UTB— 5

1049 Words
Heto ako sa aking silid, umiiyak dahil sa nangyari. Wasak na naman ang puso dahil kay Kyle. Parang ang hirap paniwalaan ang nangyari. For the second time sinaktan na naman niya ako. Mabuti na nga lang at hindi umakyat si Nanay upang kumustahin ako at piliting magtrabaho. Namumugto na ang mga mata ko at hindi ko alam kung paano ako haharap sa kaniya at magpapaliwanag kung bakit ako umiiyak. Pinilit kong matulog kaysa dibdibin ang nangyari, sobrang sakit na din ng mga mata ko at lalamunan dahil sa kaiiyak. Gabi na ng magising ako. At muli na naman akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib dahil sa nangyari. Kyle, bakit ka umalis ng hindi man lang nagpapaalam sa akin? Sinadya mo ba? Did you just ghost me? Kailangan kong bumaba upang sabayan si Nanay na maghapunan. Naghilamos ako at naglagay ng concealer upang takpan ang namamaga kong mga mata. Wala namang sinabi si Nanay. She just asked if I was sick. I told her that I just want to rest and lay on my bed the whole day. Nahirapan tuloy akong matulog dahil maghapon akong tulog kanina. Nakaupo ako sa kama, surfing the internet and making myself useful. Napapatunganga sa kawalan hanggang sa may idea na pumasok sa aking isipan. I don't think that he purposedly leave the country without saying goodbye to me. Baka urgent at kailangang-kailangan niyang bumalik ng US, kaya wala na siyang time na puntahan ako. Tama. What if ako na lang ang magpunta doon? Oh, that's a brilliant idea. Naging masigla ako sa mga sumunod na araw dahil doon. I will work my ass off and save money for my trip to US. Luckily I also have a brother in law who has connections. Nakapagpaalam na din ako kay Nanay at masaya ako na pumayag siya. Pero syempre nasabon muna ako ng Nanay ko, dahil iniisip niya agad na si Kyle ang sadya ko sa pagpunta roon. Tawang-tawa nga ako nang sinabi niya na plano ko daw pikutin si Kyle.. Hindi ko iyon naisip pero paano kaya kung totohanin ko. Kung gusto ni Kyle na mag-asawa na kami, bakit hindi di ba? Sobrang excited na ako. Tiyak na masusurpresa si Kyle kapag nakita niya ako. Ilan sa mga inimpake ko ay mga thongs. Baka lang naman magamit ko. Labag man sa loob ni Ate Janina ang pag-alis ko, wala na siyang nagawa sa huli. Alam ko na nag-aalala din siya sa akin dahil first time kong umalis ng bansa. First travel ko din na hindi sila kasama. Kasama ko si Sunny kaya kahit paano panatag sila. May bodyguard din kaming kasama, kahit hindi naman na kailangan. Bago ang araw ng flight ko, nagpa-spa ako para fresh ako kapag nagkita kami ni Kyle. Nakapagpa-wax na din ako ten days ago. Syempre dapat makinis ang ating kepyas, dahil nakakahiya naman kay Kyle. Baka mawalan pa siya ng gana kapag makita niya na madamo ang aking bakuran. Miss na miss na kita, baby ko. Miss ko na din ang mga labi mo. Napahagikgik ako habang nasa byahe kami papuntang airport. Inikutan naman ako ng mga mata ni Sunny. "Nababaliw ka na." "Kaya nga, kaya kailangang-kailangan ko na talagang makita si Kyle. Siya lang ang gamot." Tumawa siya at umiling-iling. Mahaba-haba ang flight ngunit hindi ko nagawang matulog kahit pa nasa business class kami ni Sunny. Ewan ko ba pero mula nang sumakay kami sa eroplano hindi na mawala ang kaba sa dibdib ko. Excited na akong makita si Kyle talaga. After how many hours lumapag din kami sa US. Kumuha kami ng ilang pictures ni Sunny upang ipadala kay Nanay at may ma-post sa social media accounts namin. "Umuwi na muna tayo sa bahay," sabi ni Sunny. Madaling araw pa lang naman kaya magpapahinga na muna kami. Hindi puwedeng ganito ang itsura ko na haharap kay Kyle. Dapat fresh na fresh ako para mas lalo siyang mabighani sa akin. Pinilit kong matulog ng ilang oras. Sabi ni Sunny ay sa gabi na lang namin puntahan ang lalake dahil malamang busy iyon sa trabaho. Ayaw ko siyang abalahin. Alas-singko nang hapon mag-prepare ako. Sunny helped me with my hair and make up. Nagsuot din ako ng sexy na dress tapos pinatungan ko ng long length blazer, paired with a boots. "Okay ba? Tingin mo maaakit si Kyle sa akin?" "Oo naman! Tingin ko mawawasak ka sa gabing ito, kaya lagot ka sa ate at Nanay mo." Tumawa kami. Namula ang pisngi ko. May ganoon nga kayang mangyayari? Pero kung gusto niya, di ba? Why not poknat? Ang personal driver ng mga dela Vega ang naghatid sa amin sa condo building kung saan nakatira si Kyle. Nasa thirty minutes ang byahe mula sa bahay nina Sunny. "Ready?" Nagkangitian kami ni Sunny. Pasakay na kami sa elevator. Nasa twenty three floor ang unit ni Kyle. Sasamahan muna ako ni Sunny pero aalis din daw siya agad para makapag-solo kami ni Kyle. "Hindi ako makahinga..." Nag-inhale exhale ako. "Baliw ka, baka mamaya bigla kang hikain." Tawa kami nang tawa. Para na kaming mga baliw. Sa wakas nakarating na kami sa tamang floor. Liliko kami sa kanan tapos naroon na ang... Napatanga ako nang makita ko ang lalakeng sadya ko rito. Dapat nakangiti ako ako ngunit ang saya sa mukha ko ay nabura. He's with someone else. He's with a woman. Naghahalikan sila. Nakasandal sa pader ang babae at mukhang hindi na sila aabot sa loob ng unit ni Kyle. Biglang sumikip ang aking dibdib. Ang aking mga mata ay nanlabo. Ngayon hindi ko na kayang kontrahin ang nasa isip ko. Sinadya niyang umalis nang hindi nagpapaalam. Pinaasa niya lang ako. That wonderful night that we shared was just nothing. He made me believe that he likes me. Bakit? Bakit, Kyle? You know how much I like you. How much I love you, but why do you have to do this to me? Bakit ka pa umuwi ng Pinas? Bakit ka pa lumapit sa akin? Why did you have to kiss me and treat me like I was special? Why did you have to take me to your place? "Jonah, let's go..." I wanted to confront Kyle but I didn't have the strength to do it. Atleast malinaw na ang lahat. Hindi na ako mag-iisip. Hindi ako mababaliw at aasa sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD