"Done?" Agustine asked when I came out of the restroom and then scanned me from head to toe. Simpleng tango lamang ang naisagot ko at umiwas ng tingin—bahagyang nakaramdam ng ilang. Nakabihis na ako ngayon ng damit na ipinahiram niya. May kalakihan iyon sa akin kaya naman isiningit ko ang unahang laylayan sa loob ng palda at hinayaan ang likurang bahagi na nakalaylay. Medyo malayo kami sa mga dati kong kaklase na alanganing nagpatuloy sa pag-iinom kanina kaya naman sa kanya lamang nakatuon ang atensyon ko. "Are you mad?" namamaos niyang tanong at hinuli ang paningin ko. I swallowed slowly and shook my head for an answer. Paano ko magagawang magalit sa kanya kung nagawa niya akong ipagtanggol sa harapan nilang lahat? "Why did you turn off your phone?" he asked softly. I tried to clear