"Sorry, Dad. Medyo biglaan lang din lakad ko kaya hindi na nakapagpaalam," I stated as I talked to my father through the phone. I heard him sighed. "Don't do that again, it's very unprofessional," Dad preached—embarrassment automatically crept inside my system. "Anyway, did you already talk with Mr. Revelar? Nagkaroon ba ng problema sa project? You're using his phone so you're still with him?" he asked a series of questions. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasagutin sa mga tanong niya. Sandali kong sinilip si Agustine na seryosong nagmamaneho; salubong ang kilay animo'y may malalim na iniisip. Wala sa sarili akong napanguso dahil hindi niya man lang ako sinulyapan. "May mga ni-recheck lang pong mga design para sa hotel. Wala naman pong naging problema, pabalik na rin po kami ng syud