"So, who's the obsessed fan now?" Tumawa siya. "Well, I am. Guilty, your honor." Umirap ako. Paano kaya niya nakuha ang numero ko? "Hey!" "Bakit? Paano mo nakuha ang number ko?" "The secretary in your department is my cousin." At ano naman kaya ang sinabi niya sa pinsan niya? "Tapos? Bakit ka tumawag?" He chuckled again. "Ang sungit naman." "Inaantok na ako. Bye!" "Ano'ng oras matatapos ang klase mo bukas?" "At bakit?" "I just want to know." "Alamin mo. Mukhang magaling ka naman sa bagay na iyan." "Kapag nalaman ko, you'll go out on a date with me?" "Ano ba ang kailangan mo sa akin?" "Kailangan ko ang puso mo." "Wow, huh! Aanhin mo naman ang puso ko? Aswang ka ba?" "Silly..." "Ilang puso ba ng babae ang gusto mo?" He chuckled again. "Ang puso mo lang ang gusto ko.