Chapter 3

2290 Words
ALEXIS "No!" mariing sabi sa akin ni Daddy nung sinabi ko sa kanya yung plano ko. Ano ba yan, sinasabi ko na nga ba eh, hindi talaga ako papayagan. Tsk! "Pero Dad. Kailangan ko po talagang gawin 'to." sabi ko naman sa kanya. Kailangan ko syang mapapayag sa gusto kong gawin. "Alexis Keyla Fernandez, kapag sinabi kong hindi pwede, ibig sabihin, hindi pwede, naiintindihan mo ba?!" sabi pa ni Daddy sa akin kaya tumingin ako kay Yna para humingi ng tulong sa kanya. Umiling lang sya sa akin dahil takot din sya kay Daddy. Naku naman! "Dad, please? I'm begging you. This is the only way to get the love of my life back. You know naman how much I love Gino, right?" paawang sabi ko pa sa kanya. Shocks, sana magwork. Sana magwork please? Nakita ko naman na medyo lumambot yung ekpresyon ni Daddy nung nakita nyang naiiyak ako. "Please Dad?" ayan, may luha nang pumatak. Hindi na ako matitiis ni Daddy nyan. "Do you really love him that much?" gusto ko sanang magsmile dahil sa tanong nya na yon pero pinigilan ko yung sarili ko dahil baka biglang magbago na naman isip nya. "So much Dad. So much." umiiyak pa rin na sagot ko. Nakita kong lumingon sya kay Mommy na para bang nagpapatulong magdecide and bigla akong nagparty sa isip ko nang makita ko na tumango si Mommy and nagsmile kay Daddy. Yes! I'm such a great actress, hihi. "Okay fine." magssmile na sana ako pero bigla syang may idinugtong, "Pero sa company natin." sabi pa nya kaya napasimangot ako. Eh ayaw nga ni Gino na umasa ako sa parents ko diba? Tapos biglang dun naman ako sa company magwwork, ano kaya yon? Papa'no ko sya mapapaniwala na kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa diba? "Pero Dad, yun na nga po yung gusto kong patunayan kay Gino eh, na hindi po ako aasa sa inyo. Kung dun din naman ako sa company magwwork, eh di parang wala lang din po yung gagawin ko diba?" reklamo ko sa kanya. "At saan mo naman planong magtrabaho? Ano bang alam mong gawin?" tanong naman ni Mommy kaya napatingin ako sa kanya. "Pwede naman pong mapag-aralan yon diba?" sabi ko pa. "No. Dun ka company natin para at least matutunan mo na yung pasikut-sikot don." sabi naman ni Daddy. Naku naman o! Ang hirap namang kumbinsihin nitong mga 'to. "Dad naman eh. Dali na. Payagan mo na ako na magwork sa iba. Wag na sa company natin please? May kailangan lang talaga akong patunayan kay Gino. Please please please?" nag-puppy eyes pa ako habang nakapout para naman macute-an sya sa akin at payagan ako. Huling baraha ko na 'to jusko. Kagatin mo na Dad, please. Kagatin mo na. "Okay sige pero ako yung mamimili kung saan ka magtatrabaho." sabi ni Daddy kaya napakunot yung noo ko. Ano ba yan! " But Dad---" "No buts Alexis Keyla! Ako yung mamimili ng ibang company o dun ka sa kumpanya natin mismo magtatrabaho?" tanong pa ni Daddy kaya tumango na lang ako. Wala na rin naman akong magagawa diba? Kesa naman hindi ako payagan or sa company namin ako magwork diba? "Fine Dad." sagot ko na lang sa kanya. Nakita kong kinuha nya yung phone nya at may idinial na number. Agad naman akong napangiti nang marinig ko yung sunod nyang sinabi. "Nicole? Your cousin needs your help. Pwede ka ba nyang puntahan ngayon?" tanong ni Daddy kaya mas lalo akong napangiti. Kay Ate Nikki naman talaga ako magpapatulong talaga eh. Naunahan lang ako ni Daddy. Eto na, nagawa ko na yung number 1 sa list ko. Sundin ko lang 'tong ginawa namin na listahan na 'to ni Yna at babalik na sa akin si Gino ko. Yay! *** "Lexi!" napangiti naman ako nang marinig ko yung boses na 'yon. Luh, namiss ko sya. Sobrang namiss ko sya. "Kuya Milo!" agad ko naman syang niyakap nang makalapit sya sa akin. Grabe, ang tagal ko palang hindi nakapunta dito sa kanila. "Hindi naman halatang namiss mo ako eh no?" natatawang sabi nya sa akin. "Sobra kaya. Parang last year pa yata tayo huling nagkita no?" sabi ko naman sa kanya. "Masyado ka kasing busy sa boyfriend mo eh." tukso pa nya sa akin kaya bigla na naman akong lumungkot. Nag-aalalang tumingin naman sya sa akin. "Hey, what's wrong Lexi?" tanong pa nya. "Single na rin ako ngayon." malungkot na sabi ko sa kanya. "Whoa?! Seriously? Wala na kayo ni Gino? As in wala na?" at nanlalaki pa talaga yung mata nya habang tinatanong yon ha. Who would've thought naman kasi talaga na maghihiwalay pa kaming dalawa diba? We've been together for eight f*cking years diba? Hay. "Yeah. He broke up with me last week." sabi ko pa sa kanya. "Weh? Sya pa talaga yung nakipagbreak sa'yo?" tanong pa nya. "Yeah. Ayaw daw nya kasi sa isang spoiled brat na katulad ko. Masyado daw akong iresponsable at umaasa lang sa magulang." sabi ko pa. "So nandito ka para yayain akong magpunta sa kung saan para makamove on? Sige let's go! Samahan kita. Alam mo naman na gagawin ko lahat para sa favorite cousin ko eh." sabi pa nya kaya napangiti ako. Ang sweet-sweet talaga ni Kuya Milo kahit kelan. Sayang lang talaga at hanggang ngayon, single pa sya. Ang torpe-torpe kasi eh. "Maganda sana yang idea na yan Kuya Milo pero iba kasi yung naiisip kong gawin eh." nakangiting sabi ko sa kanya. "Ano naman yon? Don't tell me magpapatulong kang makipagbalikan sa mokong na yon ha. Nako Alexis, wag na. Sinaktan ka na nya kaya wag na wag mo na syang babalikan!" seryosong sabi pa nya. Aww, sobrang protective talaga nitong si Kuya Milo sa aming magpipinsan. Ang sweet-sweet nya talaga. "Actually, yun talaga yung plano ko. I love him so much and wala akong ibang naiisip na gusto kong makasama habang buhay kundi sya lang. And kaya ako nandito kasi kailangan kong humingi ng tulong kay Ate Nikki." sabi ko sa kanya kaya umiling-iling sya sa akin. "Hay nako. Pag-ibig nga naman. Well, ayoko man na balikan mo sya pero kung sya lang naman talaga yung magpapasaya sa'yo, eh di go lang. At kung ano man yang naiisip mo, sige, susuportahan kita dyan." nakangiting sabi nya sa akin kaya niyakap ko ulit sya. "Thanks Kuya Milo. The best ka talaga!" nakangiting sabi ko pa sa kanya. "Asus, naglambing na naman ang bata." natatawang sabi naman nya sabay gulo nung buhok ko. Napatigil naman kami sa paghaharutan ni Kuya Milo nang makita namin na papalapit sa amin sila Ate Nikki at Ate Faye. Grabe, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na malapit nang ikasal si Ate Nikki sa isang babae. Well, wala naman akong problema kay Ate Faye pero kasi, sa tagal naming magkasama nitong pinsan ko, never ko naman sya nakitaan ng mga senyales na isa syang lesbian. So nagulat talaga kaming lahat nung inannounce nya sa buong madla na inlove sya sa bestfriend ni Kuya Milo. Oh well, kung saan naman sya masaya diba? And isa pa, ang cute kaya nilang tingnan pareho. Ang ganda kasi nila eh and hindi naman awkward tingnan kapag nagpapakasweet sila. Tulad ngayon, magkaholding hands sila habang papalapit sa amin ni Kuya Milo. "Ate Nikki!" tulad ni Kuya Milo, niyakap ko din sya nang makalapit sya sa amin. "Aba naman Alexis! Kung hindi mo pa kakailanganin yung tulong ko, hindi ka pa magpapakita sa amin ah!" may himig pagtatampong sabi ni Ate Nikki matapos akong kumalas ng yakap sa kanya. "Hello Ate Faye." bati ko naman dito sabay beso. Syempre naman no, nakakahiya naman kung dededmahin ko sya eh nakasmile sya sa akin. "Aba at talagang hindi pinansin yung sinabi ko ha." nakataas ang kilay na sabi pa sa akin ni Ate Nikki. "Grabe ka naman Ate. Busy lang talaga ako. Sorry na." nakangiting sabi ko sa kanya. "Busy your face. Eh sabi ni Yna, puro lang daw lakwatsa yung ginagawa mo. Duh!" mataray na sabi pa nya. Ay grabe naman o. "O kaya nga busy diba? Hehe." sabi ko pa. "Tse! So ano yung sinasabi ni Tito na gusto mong magtrabaho dito? Bakit hindi pa sa company nyo?" tanong pa nya sa akin pagkaupong-pagkaupo namin. "Ano ba yan, wala man lang kamustahan talaga?" natatawang sabi ko pa sa kanya. "Wag na. Baka pag kinamusta kita, umiyak ka pa dyan bigla." natatawang sabi pa nya kaya takang tumingin ako sa kanya. Hala, papa'no nya nalaman? "Si Yna, duh! Nakwento na nya ng pahapyaw sa akin." sabi pa nya kaya napasimangot ako. "Bwisit talagang Yna Pauline yan! Ang hilig manguna." naiiling na sabi ko pa. "So, ano namang alam mong gawin?" tanong pa sa akin ni Ate Nikki. Saglit naman akong nag-isip at pagkatapos ay seryosong tumingin sa kanya. "Wala eh." sabi ko pa sabay peace sign sa kanya. Natawa naman pareho sila Ate Faye at Kuya Milo dahil biglang sumimangot si Ate Nikki. Luh, tatarayan na naman ata ako. "Kung makapag-isip ka, akala ko pa mandin ang dami mong alam gawin. Yun pala wala? Aba, eh papa'no ka magtatrabaho nyan dito?!" mataray na tanong nya sa akin. "We can train her, Love. Feeling ko naman madaling matuto yang pinsan mo." sabi ni Ate Faye sabay kindat sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Yes! Isa pang kakampi, hihi. "Wag kang pakasigurado dyan Love, mas kilala ko yang pinsan ko kesa sa'yo. Baka sumakit yung ulo ng magtuturo dyan. At di lang yon, baka hindi pa kayanin yung katigasan ng ulo nyan at biglang magresign." sabi pa ni Ate Nikki napasimangot na naman ako. Grabe naman sya o. Ang bait ko kaya. "Ate naman. Why don't you give her a chance? Feeling ko naman kakayanin yan ni Lexi." sabi naman ni Kuya Milo. Mabuti na lang talaga at may mga kakampi ako dito, jusme. Kung ako lang 'to, pahirapan bago ko ma-convince 'tong si Ate Nikki. "Please Ate Nikki. Love mo naman ako diba? Ako nga yung favorite cousin nyo ni Kuya Milo diba? Tulungan mo na ako dito please? Kailangan ko lang talagang mapabalik sa akin si Gino." pa-cute na sabi ko pa sa kanya. Alam ko naman kasing hindi nya ako matitiis eh. "Asus, ginamitan mo pa ako nyan. Alam mo naman na papayag naman talaga ako diba? Pinakiusapan din naman kasi ako ni Tito eh. Sa ngayon, dun ka muna sa office ko. Ikaw muna yung assistant ng secretary ko." sabi pa nya. "Assistant secretary Ate Nikki? Sa ganda kong 'to, gagawin mo akong assistant lang ng sekretarya mo? Wow naman ha!" reklamo ko sa kanya. Papa'no naman ako magmamalaki kay Gino kung yun lang yung ibibigay nya sa akin na trabaho diba? "At ano namang gusto mo aber?" nakapamewang na tanong pa nya. "CEO." taas-noong sabi ko sa kanya kaya ayun, bigla nila akong pinagtawanan. Ano ba yan, seryoso kaya ako. "Asa ka! Aagawan mo ako ng trabaho. Wala kang karapatang magreklamo dahil nakikiusap ka lang no! So sa ayaw mo at sa gusto, assistant ka muna ng secretary ko. Yaan mo, kapag nakita ko naman na may improvement ka, ipopromote kita agad." sabi pa nya kaya napangiti ako. "Promise?" "Yeah. Sure naman kasi ako na matatagalan yon." natatawang sabi pa nya kaya sinamaan ko sya ng tingin. Ang buti nyang pinsan talaga kahit kelan eh no? Grabe, nakakaiyak. "Sweet mo talaga Ate Nikki." may pagkasarcastic na sabi ko sa kanya. "I know. O sya, halika dito at ipapakilala na kita sa secretary ko dahil mula bukas, sya na yung lagi mong makakasama. At Alexis Keyla, subukan mong magpakatigas ng ulo kay Melai, humanda ka talaga sa akin." banta pa nya habang kinakaladkad nya ako papunta sa office nya. Grabe talaga 'tong babaeng 'to o. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Ate Faye at Kuya Milo ah! Tsk. Pero bago kami makarating sa opisina nya, may humarang sa kanya na tauhan nya yata kaya wala akong nagawa kundi mauna na lang. Ako na lang siguro yung magpapakilala dun sa Melai. Pagbukas ko ng pinto ng opisina nya, agad kong nakita ang isang magandang babae na nakaupo at nagbabasa ng magazine. Eto siguro yung Melai, yung secretary ni Ate Nikki. In fairness kay Ate, yung itsura nya, hindi pang secretary lang ha. "Hi." nakangiting bati ko sa kanya pero ang bruha, tiningnan lang ako tapos tumingin ulit sa magazine na hawak-hawak nya. Aba teka, maldita ha. Hindi porke mukha syang Dyosa na bumabasa sa lupa dahil sa kagandahan nya eh may karapatan na syang dedmahin ako. Hindi porke ang ganda ng buhok nya, ng mga mata nya, ng ilong nya, at ng labi nya eh hindi na nya ako papansin no! Aba, secretary lang sya dito no! At ako, pinsan ako ng may-ari nito no! "Ah excuse me lang no! Wala kang karapatang mandedma sa dahil secretary ka lang ng pinsan ko no!" mataray na sabi ko sa kanya sabay hablot nung hawak nya na magazine. Bigla naman akong napaatras nang tumingin sya sa akin ng derecho. F*ck! Mas maganda pala yung mata nya sa malapitan. Hala, bakit parang biglang hindi ako makapagsalita? Anong nangyayari sa akin? "Ma'am Angela--" bigla naman akong napalingon sa likod ko nang may magsalita. "Melai, mukhang wala pa dito si Nikki kaya babalik na lang ako." wow, pati boses nya, ang perfect. Yung totoo, may mali ba sa taong 'to? "And you," sabay tingin nya ulit sa akin. "Pakisarado ng bibig mo dahil baka may pumasok na langaw dyan. Btw, I'm not your cousin's secretary. Angela Marie Lopez, COO of this company. Sa susunod, kilalanin mo muna yung tatarayan mo." yun lang at lumabas na sya sa office ni Ate Nikki. Bigla naman akong napahawak sa dibdib ko. Sh*t! Bakit biglang bumilis yung t***k ng puso ko?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD