Chapter 4

1958 Words
ALEXIS "Ayan, sa susunod kasi, wag masyadong taklesa. Magtatanong ka muna." natatawang sabi ni Ate Nikki nung ikinuwento ko sa kanya yung nangyari. Nagtaka kasi sya kung bakit nakatulala ako nung pumasok sya. Malamang hindi pa ako nakakabawi dun sa encounter namin nung Angela na yon. Eto naman kasing si Melai, hindi nagsasalita eh. Nakita na pala nya ako na pumasok, hindi man lang nagpakilala sa akin. Ayan tuloy, napahiya ako dun sa babaeng Dyosa. "I've no idea naman kasi na hindi naman pala sya yung secretary mo. Kaya naman pala nagbabasa lang magazine eh. And hello, hindi nya kasi ako pinansin kaya nainis ako. Ang ganda-ganda ng bati ko sa kanya eh." sagot ko naman kay Ate Nikki. "Oh well, pasalamat ka mabait yang si Angela. Kung sa akin mo kasi ginawa yon, baka pinadampot na kita sa guards dito." Ay wow, ibang klaseng pinsan talaga, napakabait. "Mabait? Yon? Nah. I don't think so." hello, sinupladahan nga ako diba? Pasalamat sya maganda sya. Aba naman Alexis, bakit ba paulit-ulit ka dyan sa maganda na yan. Don't tell me, type mo sya ha. Umiling-iling naman ako dahil sa naisip ko na yon. Of course not. Hello, babae yon no! At isa pa, mas iisipin ko na lang kung papa'no mapapabalik sa akin si Gino ko kesa isipin yung babaeng 'yon no! And no, I'm not being defensive here ha! "Lexi hoy! Are you with us?" nakakunot ang noo na tanong sa akin ni Ate Nikki. Hala, may sinasabi pala sya? "Sorry, ano yon Ate?" "Don't tell me iniisip mo pa rin yung ex-boyfriend mo. Lexi, kung gusto mo talagang may mapatunayan sa kanya, tanggalin mo muna sya sa isip mo at magfocus ka sa trabaho mo." sabi pa nya. Well, kung alam lang ni Ate Nikki na hindi lang naman si Gino yung iniisip ko. Hay nako, Alexis Keyla Fernandez, magfocus ka nga! Tandaan mo, nasa step 1 ka pa lang. Madami-dami ka pang kailangang gawin bago tuluyang mapabalik sa'yo si Gino! "Sorry Ate Nikki. Sige game. Ready na akong matuto." nakangiting sabi ko sa kanya. "Good. So, maiwan na muna kita kay Melai at kailangan ko pang puntahan si Angela sa office nya dahil mukhang urgent yung kailangan naming pag-usapan. Hindi naman yon pupunta dito at maghihintay kung hindi masyadong importante yung sasabihin nya." sabi pa ni Ate Nikki bago lumabas sa office nya. Gusto ko sanang sabihin na si Angela na lang yung papuntahin nya dito para naman makapagsorry ako kaso nagbago yung isip ko. Baka kung ano pang isipin ni Ate Nikki. "Hello po Ms. Alexis, ako po si Melai. Ako po yung magtuturo sa inyo kung ano yung mga dapat mong gawin." nakangiting sabi sa sa akin nung secretary ni Ate. Ngumiti din naman ako sa kanya. "Hey Melai. At least ngayon sure na ako na ikaw na nga yung tamang tao." natatawang sabi ko sa kanya dahil naalala ko na naman yung encounter namin kanina ng isang magandang dyosa. "Pasensya na po kanina. Lalapitan ko na po sana kayo kaya lang po bigla nyo na pong inagaw yung magazine kay Ma'am Angela." hinging paumanhin pa nya sa nangyari kanina. "Nah. It's not your fault. Tama si Ate Nikki, dapat nagtanong muna ako bago tumalak ng ganon. Nakakahiya tuloy kay Angela." sabi ko naman sa kanya. "Wag nyo pong alalahanin yon. Hindi na po yon iniisip ni Ma'am Angela. Masyado po kasing mabait yung taong 'yon." sabi pa nya na na parang puring-puri talaga yung boss nilang yon. Papa'no naman ako maniniwala na mabait sya eh hindi nga nya ako pinansin kanina diba? So malamang, bait-baitan lang talaga yung peg ng babaeng yon. "Ah ganun ba?" yun na lang yung nasabi ko. Ayoko na kasing pahabain pa yung usapan tungkol sa babaeng 'yon eh. "Opo so wag nyo na pong alalahanin yon." nakangiting sabi pa ni Melai. "Okay. Btw, pwede na ba tayong magstart?" sabay bago ko sa topic. Baka kung saan pa kasi umabot yung usapan namin na 'to. Baka isipin pa ni Melai na interesado ako dun sa Angela na yon. Hell no! Duh. Agad namang itinuro sa akin ni Melai lahat ng mga kailangan kong gawin araw-araw. Sus, sisiw lang naman pala. Akala ko pa mandin papahirapan ako ni Ate Nikki. Di naman pala. Eh kahit nakapikit kaya kong gawin lahat ng sinabi sa akin ni Melai eh. Mukhang mapapabilis yung pagpromote nya sa akin ah. Baka sa lalong madaling panahon, magkapareho na kami ng position ni Angela dito. At least, makakasalamuha ko na sya at baka maging super friends pa kami. Ano ba naman yan Angela na naman, Lexi? Aba baka iba na yan ha. Ipiniling ko na lang yung ulo ko at nakinig na lang ulit kay Melai. After nya maituro lahat, pinauwi na rin nya ako dahil bukas pa naman daw ako magsstart dito. Pagtapos kong magpaalam kay Kuya Milo, agad akong sumakay ng elevator at hindi ko alam kung swerte na ako o malas dahil may magandang dyosa akong kasama ngayon dito. Jusko naman, wala na bang ibang sasakay? Kaming dalawa lang ba talaga? Paglingon ko sa kasama ko, derecho lang syang nakatingin sa may pinto. Habang ako, eto, nakatitig na naman sa kanya. Alexis, stop, nagiging creepy ka na. "Are you going to stare at me the whole time or magsasalita at magsosorry dun sa nangyari kanina?" sabi nya habang nakatingin pa rin sa may pinto. Bigla naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Ano ba yan, may mata ba sya sa may pisngi at kita nya talaga nakatitig ako sa kanya? "I-i'm sorry dun sa kanina. I'm not really sure kung bakit ko ginawa yon. Siguro dahil nasaling lang pride ko nung hindi mo ako pinansin nung nag-hi ako sa'yo." nahihiyang sabi ko sa kanya. Noon lang sya tumingin sa akin at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Bigla ko namang nahigit yung paghinga ko. Shocks, hangin please, kailangan ko ng hangin. Mas lalo syang gumanda nung nagsmile sya, jusko. "It's okay. May fault din naman ako kanina. So since sinabi ni Nikki na dito ka na din daw magtatrabaho, I think, mas okay kung magsisimula tayo ulit?" nakangiting sabi pa nya. Jusme, mas lalo akong hindi makakapagsalita nito eh. Mas okay pa yung nagsusungit nya kesa yung ganitong nakangiti sya sa'kin eh. "I-I - uh, I'm uh, A-alexis Keyla Fernandez." sabi ko sabay lahad ng kamay ko. Mas lalo naman syang ngumiti nung napansin nyang nagkakandabulol ako. "Angela. Angela Marie Lopez." at imbes na makipagkamay sya sa akin, nagulat ako nang bigla nya akong i-beso. Literal na napahawak ako sa may gilid ng elevator dahil bigla talaga akong nanghina. Holy mother of cows! Ano yon? Bakit may ganon kang naramdaman Lexi? Sanay ka naman na makipagbeso diba? Natauhan lang ako nang mapansin ko na magsasara na ulit yung elevator. Luh, iniwan na pala nya ako dito. Hindi man lang nagpaalam sa akin? Kaloka! Napakunot naman yung noo ko nang may mapansin na kotse na papaalis na dun sa may parking area. Kilala ko yung kotse na yon, kilalang-kilala ko! "Gino?" mahinang tanong ko. Ano'ng ginagawa nya dito? *** "Seryoso ka dyan? Magtatrabaho ka na talaga bukas?" natatawang tanong sa akin ng bestfriend ko na parang ayaw maniwala sa mga pinagsasasabi ko sa kanya kanina. "Mukha ba akong nagbibiro? Oo no! Seryoso ako don. I have to do this para bumalik sa akin si Gino. Para at least diba, maipagmalaki ko sa kanya na hindi na ako yung dating Alexis na walang ginawa kundi gumimik at gumastos. Nagbago na ako para sa kanya o." sabi ko naman sa kanya. "OA. Hindi ka pa nga nagsstart o. Nagbago na agad? Gumanyan ka kapag may napatunayan ka na no! Malay ba natin kung bukas, biglang magbago na naman yung isip mo." kontra pa nya kaya inis na binato ko sya ng fries. Niyaya ko kasi sya dito sa mall kasi sabi ko nga, ittreat ko sya dahil magkakatrabaho na ako bukas. At etong lokang 'to, imbes na suportahan ako, eto o, dinidiscourage pa ako. "Bakit ba ayaw mo akong suportahan dito?" tanong ko pa sa kanya. "Hindi naman sa ayaw kitang suportahan. Ang totoo nyan, happy ako na ginagawa mo yan. Ang hindi ko lang gusto, ginagawa mo yon dahil gusto mong bumalik sa'yo si Gino at hindi kusang loob. Ang sa akin kasi, kung gusto mo talaga yan, gawin mo para sa sarili mo at hindi para sa ibang tao." seryosong sabi pa nya kaya natahimik ako. In fairness kasi, may point sya. Etong si Mayie, minsan lang magseryoso pero ayan, napapaisip tuloy ako. "Pero kung mapapasaya ka naman talaga nyang ginagawa mo na paghahabol kay Gino, sino naman ako para kumontra diba?" sabi pa nya kaya napangiti naman ako. "Gusto ko sanang magpasalamat sa'yo pero gusto ko ring sabihin na hindi ko naman hinahabol si Gino." nakangiting sabi ko sa kanya. Para kasing ang desperada ng datingan nung sinabi nya. "Ano ba yang ginagawa mo?" "May gusto lang akong patunayan sa kanya no!" depensa ko naman. "Para balikan ka nga nya diba?" "Touché." sabi ko na lang para matigil yung usapan. Di din naman ako mananalo sa kanya eh. "Restroom lang." paalam ko sa kanya dahil kanina pa akong wiwing-wiwi. Nagmamadali naman akong pumasok sa isang cubicle pagpasok na pagpasok ko sa restroom. Napangiti ako nang biglang kumanta yung tao sa kabilang cubicle. "That I was born for you, and then you were born for me, and in this random world, it was really meant to be, la la la la la la la la la la la la la la la la la, la la la la la la la la la la la la, I'll bless the day that I was born for you" cute. Ang cute ng boses nya. Nagmamadali akong lumabas ng cubicle nung maramdaman ko na papalabas na rin sya pero na-late na ako ng labas. Ang bilis namang maglakad ng babaeng 'yon. Sayang, gusto ko pa manding makita yung itsura nya. Palinga-linga ako nung pabalik na ako sa pwesto namin ni Mayie. Napakunot yung noo ko nung nakita ko si Angela na nakangiting nakikipag-usap sa ka-date nya na hindi ko naman maaninag yung itsura. Nakatalikod kasi sa akin tapos medyo natatakluban pa nung nasa kabilang table. Nagkibit-balikat na lang ako at nakangiting lumapit kay Mayie. "Missed me?" tanong ko pa sa kanya sabay wiggle ng kilay ko. "Utot mo! O lika na, shopping na tayo at maaga ka pang uuwi mamaya dahil maaga pa yung pasok mo sa opisina ng pinsan mo." sabay hila nya sa akin palabas ng burger joint. "Teka naman, nagmamadali ka naman masyado. Hindi ka mauubusan dyan." natatawang sabi ko naman sa kanya. "Eh alam ko kasi kung gaano ka kabagal kumilos eh." sabi naman nya sa akin. "Oo na, oo na. Eto na nga o, nagmamadali na." at bago pa ako tuluyang nakasunod sa kanya, bigla na lang akong nabangga sa kung ano kaya bigla akong napaupo. "Aray ko naman. Ayaw naman kasing mag-ingat eh---" inis na sabi ko pero agad din naman akong natigilan nung makilala ko kung sino yung nakabangga ko. Biglang bumilis na naman yung t***k ng puso ko. At may kung anong kirot din akong naramdaman nung nakita kong nakangiti sya. "G-gino?" halos pabulong na sabi ko. At bago pa makapagsalita si Gino, hinila na agad ako ni Mayie palayo dito. Mabuti na lang at ginawa yon ng bestfriend ko dahil kung hindi, nayakap ko na sana si Gino at nakiusap na naman sa kanya na balikan ako. Yun naman talaga yung gusto kong mangyari pero hindi pa ito ang tamang panahon. May tamang oras para sa pakikipagbalikan ko kay Gino. At gusto ko, sya mismo yung kusang babalik sa akin at magsasabi sa akin na mahal nya pa rin ako hanggang ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD