Gising pa sina Nanay at Kuya Justin pagdating namin sa bahay. Nasa sala sila habang karga ang kambal. Nagulat pa ang dalawa nang makita nila ang itsura ko. Nakasuot ako ng gown, habang sa magkabila kong kamay ay may hawak akong korona, plaque at bouquet ng rosas. Ang sash ay suot ko pa rin. "Sumali ka sa beauty pageant?" manghang tanong ni Nanay. Si ate na ang sumagot at nagkuwento. Mula sa opening number namin; iyong gulat niya nang makita niya ako hanggang sa i-announce na ang nanalo. Pati iyong issue sa pagkapanalo ko dahil kapatid niya ako. Ate was so proud of me. Ganoon din si Nanay kaso nagtatampo dahil hindi ko man lang daw siya sinabihan. "Baka nga kasi sumablay ako at hindi manalo." "Eh, ano naman? Kahit hindi ka manalo, panonoorin pa din kita at ipag-chi-cheer." Niyakap