong magpahabol." sabi pa nya. "Hindi ah---" "As if naman hindi kita kilala diba? Duh! Btw, kung ano man yan, pag-usapan na lang natin yan sa condo mo mamaya." sabi pa nya sa akin kaya binigyan ko sya ng nagsususpetsang tingin. "What?" tanong nya nung nakita yung paraan ng pagtingin ko sa kanya. "At bakit sa condo ko pa? Bakit hindi na lang natin sa labas pag-usapan?" balik-tanong ko sa kanya. "A-ayoko lang na gumastos ka." ay weh? Nako Jackie, wag ako. Wag ako. "At kelan ka pa nagkaroon ng concern sa mga gastos ko? Pwede ba. Parang hindi ko naman alam kung bakit gusto mong pumunta don. Wag ka nga." sabi ko pa sa kanya. "Well, wala akong ibang dahilan." sabi pa nya pero hindi naman makatingin ng derecho sa akin. Sus. Halatang-halata o. "Jackie, she has a girlfriend na at hindi ka nya papansinin kahit anong mangyari. At isa pa, magandang artista yung karibal mo sa kanya kung ako sa'yo, tigilan mo yan." at nakita ko naman syang namula dahil sa sinabi ko. See? Sabi ko na nga ba eh, si Klarisse talaga yung dahilan. "Excuse you? Pinagsasasabi ko dyan. Pwede ba? Namiss ko lang talaga yung condo mo no! And I don't care kung sino man yung nandun ngayon." sabi pa nya pero halata naman na kinakabahan sya. Sasagot pa sana ako pero nagsalita sya ulit. "Btw, sabi pala ni Nikki kahapon, puntahan mo daw sya sa office nya pagdating na pagdating mo." sabi pa nya sabay labas ng opisina ko. See? Guilty talaga yung babaeng yon. Naiiling na natatawang lumabas na lang ako para puntahan si Nikki. Pero nandito na kaya yon? Never naman pumasok ng maaga yon diba? Kakatok sana ako pero napansin kong bukas yung pinto kaya dumerecho na lang ako. Sanay naman sa akin si Nikki na bigla na lang akong pumapasok eh. Pero bigla akong napatigil nang may narinig akong kumakanta. "Let's Marvin Gaye and get it on. You've got that healing that I want. Just like they say it in a song, until that dawn, let's Marvin Gaye and get it on." at napangiti ako nang makita ko si Alexis na sumasayaw-sayaw pa habang may inaayos dun sa table ni Nikki. Nakatalikod sya sa akin kaya hindi nya alam na may nanonood sa kanya ngayon. In fairness talaga sa batang 'to, cute nya talaga. Nasabi sa akin ni Nikki na kakagraduate lang nya at kaya nagpipilit na magtrabaho dito eh para daw balikan sya ng ex-boyfriend nya. Hindi ba nya alam na masyado syang maganda para sya yung humabol sa isang lalaki? Pero well, kung doon sya talaga masaya eh diba? "There's loving in your eyes that pulls me closer, it's so subtle, I'm in trouble, But I'd love to be in trouble with you." at talaga hindi nya talaga ako napapansin ha. "Ako din. I'd love to be in trouble with you." nakangiting sabi ko kaya bigla syang natigilan. At muntik na akong matawa nung humarap sya sa akin na para bang nakakita ng multo. Parang gustung-gusto nya na lamunin na lang sya ng lupa nung nakita nyang may tao pala na nakapanood sa pagcoconcert nya kanina. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na 'I know the feeling'. Ganyan din kasi yung naramdaman ko nung nahuli kami ng mga pulis dahil sa kagagahan ni Klarisse. "K-kanina ka pa dyan?" nakayukong tanong nya. "Long enough para mapanood ko yung concert mo." sabi ko sabay ngiti ulit sa kanya. "Oh my gosh! Kill me now please." sabi pa nya sabay labas ng opisina ni Nikki. Pero bago pa nya tuluyang maisarado yung pinto, nagsalita muna ako. "Sa susunod, pwede siguro akong magrequest ng song?" natatawang tanong ko kaya malakas nyang isinarado yung pinto. Tatawa-tawa naman akong naiwan sa loob ng office ni Nikki. Alexis Keyla Fernandez, bakit ang cute-cute mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD