Halos marinig ko ang marahas na paghampas ng alon sa malayong dalampasigan dahil sa matinding katahimikan na bumalot sa lamesa namin. Pare-parehong walang imik at hindi alam kung ano ang sasabihin sa isinagot ni Agustine. Kita ko ang maingat na pagtingin ng iba sa akin, nahuhulaan ang tinutukoy ng lalaki sa harapan ko. "Do you want to join us?" Drea broke the silence. Hindi ko naiwasan na lingunin at titigan siya. Alam kong maski siya ay alam ang ipinupunto ni Agustine pero inignora niya iyon. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa kanya sa pagsalo sa nangyaring katahimikan o maiinis dahil ramdam ko ang kabastusan at pangmamaliit niya sa akin. Tulad nang ginawa ni Agustine kanina ay saglit niya lang tiningnan si Drea saka muling itinuon ang buong atensyon sa akin. "Can I join?" h